Chapter Eighteen

9 1 0
                                    

Pinatawag ni Prof Rod ang dalawang guard kasama si Luffy. Isang kulay pulang ilaw lang ang nasa loob ng Office, pero maliwanag naman at makikita mo ang kausap mo kung nasa loob ka. Lumingon si Prof Rod kay Luffy.

"Luffy," sabi niya. "Ikaw ang pinaka-magaling na rookie na nakilala ko."

"Sir?"

"Pag 11:15," sabi ni Prof Rod, "Pag 11:15, at hindi niyo parin nahanap ang bomba. Sapilitan mo nang ilikas ang mga estudyante, at pauwiin sila sa bahay. Mas mabuti nang makitang nalulungkot sila sa pagka-postponed ng event, kesa panooring sabay sabay tayong malamon ng pagsabog."

"Yes Sir." At lumabas na si Luffy at ang dalawa niyang kasama.

Sa labas ng Presidential office, mahinang kausap ni Prof John si Lt. Xian.

"Sir" sabi ni Lt. Xian, "Kailan niyo balak gawin ang plano niyo?"

"Mamaya." sagot ni Prof John.

"Hindi ba pwedeng ngayon na?" tanong ni Lt Xian. "Pinatigil ko na ang pag-hahanap sa bomba."

"Magaling," sabi ni Prof John. "Pero, mamaya ko na isasagawa ang plano ko. Kapag namatay na ang pang-apat na biktima."

Dumating si George at si Ysabel kasama ang dalawang guard sa Lab.

"Dito muna kayo," sabi ng isang guard, "Pag may nangyaring masama, humingi kayo ng tulong. Maliwanag?"

Pumasok ang dalawang guard sa Lab, nakita nilang naka-tali ang kamay ni Prof Montes, at nagulat sila dahil walang nangyayaring pag-patay. Parang hostage lang ang nang-yari.

"May tao ba diyan?" sigaw ng isang guard.

At nakita nilang may nakahigang lalaki sa sahig.

"Boss," sabi ng Guard, pero nakatutok parin ang baril niya sa lalaking nakahiga. "Ayus kalang? Nakita niyo ba kung anong nang-yari?"

Hinawakan bigla ng lalaki ang kamay ng Guard na may baril na nakatutok, sa kanya. Binato niya ang kunai niya sa isa pang guard, at tumama ito sa noo nito.

"Oo nakita ko," sabi ni Slave. At ipinutok ang baril niya na may silencer.

The Hidden GoblinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon