Chapter Twelve

11 1 0
                                    

Walang kamalay-malay ang mga estudyante na nasa quadrangle na may krimeng mangyayari sa mga susuonod na oras. Malakas pa ang tugtugan nila, mga tugtugang: Gentlemen na Christmas Remix, Feel this moment, at iba pang pampaingay na tila sasalubong na sila sa bagong taon.

Kapag galing kang Garden, makikita mong naka-talikod ang imahe ni Lualhati Bautista, sa gitnang bahagi ng quadrangle, nandito ang mga sound sytem, sa kaliwang bahagi naman ang mga pagkaing sari sari na nasa lamesa.

May mga estudyanteng kumukuha ng wine sa wine fountain, at ang iba naman umiinom lang ng soft drinks at nakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Ang iba naman ay nakikipag-ligawan (na parang advance kasi dapat mamaya pa 'yon after ng lighting), ang iba naman ay nakaupo lang at nanonood sa mga nagsasayaw sa stage.

Sa gitna naman ay may ilang media na nag-iinterview sa mga Club Leaders. Sa ibang parte naman ay ang mga sasali sa battle of the bands na nagtotono na ng kanikanilang mga gitara.

"Bakit dito?" tanong ni Ysabel.

"Dapat," sagot ni George habang iniiscan ang paligid, "Dapat CCSS ang mag-HoHost, pero nung isang buwan, biglang binago ng management. Tingin mo bakit?"

"Kasi dito dapat--" huminto bigla si Ysabel. "Bakit? Anong gusto mong iparating?"

"Ang Head," sabi ni George, "Ang Father, na leader ng GOBLINS, isa siya sa mga Faculty. Huwag kang basta basta mag-titiwala."

"Two minutes pa." sabi ni Ysabel.

"Dito sa gitna," sabi ni George, at napansin ni Ysabel na nasa gitna na sila ng quadrangle. "Dito natagpuang patay ang isa pang myembro ng GOBLINS, ang pangalawang biktima, pero as usal, ang sabi nadapa, at may nabuong dugo sa loob ng ulo."

"Ang pangatlo?"

"Hindi ko alam." Sagot ni George. "Hindi ko na binasa, malay ko bang gagayahin nila ang lahat ng detalye sa University Scandal."

Sa ibang parte ng quadrangle, si Slave bitbit ang isang dean, parehas silang duguan at nung may nakakita sa kanila, ngumiti lang si Slave, at sinabing, "Ganto ang totoong Cosplay! Makatotohanan."


Inaasar niya lahat ng taong makasalubong niya, na siya ang may pinaka-magandang costume. Sinasabi din niya na dapat mamaya may-i-award sakanya kahit best in costume lang. At dahil dito hindi na siya pinansin ng bawat makakasalubong niya, dahil inaakalang isa lang siyang estudyante na nag-yayabang ng costume niya. Hindi din nila napan-sin na Ang Dean ng CAS ang hawak niya dahil naka-tabon ang dugo sa muka nito.


Sa di kalayuan, may nag-tatalong dalawang grupo, parang nag-dedebate ang mga leader nila.

"Mas magaling ang Lakers!" sabi ng isang leader.

"Hindi kailangan ng Flopper!" sabi ulit ng kakampi ng naunang nagsalita.

At hanggang sa nag-kapikunan na sila. At nag-suntukan. Dali-dali namang sumugod ang mga guards para awatin ang gulo. At halos lahat ng tao sa quadrangle ay pinanood ang tila riot ng dalawang grupong nag-kasakitan na.

Sa di kalayuan, sa loob din ng Campus, ang 25 years old na Janitor ay gulat parin sa pinapatrabaho sa kanya.

Isa siyang Faculty, sabi neto sa isip niya. Dapat ko siyang sundin.

May kumausap sa kanya kani-kanina lang, at tila ang weird ng pinapagawa. Pero mas pinili niya paring sundin ito. OK lang! Kasama naman daw sa event ito.

Nung mareceive niya ang text ng taga-faculty, Pinatay niya ang main fuse na nagpapailaw sa Quadrangle.

Tila biglang tumahimik ang lahat sa biglang pagkamatay ng mga ilaw. Nahati sa dalawang grupo ang gurads. Isa para umawat sa gulo, at ang isa pa ay para buksan ang ilaw dahil sila lang ang may flashlights. Di rin nag tagal, nabuksan nang muli ang ilaw.

Ikinagulat ng lahat ang pag-tili ng host ng 8:00-10:00 program program. Nakita niyang naka-handusay sa stage ang bangkay ng Dean ng sarili niyang department. Kahit ang away ng mga lalaki sa may kanto lang ng quadrangle ay napatigil nito.

Nilapitan kaagad ni George at ni Ysabel ang Dean.

"Humihinga pa siya." sabi ni Ysabel.

"Mukang pinukpok siya," sabi ni George, "May tama ang ulo niya."

At dito nalagutan na ng hininga si Professor Ramirez, ang Dean ng College of Arts and Sciences.

Ilang metro lang ang layo sa crime scene, tuwang tuwang pinanood ni Slave ang pagka-lagot ng hininga ng Dean. Dito isang bagay ang pumasok sa isip niya, dalawa nalang. pwede na akong mag-pahinga.

At umalis na siya kaagad. Para bumalik sa pinagtataguan niya. Sa totoo lang, naka-salubong pa niya ang mga security guard na rumesponde dahil sa krimen.

Dito, narealize ng mga nakakita sa kaniya kanina, na hindi mag-eefort sa pag-costume ang isang lalaking hindi naman cartoon character, anime, or kahit saan pang fantasy ang icocostume niya. At sana na-realize din nila na kahit kailan, hindi naging member ng Otaku group ang Dean ng College of Arts and Sciences.

The Hidden GoblinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon