Seduce 12

67 3 0
                                    






Thania's Pov

Hindi ko padin maalis sa isip ko yung mga sinabi ni Ken sa akin kanina sa beach...

Totoo ba yun? Bakit nilihim nila Mom and Dad sa amin yun?

Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang makasama siya?

"Ate ate paano po itong topic sa math ate. " biglang lapit sa akin ng kapatid ko.

Umayos naman ako ng aking pagkaupo at tinignan iyon.

"Anong topic niyo na ba sa math?" Tanong ko saka tinignan ang assignment niya.

"Power theorem po ate." Tanong niya sabay kamot sa ulong nakatingin sa assignment niya.

Agad ko namang tinignan at sinuri ang mga notes niya. Nang matapos na akong basahin ay tinuro ko na sa kaniya.

" may tatlong theorem ang power theorem. Easy lang naman yung mga theorem eh. Kelangan mo lang intindihin bawat isa." Sabi ko saka nagdrawing nang bilog sa papel.

Focus na focus siya ngayon sa pinag gagawa ko.

" Ang unang theorem ay ang Intersecting Segments of Chords. Alam mo naman ang chord diba? " tanong ko sa kaniya.

Napa iling nalang siya at napa peace sign. Susmaryusep na batang to.

"Hay nako. Basta eto tatandaan mo. Ang chord ay di dumadaan sa gitna or point ng circle. Yung diameter ang dumadaan sa point ng circle. " sabi ko saka tingin ulit sa pinag gagawa ko.

Napatango tango naman siya at tinignan na ulit ang ginagawa ko.

" ang gagawin mo lang sa unang theorem ay ipagtatimes mo lang yung dalawang length ng segments. Eh intersecting nga eh. Edi merong dalawang segments. At equal yung dalawang yon. " pagpapaliwanag ko.

Nanatili lamang siyang tahimik sa tabi ko. Saka gumawa ako ng sarili kong example.

" kunwari nawawala ang isa sa length ng segment. Ang gagawin mo para mahanap mo yung length ng segment. Gawin mo munang x yo- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang may naamoy kaming sunog ng kapatid ko.

" ha- hala! YUNG SINAING KO! " Agad akong tumakbo sa kusina at pinatay yung kaldero. Badtrip! Sayang yung kanin!






Kenneth's Pov

Andito ang mga kurimaw ngayon sa kwarto ko at nangugulo.

Ako nakaupo sa bar stall ko sa loob ng kwarto. Si jaye nakahiga sa kama ko. Si owen nakatayo sa tv at nanonood ng game of thrones sa hbo. Habang si aj ay pinag tritripan si owen. Hawak niya kasi yung remote kaya nilipat lipat niya.

"Ahhhh! Pq ( pakyu ) ka aj! Wag kasi" sabi niya sabay agaw kay aj ng remote.

Si aj naman panay lang ang asar kay owen. Hangang sa mapagod na ang dalawa at napag pasyahan nalang mag joke.

"Uy uy may joke ako" tanong ni owen ungoy.

"ano ano?" Hyper na hyper na sagot ni aj bantot.

" ano ang kantang may ube sa lyrics?" Tanong ni owen ungoy sabay hagikgik.

"Hindi ko alam eh, ano ba?" Tanong ni aj bantot na hindi alam na inuuto na.

"Edi * clears throat * UBEbe i love your wayyyy~" kanta ni owen ungoy sabay sway.

Tapos napahaglpak nalang sa tawa yung ungoy at yung bantot. Mga abnormal talaga, parang hindi dapat kinakatakutan eh.


"Ulul mga ggo" badtrip na sabi ni jaye sabay takip ng unan sa tenga.

agad naman nagsilapitan yung dalawang ugok sa kaniya at pinag tripan pa.

Napailing nalang ako sa mga pinag gagawa nila. Kinuha ko ang cellphone ko saka tumingin nalang ng mga pictures ni thania.


Everytime I see her smile. Nawawala pag ka badtrip ko. Damn Mahal ko na ba yon?

Iinumin ko na sana ang hawak kong wine ng biglang agawin ni jaye yon saka siya ang uminom.

"Pta naman jaye" sabi ko sabay hampas sa braso niya.


"Kups na mga sht na yon. Ginulo yung mood ko" sabi niya sabay tabi sa akin.

Inoff ko muna yung cellphone ko saka nilagay sa bulsa. Tinignan ko si jaye na halatang problemado.

"Problema pre? " tanong ko sa kaniya sabay tapik sa balikat niya.

"Ano gagawin mo kapag yung mahal mo may kasamang iba? " tanong niya sa akin ng di ako nililingon.

Aba, nagmamahal na pala to?

" Edi magagalit syempre. Pero papahupain ko muna yung galit ko, kasi kakausapin ko yung mahal ko at ipag eexplain kung bakit may kasamang iba. " sagot ko sa kaniya.

"Eh paano kapag yung kasama ng mahal mo eh kaibigan mo? Or kapamilya? Tapos yung kasama niya may gusto sa kaniya? " tanong niya at that time tumingin na siya sa akin. Sobrang lungkot naman nento.


" hmmm edi magpapaubaya ako. Syempre ayoko masira yung pagkakaibigan namin dahil sa babae or pagkakapamilya eh. Pero depende padin yon sa sitwasyon. Kung mahal na mahal ko sobra ipaglalaban ko. Magkamatayan man " sagot ko sa kaniya sabay ngiti.

Isang tipid na ngiti lang ang sinagot niya sakin sabay tunga ulit ng wine. Aba papakalasing ata to ah.

Sino naman kaya yung babaeng kinahuhumalingan niya? Ang swerte non. First time ko makitang nagkaganito to ng dahil sa babae eh.

Habang kami ni jaye ay nagdradrama. Yung dalawa naman ay kumakanta na ng theme song ng game of thrones. Para silang timang na nag mumusical.

Napangiti nalang ako. Dahil kahit na masama ang tingin ng iba sa amin. Andito parin kami nakangiti at nag sasaya. Andito parin kami sama sama.

Sana...




Third Person's Pov.

I couldn't wait to touch you my love. Sana naalala mo pa ako noon. Kahit na nagkawalay tayo. Kahit na iniwan kita... sana maalala mo pa ako. Sana ako parin..

Diba nagpromise ka sa akin? na ako lang ang papakasalan mo pag laki natin?


Nandito ako ngayon sa rest house namin. At tinatanaw siya sa malayuan. Medyo magkalapit lang kasi ang rest house namin pati bahay nila. At dito sa spot na to kung saan ako nakatayo natatanaw ko ang kaniyang kwarto. Kaya alam ko kung ano ginagawa nila.

Nakita ko ang dalawa niyang kaibigan na nanonood ng tv at sumasayaw ng di ko alam. Tapos nakita ko siya na mukhang nagpapayo ata sa isa niya pang kaibigan.


Oh I miss the way you hold my hand... pero mukhang may nilalaman na yung puso mo.

At siya  pa. Bakit SIYA pa!.

Hindi maari! Akin ka lang! You even promised me! And A promise is a promise! Magkamatayan man!





------////-----

Sino na naman itong kontrabidang ito? Any guess?


Author M

Amor Peligroso Where stories live. Discover now