Seduce 14

132 2 0
                                        

Thania's Pov

Kakatapos ko lang maligo. Nagsimula na naman kasi ang klase sa pinapasukan namin. Matapos ang trahedyang nangyari noon.

"Bilisan mo" malamig na sabi ni ken. Nagaayos kasi ako ng sarili sa salamin. Nasa tabi ko lang siya, nakatingin sa akin.

Nang matapos ako mag ipit ay kinuha ko na ang bag ko. Sinuot ko na din ang sapatos ko. Tapos sumunod na ako kay ken.

"Goodmorning anak at iha!" Masiglang bati ng dad ni ken. I dont want to know his name.

Tinanguan lang siya ni ken. Nakayuko lang ako. Natatakot ako sa kaniya.

Matapos kong maalala na may history sila ng pagiging mafia hangang ngayon at sa mga narinig ko kagabi. Kaya natatakot ako sa bawat galaw ko.

Nakasakay na kami ni ken sa sports car niya. Nasa tabi niya ako, habang siya ay nag dridrive.

Buong byahe tahimik kami. Iniisip ko kasi kung kamusta na kaya ang kapatid ko? Nakakain kaya yon? Nakaligo kaya yon? Baka late na naman yon.

Nakatingin lang ako sa labas. Lahat ng pinapasukan kong trabaho nadaanan namin.

Ang baby corner, kamusta na kaya si klang doon? Yung paborito kong baby na alagaan. One time nung nag resugn ako iyak siya ng iyak grabe.

Aristokrat bar. Medyo fresh pa a g memories ko diyan.

Cafe lazzo. Nakakamiss ang mgakape ni kuya tiko. Everytime na may nanghihingi ng num sa akin na mga costumer. Umaakto siyang tatay ko hahaha.

Yung spa namin. Ayoko na maalala yan. Daming manyak dyan na matatandang hukbulan.


Yung companya na pinapasukan kong bilang pagmomodel. Ang dami ko nang nadecline na appointment kay alex. Sino ba namang makakapag model ng maayos kung puro problema.


"Andito na tayo" sabi ni ken. Tinangal ko na ang seatbelt ko. At bumaba na. As usual, nagtinginan ang mga estudyante.

Nakayukolang ako. Nauna na akong naglakad sa kaniya at tinakbo ang building ng kapatid ko.

"Laila!" Sigaw ko ng makita ko siyang naglalakad. Nakayuko siya, habang hawak hawak  niya yung mga libro niya.

"A-ate?" Inangat nya ang ulo niya. Nang makita niya ako ay tumakbo siya sakin.

"Ate! Miss na miss na kita" niyakap niya ako at hagulgol siya ng hagulgol.

Pinatahan ko siya at niyakap din. Pagkatapos ko siya patahanin ay hinarap ko na siya sa akin.

"Ayos ka lang ba doon laila?  Sino nagluto ng almusal at baon mo?" Sunod sunod kong tanong.

"Si kuya aj po. Sabay po kami pumasok. Doon na daw siya matutulog ate, tapos sabi ni kuya aj antayin ka daw niya sa classroomniyo." Tugon niya,tapos inayos niya ang kaniyang tirintas na nagulo kanina sa yakapan namin.

"Sige sige, mauna ka na sa klasemo at magpakabait" bilin ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang tugon. Tinignan ko ang orasan ko.

"Shoot malalate na ako! "Usal ko. Dali dali kong tinakbo ang building namin.

Wala na akong pake sa mga nagtitinginan at nagbubulungan saakin sa mga nakakita kanina. Basta mapuntahan ko lang bes ko.

Nakarating na ako sa classroom namin. Sinilip ko muna kung may guro na ba. Napabuntong hininga ako ng malamang wala pa.

Pumasok na ako ng classroom. Nakatingin agad sa akin ang mga classmates ko. Dirediresto ako sa pwesto ko. Andon kasi si bes sa upuan ko, natutulog.

Tinignan ko ang mga katabing upuan. Walapa yung tatlo.

"Bes.." umupo ako sa upuan niya at ginising siya. Nakita kong dumilat na ang mga singkit niyang mga mata at gumalaw na siya.

"Bes..." anas niya, kakagising niya lang kasi kaya medyo husky at mahina boses niya.

Ningitian ko siya at inayos ang gulo niyang buhok. Nakita kong may sugat siya sa ulo niya na natatakpan ng bangs niya. Tinignan ko siya, gusto kong umiyak sa kaniya at magsumbong dahil sa narinig ko kagabi..


Flashback

Hindi ako makatulog. Naninibago kasi ako sa lugar at sa kwarto. Tinignan ko ang katabi ko, si ken.

Ang himbing ng tulog niya, ang gwapo niya. Pero hindi ko lubos na maisip na makasama siya sa iisang bubong.

Dahan dahan akong umalis sa higaan. Hindi na ako nagsuot ng stinelas. Hindi ko din sinuot ang robe ko.

Binuksan ko ang pinto ng terrace, magpapahangin lang muna.

Tumingala ako sa kalangitang napakagandang pagmasdan. Paborito ko nang gawain to noong bata pa ako.

Tinignan ko ang malaking buwan at ang mga nagkikislapang bituin. Sana... nasa ibang mundo ako nakatira. Yung walang problema.

"Hindi maari!" Rinig kong sigaw ng isang boses sa kabilang kwarto ata.

Nagtago ako sa malaking paso dito. Nakabukas din ang pintuan ng terrace sa kabila pati ang mga ilaw.

"Hindi maari! Hindi! Ipapatay niyo yan! Ayon sa aking paguutos!" Sigaw ng isang matandang boses... pero teka? Pamilyar sa akin yung boses.


"Boss, kay boss ken lang po kami makikinig" sabi ng isang boses. TEKA?! SI OWEN BA YON?

"HANGAT HINDI PA AKO NAMAMATAY, AKO PA DIN ANG BOSS NG BLACK MAFIA ORGANIZATION!" sigaw ng dad ni ken.

"Mr. Fernandez, hindi po talaga namin kayo masusunod." May narinig na naman akong isang boses...

Bes? Kay bes yon!


"Mga inutil! Bakit hindi niyo pa kasi magawang patayin ang salot na kapatid ni el venisque?! Ha?! Sakamaki?!" Sigaw niya pa muli.

Napatakip na ako ng bibig ko. Ano gagawin niyakay laila at gusto niyang ipapatay ang kapatid ko?!

"Sir, we really can't do it. Ken's order is the order we must do. Not yours." Matapang na sagot ni.. jaye?  Completo ata sila?


"Estupidos! Hindi ba kayo natatakot? Madaming alam ang batang yon!" Sigaw niya pa. Nakarinig ako ng nabasag na bagay.


Alam? Anong alam ni laila?! Wala nga siyang alam!


"Senior, hindi porket malapit si laila kay jeon. Malalaman na niya." Sagot pa ni owen.


Gustong gusto kong nang umalis sa bahay na ito at magpaka layo layo na kami ng kapatid ko...

"Inutil! Sa tingin niyo ba bobo ako para hindi malaman napinagtatakpan niyo lang siya? Sinong tanga ang hindi magiisip na wala siyang nalalaman!" Narinig ko uli ang may nabasag na gamit. Dalawang gamit na iyon.


"Kung hindi niyo siya magawang patayin, ako na mismo ang papatay sa kaniya. Isasama ko na yung batang jeon." Sagot pa ng dad ni ken.




Hindi ko na kaya pa ang mga naririnig ko. Nagtataka din ako kung sino yung jeon? Kailan ko kaya makakausap ang kapatid ko tungkol kay jeon?



Dali dali akong pumasok sa loob ng may nakita akong aninong papalabas ng terrace.


Humiga agad ako sa kama namin ni ken. At pinikit na ang mga mata. Pipilitin kong makatulog ngayon, ayoko na marinig pa ang mga hangarin ng senior...





End of flashback





"Bes..? May problema ka ba? Ang lungkot kasi ng mata mo, kahit n nakangiti ka" sabi ni bes... hindi na ako nagsalita at niyakap nalang siya.




Ayoko, ayoko magsalita. Simula ngayon, magiipon ipon na ako ng impormasyon..
















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amor Peligroso Where stories live. Discover now