Seduce 3

242 5 1
                                    


AJ's Pov.

Uhhh shit! Ano bang napasok sa isip ko at muntikan ko ng magawa yunn?!

Kakalabas ko lang sa locker room namin ng mga varsity. Ako kasi captain ball dito sa university namin since highschool.

"Argh! Damn it!" Sigaw ko taposnsinuntok ko yung pader na nadaanan ko at nagstop muna dun panandalian lang.

Naalala ko tuloy kung bakit ako natempt na halikan siya.

Kasi ba naman. Mahal na mahal ko siya . Pero hindi pwede.

Matagal na rin akong nagpipigil eh. Simula highschool palang kami. Mga 4th year highschool kami noon. Damnit!

Yung mga days na share kami sa iniinom naming baso, yung mga days na sabay kami maligo sa ilog.

Yung mga days na tabi kami matulog. Minsan nalalawayan niya pa ako kasi pag kagising ko tuwing umaga nakayakap na siya sakin

Sumandal ako sa pader at nilabas ko yung iphone ko at nagsmile. Ung wallpaper ko kasii yung mukha niyang nakanganga habang tulo laway.

Nakakaawa yan si bes eh. Patay na parents niya. Alam niyo ba kung paano kami nag meet?

Apo ako ni manang side. Matandang Byuda si lola. Namatay yung asawa niya sa gera, mga mid30's pa si lola nun. Sundalo kasi eh. Tapos wala pa silang anak. Bale Tiya na lola ko si manang side. Kasi kapatid niya si lola ko eh.

Yung bahay ni lola side ay di gaano kalaki. Saktong sakto lang para sa isang pamilya. Kaso nasa liblib na lugar yon. Maganda kasi si lola side. Kaya protective yung asawa niya.

Bibisita ako noon kay lola para alagaan siya. May sakit na kasi si lola eh. Kaya ako nakatokang magalaga rati. Close ko si lola kaya gustong gusto ko. 4th year highschool na ako noon.

Pagkabukas ko ng gate e may nakita akong magandang babaeng nagwawalis sa bakuran ni lola. At first akala ko engkanto o diwata sa puno ng saging nila lola. Pero nagkakamali ako kasi binati niya pa ako at ngumiti pa. Medyo slang siya e, so may half toh.

Pinapasok niya ako sa loob ng bahay ni lola. Tapos hinanap ko si lola, ang sabi niya nasa bayan daw para mamalengke kasama raw kapatid niya para maipasyal.

Pinaupo niya ako sa sofa athinandaan ng juice at biscuit.

Sobrang nagandahan talaga ako sa babae kaya tinanong ko siya.

Sabi niya ang pangalan niya e princess thania herdana el venisque, yung pangalan daw ng kapatid niya ay Shane herlaila venice el venisque. Hindi raw nila kaano ano si lola kasi inampon daw sila ni lola dahil nakita raw kasi ni lola sila na naglalakad sa daan. Tapos pinagtitinginan raw sila ng mga kababaihan at kalalakihan.

Natakot si lola kasi baka ano raw mangyari sa kanila kaya sinama ni lola sila dito sa bahay niya at sinabing aampunin na raw sila.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano. Nalaman ko na kaedad ko lang din pala siya. Nagaaral daw sila sa Gerens College. Isa sa Mamahaling school din yun sa district kaya nagulat ako kung bat afford nila

Sabi niya scholar raw sila doon, tapos si lola side daw ang nagbabayad ng kung ano anong kaechosan sa school. Tutal may kaya naman si lola side e why not?

Tapos nalaman ko pa. Wala na siyang parents namatay raw sa airplane crash. Last year lang daw. So ayun ata ung binalitang karumaldumal na airplane crash?

Sabi niya spaniard daw sila ng kapatid niya. Sabi ko halata naman e ang gabda mo kaya staka slang.

Tinanong ko rin kung kamusta buhay sa pinas, sabi niya masaya raw kahit mahirap. Maganda raw kasi yung may thrill sa buhay.

Amor Peligroso Where stories live. Discover now