Seduce 10

109 5 0
                                        


Thania's Pov

Matapos ang nangyari sa school namin. Hindi muna kami pinapasok o pinabalik ng principal. Kasi nagiimbestiga pa sila kung SINO ang umatake kila ken.

Speaking of SILA KEN. Nandito sila ngayon sa bahay. Nagbabantay daw.

" Bes! Tulala ka diyan? Nasusunog na ata sinaing mo oh!" Sigaw ni bes mula sa sala. Nasa sala kasi sila naglalaro ng Ps4. Bumili si bes ng flat screen tv staka ng Ps4. Para dito daw siya tatambay at maglalaro daw sila ni laila. Hindi naman sinabi na pati tropa dadalhin.

"Ay sandali!" Agad agad akong nagtungo sa kawali staka hininaan yung apoy. Phew!

Andun kasi ako kanina sa table. Nagcocompute ng mga kailanganin namin. Nako, kelangan ko pa palang pumasok mamayang gabi sa raket ko.

Nagraraket kasi ako. Vocalist ako ng banda sa Aristokrat bar dito lang sa loob ng district namin.

Speaking of laila nagkatrauma na siya sa nangyari. Dahil nga nahostage daw siya. Kaya eto, sila bes at ken. Todo bantay sa amin.

About kay thena naman. Ayun, nagpapagaling din siya. Bumalik kasi trauma niya sa baril.

Anyway-higway. Balik tayo sa realidad, pinatay ko na yung sinaing ko staka yung niluluto kong sinigang.

Habang nagsasaing ako. Rinig na rinig ko yung ginagawa nila sa sala.

" FATALITY! " Rinig kong sabi ng operator doon. Pshhh mga boys nga naman, hilig hilig sa laro.

"Ui! Ano bayan e ang duga mo naman Aj!" Sigaw ni owen kay bes Naglalaro kasi sila sa sala ng mortal combat.

"Ulol ka ba?! Kita mong ako nanalo e! MUHAHAHA" parang baliw na tawa ni bes.

Napatawa nalang ako habang naghahain. Si laila kasi andon sa bakuran. Nakikipaglaro kay ken. Wew, dalaging ging na e nakikipaglaro parin.

Kinuha ko na yung mga plato at kutsara. Saka nilapag sa table. Kinuha ko na rin yung juice na tinipla ko. Habang kumukuha ng baso sa lalagyan, napatingin ako kay jaye. Andoon lang siya nakikipaglaro kay Hendrick. Yung aso namin na siberian husky, color brown siya. Hihihi ang cute nga eh.

Bigay yan ni jaye si hendrick. Nanganak kasi yung aso nilang si Ania. Tatanggihan ko sana tulad ng pagtanggi ko sa flat screen ni bes e kaso malulit din ang mokong eh. Kaya ayan tinanggap ko nalang, staka natutuwa nga ako eh. Kasi gustong gusto ko ng ganoong aso.

Napangiti nalang ako. Parang walang nangyaring trahedya kung titignan mo sila ngayon. Ang saya saya lang.

"Kain na! Mga kolokoy!" Tawag ko sa kanila.

Agad agad naman silang nagsilabasan sa mga kuta nila at naguunahan sa table.

"Uy! Ano ba wag ka ngang manulak! Ako nauna dito eh" sabi ni jaye Tinutulak kasi siya ni ken.

"Ako kaya! Ako nakatouch niyan eh kaya ako" sabi ni ken habang tinutulak tulak parin si niel.

"Ate! Ang sarap naman nito!" Puri ni laila sa akin. Napatingn naman ako sa kaniya. Nakatirintas siya ngayon tas may flower crown. Hmmm sino kaya may gawa neto.

"Oo nga bes! Ang sarap! Ambango e oh!" Sabi ni bes aj tapos akmang magdidip ng daliri nuya doon sa sabaw ng sinigang kaso tinampal ko siya. Tsk! Ni hindi pa nga naghuhugas ng kamay etong mga kumag na ito.

"Behlat! Napagalitan ni mama G! Hahaha" biglang asar ni owen. Ano daw? Mama G?!

Agad na napatigil sa pagaagawan sina jaye at ken. Alam niyo ba pinagaagawan nilang upuan? Sa tabi ko lang naman -_-. Pang animan kasi ito. Ako doon sa parang unahan tas may dalawa sa gilid ko.

Amor Peligroso Where stories live. Discover now