Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Napatayo si Lt. Xian sa kinauupuan niya, at naka-abang naman sa pinto ang apat na guard at si Luffy. Ang dalawang guard naman na nasa harap ay sinisira ang pinto.
Pag-bukas ng pinto, lahat ng guards, si Luffy, si Lt Xian, si George, at si Ysabel, nagulat sa nakita nila. Naka-tihaya si Prof Rod at makikita kahit sa malayo na sira sira ang damit nito sa may parteng dibdib. Nakatayo naman si Prof John at sa kanang kamay nito hawak niya ang isang baril. Sa kaliwang paa naman niya nandun ang isang bagay na nagpatunay na hindi isang alamat ang GOBLINS. Nandoon ang nawawalang GOBLIN's Sword, na sinasabing ang Head lang ang pwedeng humawak nito. Naka-tingin si Prof John sa mga nag-bukas ng pinto.
Si Prof Rod naman ay iniinda parin ang sakit, pero itinuro niya si Prof John at sumigaw, "Siya!! Siya ang Head ng GOBLINS!"
Pinag-babaril siya ng Guard na kasama sa nag-bukas ng pinto, sumigaw naman si LT Xian, "WAG!" na parang pinipigilan niya ang mga tauhan niya.
Bumagsak sa sahig si Prof John. Nung nakita ni Prof Rod si Lt Xian umatras ito na parang natatakot. Itinuro niya rin si Lt Xian, at sinabing, "Ikaw ang SPY!"
"Hayop ka!" sabi ni Lt Xian at dali-daling tumakbo para kunin ang Goblin's Sword para ipukpok kay Prof Rod, "Hinayupak ka! IKAW DAPAT MAMATAY!"
Hawak na ni Lt Xian ang Goblin's Sword pero hindi siya naka lapit kay Prof Rod, dahil sa oras na'yon si Luffy naman ang umaksyon, nagpakawala siya ng tatlong bala at ito naman ang ikinamatay ni Lt Xian.
"Bakit nandito pa ang mga estudyante?!" tanong niya kay Luffy, habang tinutulungan siyang umupo ng dalawang Guard.
Si George naman ay lumapit para tingnan ang Goblin's Swors. At nagulat siya ng hinawakan ni Prof John ang kamay niya, "Ba-basahin mo!" At maraming dugo ang lumabas sa bibig ni Prof John. Tinago muna ni George ang papel sa bulsa niya. Mukang isa itong mapa, code, or kung ano na sa kanya lang pinag-katiwala ng GOBLINS. Kanina pinag-katiwala sa kanya ni Slave ang Goblin's Treasure. Kaya si Prof John, bilang head ng Goblins, malamang may iniwan ding mensahe.
"Ilikas niyo na ang mga estudyante!" sabi ni Prof Rod. "Alam ko na kung nasan ang bomba!"