Iniisip din ni George kung pano papatayin ang pang-apat na dean. Ang sinabi lang kasi sa article, basta lang bumulagta ang huling biktima. Walang nakakaalam ng cause of death. Pero ang sinabi, isang wierd case daw ng tuberculosis. Pero hindi na-confirm.
"Hindi ko alam." sagot niya sa tanong ni Ysabel.
Napayuko nalang-sila pareho.
"Hindi sinabi ang pag-kamatay ng pang-apat. Isa parin itong misteryo." sabi ni George. "Biglang natumba sa loob ng Lab ang huling biktima. Ang sabi ng nurse, tuberculosis. Pero, may missing link."
"Sa tingin mo?" tanong ni Ysabel. "Totoo ba lahat ng Myth? May itinatago kayang kayamanan ang Goblins sa lair nila?"
"Malalaman natin mamaya." sinabi ni George, "Mag-focus muna tayo kung pano mapipigilan ang pag-patay."
"George," sabi ni Ysabel. "May tiwala akong mapipigilan mo 'to."
At halos isang agos ng pressure ang bumuhos sa loob ni George. Nasa kanya lahat ng pressure, kasi halos lahat sa kanya naka-asa. Si Prof John na pinatawag siya, nung umagang namatay si Prof Manuel sa Laboratory, para i-break ang codes.
Ngayon naman inaasahan siya ni Prof Rod, at ng iba pang faculty, na malulutas niya ang kasong ito bago mag-hating gabi, kung hindi, katapusan na ng University at lahat ng kasali sa event, maaabo lahat. Si Ysabel, siya din ang inaasahang pumigil sa susunod na krimen, kung saan tatay mismo ni Ysabel ang sususnod na biktima.
"Maikli lang ang naka-lagay sa research ko," sabi ni George, "Hindi ko nabasang maige ang article tungkol sa 4th victim. Basta, ang malinaw, sa 4th floor ng CCSS Lab siya papatayin. At meron pa tayong 15 minutes para pigilan ang Goblins. . .at para maligtas ang daddy mo."
10:51, Nag-lalakad si Slave patawid ng Canteen, papuntang CCSS building. Siguradong nag-hahanda na siya sa pang-apat at huling pag-patay. Pagka-tapos, wala na. Maglalaho na siya at ang samahang Goblins, kasabay ng pagputok ng granada pagsapit ng hating gabi. Ang University, ang GOBLINS, ang Father or Head ng samahan, na pinaniniwalaang isa sa mga faculty member, mag-lalaho na.
Nakasuot si Slave ng Uniform na may nakasulat na GLOBALPRO. Isang Agency ng mga janitors na nag-lilinis ng University. Malamang walang makakapansin kay Slave, kung hindi, aakalain lang siya na isa siyang janitor na nag-tutulak ng malaking basurahan. Napaka-galing niyang mag-disguise.
Magandang simula ito, para kay Slave. Bumalik sa kanya ang alaala nung 1st year College siya. Kung saan naging estudyante siya ng Engineering department. Dahil masyadong mahilig sa actions, at gamer din si Slave. lagi siyang binu-bully ng mga kaklase niya sa Engineering Class niya. Minsan pinag-sisihan niya ito. Nag-sisisi siya kung bakit Engineering ang kinuha niya.
Isang araw, araw ng midterm exams nila sa subject na Trigonometry 1. Hindi nag-review ang dalawa sa katabi niya. Alam ni Slave na nag-kokpyahan ang mga kaklase niyang nasa harapan. At ilan sa mga ito ay mabababang grade, 3.00 lang ang mataas nilang nakukuha. Samantalang si Slave ay nakakakuha ng 1.00, at 1.75 lang ang pinaka mababa nitong nakukuha sa kahit anong exam at quiz.
Hinayaan niyang mangopya sa kanya ang mga katabi niya. At tiningnan siya sa mga mata niya ng Professor, na si Sir Ramirez, pero mas bata pa ang itsura nito ngayon.
Si Slave ay may kasintahan naman na nag-aaral sa kurong Computer Engineering. Ang pangalan niya ay Kara. Sinasabihan niya ito lagi ng mga problema niya sa mga kaklase niya. At ganun din naman si Kara sa kanya.
Dumating yung araw ng bigayan ng Grade. Sa hindi malamang dahilan, nakakuha ng 5.00 si Slave. Sinugod niya ang Professor sa Office nito, hindi pa Dean si Professor Ramirez noon, pinunthan niya ito para itanong kung bakit ganon ang nakuha niya.
Tumawa lang ang Prof, "Sa susunod, wag kang mag-papakopya!"
"Pero sir," Sagot ni Slave. "Yung mga nasa harap? Nag-kokpyahan din sila! Bakit ako lang ang binagsak mo?"
Tumayo ang Prof sa upuan, "Minsan unfair ang munda," sabi niya at lumabas sa room.
Sa araw din na yon, nakipag-hiwalay si Kara kay Slave. Dito, nakaramdam ng huge upset si Slave. At nung nakita siya ng mga kaklase niya na nakaupo sa Garden, tinukso nila si Slave. Dahil sila ay mga line of one, kahit puro kopya lang, at si Slave naka singko.
Nakipag-suntukan si Slave sa kaklase niyang nag-ngangalang Nick. At dito, parehas silang bugbog, at ipinatawag sa office, hanggang sa office, tuloy ang kamalasan ni Slave. Binigyan si Nick ng Dalawang araw na suspension, samantalang si Slave naman ay isang linggo.
Habang nasa labas na ng Campus, hindi maipinta ang muka ni Slave. Hiniwalayan siya ng taong pinaka mamahal niya, nakipag-suntukan at mas malaki ang parusa niya, bumagsak pa siya sa Trigonometry subject niya.
Nakita siya dito ng kasalukuyang leader ng grupong GOBLINS, kinupkop niya si Slave, pinakain sa lair. Pinag-training sa mga ninja masters ng basic moves. Nakatapos si Slave sa kursong Electrical Engineering despite na bumagsak siya. Tinulungan kasi siya ng GOBLINS sa mas matiwasay na pag-aaral.
Pag-kagraduate niya, nag-travel siya papuntang China, at dito siya nag-aral ng Ninjutsu. At pagkatapos dumiretso naman siya sa Brazil, para sa additional training ng Brazilian Jiu Jitsu. At dito nahasa ang skilla niya as Assassin.
10:55, Nakarating na si Slave sa Computer Lab kung saan gagawin niya ang krimen. Hinanda na niya lahat ng kailangan. Inayos pero mukang simple lang ang gagawing pag-patay sa pang-apat na biktima.
"Wag mong isipin ang anak o Professor," sabi ni Slave, "Ligtas siya."
"Pano mo nasabi?" sabi ng Prof, "Hindi siya ligtas habang nasa loob ka ng Campus."
"Oh--" sagot ni Slave, "Safe siya, pinoprotektahan siya nga isang magiting na lalaki."
"Sino?"
"Mamaya," sagot ni Slave. "Mamaya, sigurado akong pipigilan niya ang pag-patay ko sa'yo, malamang makikita mo pa siya."
Bumalik si George at Ysabel sa Office, nag-pasama sila sa dalawang Guard, sinabi nilang limang minuto pa ang natitira bago isagawa ang huling pag-patay.
"Sir" sabi ni George kay Prof John. "Samahan mo kami."
"Kayo nalang," sagot niya at ngumiti, "Dito lang ako, may mas mahalaga akong gagawin."
"Pero sir--"
"Luffy," sabi ni Prof John, "Tumawag ka ng dalawang guards para samahan sila."
"Opo sir." sagot ni Luffy.
"Oh," lumingon ulit si Prof John kay George. "May limang minuto pa kayo para pigilan siya--kung mapipigilan niyo."