Thania's Pov.
Ilang araw na ang nakalipas. At wala pa din akong balita sa mga nakilala kong kaibigan sa school.
Paano ba naman kasi wala akong number ng isa sa kanila. Hindi ko alam yung mga facebook nila.
Gusto kong bisitahin sila kung okay na ba sila. Sa mga nangyari noon sa school. Hangang ngayon kasi hindi pa din kami pinapabalik. Mag isang buwan na.
Mag 6 pm na pala. Agad akong nagtungo sa kusina at pinaglutuan muna ng makakain si laila. Raraket na kasi ako ngayon sa Aristokrat Bar. Medyo nauubos na pang gastos namin.
Nang matapos na ako sa pagluluto ay naligo na ako saka nagbihis. 7 pm pa naman nagbubukas yung bar na yon.
Tagal tagal na din akong hindi nag tratrabaho hahaha. Kaya hinanap ko pa ang uniform namin sa bar na ito. Sa ngayon hindi muna ako kakanta kasi di na ako nakakapag practice. Kaya mag wawaiter nalang muna ako.
Nang nakabihis na ako ay umalis na ako ng bahay at nagtungo na sa trabaho.
Nang makarating na ako sa trabaho ko. Agad ako sinalubong ng bouncer namin. Nag apiran pa kami ni Jon o mas kilalang Jona. HAHAHAHA tama po kayo gaylaler po siya. Sayang yung katawan niya eh.
Pumasok na ako sa bar at wala pa masyadong tao. Nakitako naman ang manager namin doon na si olivia.
Mag hi sana ako ng tinarayan niya ako. Nagulat naman ako galit ba siya sakin? ano naman ang ikinagalit niya sakin? may nagawa ba akong mali sakanya na hindi ko alam? lalapitan ko na sana siya pero di ko na tinuloy.
Nagtrabaho nalang muna ako. Andami naman atang pumupunta sa bar ngayon kaya paulit ulit lang ako naglilinis ng mga lamesa at nagdadala ng mga pagkain at wine sa mga taong dumadating dito. maya maya Nagulat ako nang makita ko si angela papasok dito sa bar na umiiyak.
"5 cups of madeira wine pls" biglang napalitan ng sungit ang kanyang kalungkutan. "angela. hinay lang grabe ka naman" gulat na sabi ko.
"i don't care! bilisan mo na! bigyan mo na ako!" natahimik ako ng sumigaw siya. "what are you looking at? ano titigan nalang thania? BILISAN MO NA!!" napatingin na ang mga tao dito sa bar kay angela. agad agad na ako kumuha ng limang baso ng madeira wine at binigay sakanya.
Pagkabigay ko tinarayan niya nalang ako at sabay inom ng wine. bigla bigla nalang ulit siya umiiyak. "angela may problema ba?" tanong ko. "tss don't talk to me" di parin matigil ang iyak niya. "baka pwede kitang tulungan"
"gusto mo malaman problema ko? PROBLEMA KO AY IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO THANIA! ANO BA ANG NAKITA SAYO NI JAYE NA WALA SAKIN HA? LAGI NALANG IKAW ANG BUKAMBIBIG NIYA HALOS WALANG TIGIL ANG BUNGANGA NIYA SA KAKASABE NG PANGALAN MO. HABANG NAGSASAYA KAMI SA KAMA LAGI NIYANG INIISIP NA AKO AY IKAW. FUCK YOU THANIA!"
Napaluha nalang ako sa gulat. lahat ng tao dito sa bar nakatingin samin ni angela. si jaye may gusto sakin? pano nangyari yun?
agad nang umalis si angela habang pinupunas ang mga luha sa mukha niya.
hindi parin ako makapaniwala sa sinabe niya. jaye, bakit ako? anong meron sakin? BAKIT AKO?!
agad agad na ako umalis sa bar para umuwi. nagmamadali akong naghanap ng tricycle na masasakayan habang may luhang lumalabas sa mata ko.
"saan ka miss?" "sa may sitio eskita po manong" umandar na ang tricycle. pilit kong pinipigilan ang luha ko pero di ko magawa.
...
pagkabayad ko kay manong. agad agad akong tumakbo sa bahay.
pagkadating ko nagkulong ako sa kwarto at dun ko binuhos lahat.
YOU ARE READING
Amor Peligroso
Lãng mạnWarning : Mature contents, Mature chapters. Bawal sa bata. Pag below 18 kayo kelangan OPEN MINDED kayo. OPEN MINDED Ha? Hindi open legs dejk ahahah Oh ayan aware na sana kayo na hindi talaga toh pambata. So yeah this is it. Princess Thania Herdana E...