Chapter Eight

8 0 0
                                    

Lumapit si Slave sa mga bihag niyang matatandang lalaki. Pinuntahan niya ang nasa unang selda. At hinanap sa mga kamay niya kung anong susi ang nasa una.

"Oras mo na." sabi niya sa matandang guro. "Halika, dadalhin na kita sa langit. I'm the angel from above."

At binaril niya ng pampatulog ang guro, at binuhat ito palabas ng selda, habang ang tatlong natirang bihag ay kumapit sa rehas ng selda at tiningnan kung anong ginagawa niya.

Lumingon si Slave sa kanila at sinabing, "Wag kayong mag-alala, lahat kayo makakaranas nito."

Lahat ng tao sa Office ay napatingin kay George ng sinabi niya ang samahang GOBLIN. Ang iba'y napailing, at ang iba naman ay parang nalito. Pati ang Cashier napatingin din. Pati si Ysabel. Though, lahat naman sila ay may alam sa History ng University, pero not that much na kagaya ng mga nalalaman ni George.

"GOBLINS?" tanong ni Prof Rod. "Pinaniwalaang isang alamat lang ang samahang 'yon--"

"--hanggang ngayon." sabi ni George. "Hanggang ngayon nalang masasabing isa silang alamat."

"Teka, teka." sabi ni Prof John, "Huwag mo nang ikwento ang alamat. Bakit gusto nila maghiganti?"

"Dahil sa 1989 University Scandal." Sagot ni George. At habang lahat ay nakatingin sa kanya, akala niya alam ng mga teachers ang sinasabi niya. Pero hindi.

"1989 Scandal?" tanong ni Prof John. "Naalala ko yan. Pero, bakit naman nila igaganti ang sex scandal ng dalawang estudyante na hindi naman kasalanan ng University ang pagkalat ng video?"

"Hindi, hindi!" sabi ni George. "Pinalabas lang yun, para yun ang matatak sa isip ng tao na University scandal."

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Prof Rod, na parang litong lito na ang reaksyon.

"1989," sabi ni George. "Gusto nang ipa-Ban ng University ang grupong Goblins. Pero hindi nila mahanapan ng butas ang grupo. Hanggang sa nag-papatay sila ng apat na estudyante na kabilang sa Goblins at sinabing pinatay ng Goblins ang myembro nila."

"Tapos?" Pati si Prof John mukang naging interesado.

"Tapos," sagot ni John. "Hindi parin na-disband ang grupo. At hanggang sa taong 1991. Yun ang putol sa nakasulat na Article. Gusto kong pumunta sa Archives ngayon na."

"Hindi pa ito ang tamang oras--"

"Pero malinaw naman," sabi ni George, "na apat ang kinuha sa grupo nila. At apat din ang kukunin sa mula sa faculty members."

"Mr. Sparks." sabi ni Prof Rod. "Kailangan muna kitang kausapin saglit."

Sa Quadrangle ng University, nakaupo ang reporter na si Marjon. Iniisip niya kung totoo ngang may bomba. Simula kahapon, ilang ulit na siyang natutukso na i-report na may bomba sa University, kaso iniisip niya rin, Pano kung prank call nga lang? Mawawalan siya ng trabaho. Mababalewala ang lisensya niya at maaari siyang makulong.

"Mukang malalim ang iniisip mo ahh," sabi ng Camera man niyang si Ley. Parehas silang naka amerikana.

"Wala pre," sagot ni Marjon. "Wag mo akong pansinin."

Makalipas ang ilang sandali, nag-ring ang Phone ni Marjon. Sinagot niya ito, at tulad ng inaasahan, isang dating kaibigan ang tumawag. Pero ngayon, nagpakilala ito sa pangalang Slave.

"Mr. Sparks," sabi ni Prof Rod. "Hindi ba't minsan muntik ka nang ma-suspend dahil sa pag-gamit mo ng pangalan at issues ng university sa isang story telling project niyo?"

Tumango lang si George.

"At alam mo din," dagdag pa ni Prof Rod, "na lahat ng issues, Good or Bad, ay makikita sa Archives. Meron lang akong gustong ipangako mo sakin, dito mismo sa opisinang ito."

"Ano po 'yon," tanong ni George.

"Ano man ang makita mo," sabi ni Prof Rod, "o mabasa, maaari bang, itago mo nalang sa sarili mo?"

"Dipende po."

"Bakit Dipende?"

"Kung," sagot ni George, "Kung magkakaron po ulit ng ganitong sitwasyon, huwag naman sana, pero kung mag kakaron po ulit. Feel Free to share kung anong nalalaman ko."

Yumuko nalang si Prof Rod. At tumingin ulit kay George. "I grant your access."

The Hidden GoblinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon