Hindi na napigilan ninoman ang pag-kalat ng balita. Ibinalita na ng iba't ibang reporter na nasa event ang nang-yaring krimen.
"Ayan po Live tayo dito," sabi ng Reporter na si Sel. "Kung saan, kasalukuyang nirerespondihan ng mga Security guards ng University ang nang-yari--"
"Nakilala po ang biktima," sabi naman ng reporter na si Ted. "Na si Professor Joey Ramirez , Dean ng College of Arts and Sciences ng University--"
"Inamin naman kaagad ng pamunuan ng university," sabi ni Marjon, "na kahit maraming tao, nag-karoon parin ng krimen. Sa ngayon inaalam pa natin ang reaksyon at detalye ng Professor na sinasabing tagapagmana ng upuan sa pagka-pangulo sa University."
Nasa office na sila George, Ysabel, Prof John, at si Surge. At pinag-uusapan kung anong susunod na hakbang. Sa Loob ng dalawang Oras tila marami nang nangyari. Si George naman ay nag-iisip lang sa isang sulok. Ngayon nagiging malinaw na sa kanya ang University Scandal ng 1989.
"May idea kana?" mahinang tanong ni Ysabel.
"Tungkol saan?"
"Sa kung pano, at kung saan ang susunod na pag-patay."
"Hindi pa," sagot ni George, "Kailangan ko ng Internet, or worst kailangan kong bumalik sa Archives para malaman ang eksaktong lugar kung saan namatay ang pangatlong biktima."
Nag-tatalo si Prof Rod at si Lt Xian sa nangyari. "Dalawang Dean na ang namamatay," sabi ni Prof Rod. "Kailangan pa bang mag-intay tayo ng hating gabi at intaying sumabog ang nasabing bomba bago natin isapubliko ang kaso?!"
"Professor," sabi ni Lt Xian. "Ginagawa na po ng mga tauhan ko ang dapat gawin."
"Pero nag-tagumpay ba kayo?"
"Minsan kahit gawin mo lahat hindi ka mag-tatagumpay kung hindi pa oras." sabi ni Lt Xian. "Pag-bigyan mo kami, Professor, 'wag nating sirain ang gabing pinaghandaan ng mga estudyante."
9:15, habang may kanya kanyang ginagawa ang bawat isa, may tumawag ulit sa phone, pinindot ulit ni Prof Rod ang SPEAKER button ng phone, para lahat sila maka-rinig ng tawag. At nag-salita na ang caller, "Hello nag-babalik ang kaibigan niyong si Slave," sabi niya, "Nasaan si Prof Rod?"