Chapter Six

9 0 0
                                    

Kahit puyat at pagod dahil sa dalawang exam kahapon, maaga padin nagising si George. Tumayo sa sa higaan niya, at tumingin sa bintana, "Napaka aga pa!", sabi niya, "Makatulog nga ulit." Bumalik siya sa higaan, pero di siya kaagad nakatulog. Nararamdaman niya na sumasakit ang katawan niya at medyo nahihilo pa siya.

Di nag-tagal nakatulog ulit siya.

Sa lawak ng Rizal Park sa Luneta, nakikipag-habulan si George sa isang babae, hindi niya makita ng malinaw ang muka nito, pero alam niya lang na nagpapahabol ito sa kanya, at hingal na hingal na siya sa kakahabol. "George, bilis!" sabi ng babae. Tumatawa ito.

Dahil sa sobrang pagod, nadapa si George. At pag-tayo niya wala na ang babae sa pwesto niya. Mag-isa nalang siya sa gitna ng napakalawak na Park.

Nagising si George. At parang hindi tama yung nangyari sa panaginip niya. Never pa siyang nakakakita ng babae sa panaginip niya. More on Ancient Aliens, WWII, Cold War, Trojan War at kung ano ano pang tungkol sa History ang napapanaginipan niya. Pero ngayon? Kakaiba ito.

December 23, 10:38 Hrs.
Binuksan niya ang TV, at nanood muna siya ng mga kadalasan niyang pinapanood. Nag-palipat-lipat siya ng Channel dahil di siya makahanap ng magandang palabas. NBA? Wala naman laro ang Lakers. At nung di siya makahanap ng magandang palabas, pinatay na niya ang TV. At kumain ng konting tinapay.


17:21 hrs. Sa kwarto parin na madilim, at di malaman kung saang lugar. Nakatayo si Slave at may kausap ulit sa phone. Pero, sa oras na ito, may apat siyang kasama? Hindi. Hindi kasama, may apat na lalaking nakakulong sa Selda. Nasa isang kulungan nag-tatago si Slave? Hindi parin malinaw ang lahat, sapagkat apat lang ang kulungang nandito. At napakadilim nito para maging isang kulungan ng munisipyo.

"Nasa kamay mo na sila," sabi ng lalaki sa Phone na malamang ang Father parin ang nag-sasalita.

"Ako na bahala." sabi ni Slave. "Handa na ako, mamaya tatawag ako sa kanila para balaan sila."

At natapos na ang tawag, binuksan ni Slave ang flashlight na hawak niya, para ilawan ang mga nasa kulungan. "Mahahanap kami ng Pulis dito." Sabi ng isang matandang lalaki na nakakulong sa unang selda.

"Talaga?" sabi ni Slave. "Hindi niyo nga alam kung saan ang lugar na'to."

"Kakarmahin ka," sabi ng nasa pangatlong selda."Maniwala ka sakin. Kung ano man ang binabalak mo, hindi ka mag-tatagumpay."

"Tumahimik ka nalang." sagot ni Slave, "Hindi niyo pa oras mamatay. Wag kayong mainip. Dadating din tayo diyan."

Handang-handa na ang University sa Tree Lighting Ceremony. Halos taon taon na nila itong Tradisyon. Maraming ilaw na nakahanda nang buksan kapag dumilim. May stage sa kabilang dulo ng Quadrangle, at dito may nag-hahanda na ang may mga special number. Marami-rami nadin ang tao sa Quadrangle. Dito makikita mo ang excitement ng mga estudyante sa Event.

Una, may mga performances ng mga Bands, pero apat na banda lang ang tutugtog, yung mga natira lang last Battle of the Bands. Pangalawa, tutugtog naman ang University Choir, at susudan ito ng mga sample cheers ng University Pep Squad, at may ilang kakanta ng pamasko para bigyan ng background ang exchange gift (Pero unlike sa normal na exchange gift, dito bahala ka kung sino, at kung ilan ang gusto mong bigyan). Pangatlo, ang mismong Tree Lighting, kung saan kapag last 2 minutes nalang, ay titigil nak ung ano man ang mga ginagawa nila para mag focus sa countdown. At may Fireworks display pa at masasayang Christmas songs ang papatugtugin pagkatapos ilawan ng Tree. At ang pang apat, ang pinaka aabangan ng lahat, ang Christmas Ball hanggang 3:00 ng umaga, kung saan mag-papatugtog ng mga love songs ang DJs at magyayaya ng isasayaw ang mga lalaki (parang sa Prom lang).

The Hidden GoblinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon