Parehong dugo ang nanalaytay sa atin. Ako'y ikaw at ikaw ay ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naestatwa si Himaya sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang pangalang iyon. Biglang nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa kanyang katawaan. Napasapo siya sa kanyang dibdib at pilit nagpakahinahon.
"Jacinta!" tawag nitong muli.
Nagtatalo ang kanyang isipan kung dapat ba siyang lumingon sa taong tumatawag ng pangalan ni Jacinta.
Sana lang hindi ako himatayin sa takot. bulong niya sa sarili.
Dahan dahan siyang lumingon sa kanyang likod at nakita kung sino ang tumatawag sa kanya. Nakita niya ang isang lalaki na matanda lang ng konti sa kanyang ama. Nakasuot ito ng sinaunang kasuotan tulad sa panahon nina Rizal.
Napakunot siya ng noo at napakurap ng dalawang beses akala niya ay dinadaya ang kanyang paningin. Minumulto na ba siya ng may-ari ng bahay? Naramdaman ni Himaya ang pag-iba ng anyo ng bahay. Lahat sa paningin niya ay kumikintab kapag natatamaan ito ng sikat ng araw.
It was back in its pristine glory. pahayag niya sa kanyang isip.
Naglakbay ba siya mula sa nakaraan? Napunta ba siya sa panahon ng mga kastila?
Tinignan niya ang sarili kung may nag-iba sa kanyang sarili. Wala naman siyang pinagbago. Suot-suot niya pa rin ang pantulog na sinuot sa kanya kagabi.
Bago pa siya makapagsalita ay may sumalubong na binibini at nagmano ito sa lalaki. Nakasuot ito ng baro at saya. Hindi niya maialis ang tingin niya sa dalaga. Bakit mukhang pamilyar sa kanya ang mukha nito? Parang nakita niya na ito dati?
"Papa, bakit ngayon lang po kayo?" mahinahon na wika ng dalaga. Maagap niya nitong sinalubong ang kanyang ama at nagmano sa kamay nito.
"Marami lang inaasikaso sa bayan, anak. Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat kasama ka ng ina mo pupunta ng plaza?"
Nakita niya na umiling si Jacinta sa kanyang ama. Hindi nakasagot sa tanong nito.
"Jacinta?" muli nitong sinambit ang pangalan ng dalaga.
"Huwag mong sabihin na tumakas ka na naman para makapagbasa ng mga aklat na nakatago sa silid ko," pahayag nito kay Jacinta napayuko na lang ito at kita ang lungkot sa expresyon sa mukha ng dalaga.
"Ama, nais kong makapag-aral tulad nina Kuya. Gusto kong lumawak ang kaalaman ko sa mga bagay-bagay. Bakit ako kasi ako ipinanganak sa panahong pinagdadamot ang mga bagay-bagay sa isang tulad ko,"
Inaasahan niya na pagagalitan si Jacinta sa kanyang kapangahasan na isa tinig ang dinaramdam nito ngunit iba ang nakita niya sa mag-ama.
Hindi nakalagpas sa paningin ni Himaya ang hinagpis na nakikita sa mga mata ng ama ni Jacinta. Bilang isang magulang gusto mong ibigay ang lahat ng makakaya ikabubuti at ikakasaya ng iyong anak. Alam niyang sa pagkakataong iyon ang oras at kung saang panahon sila nabibilang ang salarin. Malaking dagok sa mga kababaihan na tulad ni Jacinta na ang mismong pamayanan ang magdidikta kung ano lang ang maaring mong gawin at hanggang saan lang ang limitasyon mo.
"Kaya kong matutunan ang mga bagay na alam ng mga kapatid ko. Hindi lang nalilimitahan ang kakayahan ko sa gawaing bahay at maging alalay sa magiging asawa ako."
Nakaramdam siya ng lungkot para kay Jacinta. Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na limitado ang edukasyon sa panahon ng mga kastila para lang ito sa maykaya at may pera. Lahat hindi mapalad para makapag-aral at iilan lang ang binigyan ng pagkakataon.
Alam niyang may paaralan naman para sa mga kababaihan ngunit iba ang tinuturo noong panahon nila. Hindi tulad sa mga ipinanganak na lalaki na may kakayahan pumili ng gusto nila pag-aralan mapa-abogasya man o mapa agham.
"Hija, huwag mo pagdudahan ang halaga mo. Espesyal ka sa amin ng Mama mo. Hindi ka tulad ng ibang dalaga sa lugar natin." ramdam ni Himaya na pinagmamalaki si Jacinta ng kanyang ama.
Nakakaantig ang tagpong iyon para sa kanya. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pangungulila sa dibdib niya. Limang taon na simula nang namayapa ang kanyang ama sa sakit sa puso.
"Hindi ko po iyon pinagdududahan, Papa. Sa paningin ng iba isa akong hangal na nag-aasam sa mga bagay na hindi nararapat." may bahid ng pait sa tinig ni Jacinta.
"Halika ka nga rito." akay ng ama nito kay Jacinta na lumapit sa ama. Hindi nag atubiling lumapit ang dalaga sa kanyang ama.
Niyakap siya nito ng mahigpit habang hinahaplos ang ulo nito.
Hindi niya napansin na tumutulo ang luha niya ng hindi niya namamalayan.
Sa mga oras na iyon, gulong-gulong ang isip ni Himaya sa mga nangyayari. Bakit siya napadpad sa nakaraan? Sino ba talaga si Jacinta? Pakiramdam niya ay naglakbay siya sa mga alaala ng dalaga. Ang malaking tanong bumabagabag sa kanya bakit siya ang nakakaranas nito?
"Himaya, are you okay?" naramdaman niya na biglang may yumuyogyog sa balikat niya.
Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at nakita ang pinsan niyang si Mayumi na kita ang pag-aalala sa mukha nito.
Napatango lang siya sa tanong nito na namalayan niya na lang nakahiga pala siya sa sahig. Kaya napabangon siya at lumipat ng sofa.
"Alam mo bang kinabahan ako ng sobra nang madatnan kita sa sahig."
"I'm sorry kung pinag-alala kita but I'm okay," tugon niya sa pinsan. "Anong ginagawa mo dito?"
"Si Nana Imelda sabi niya sa akin kakarating mo lang galing Manila kaya sabi niya puntahan kita dito para may kasama ka," mabilis na tugon sa kanya ni Mayumi.
Isa si Mayumi sa malalapit na pinsan kanya. Siya si Malaya at Mayumi ay matalik rin na magkaibigan. Simula ng pagkabata ay magkasama na silang lumaki sa iisang bahay kung hindi lang lumipat ang pamilya niya sa Manila ay magkasama pa rin sila siguro pati sa unibersidad kung saan ito nag-aaral.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?"
Bago siya makasagot sa tanong nito. May nakita siyang isang babae na papalapit sa kanilang balkonahe at matamang nakamasid sa kanya. Nakikita niya itong naglalakad patungo kung saan siya naroroon.
Nanigas siya sa kanyang kinauupuan dahil kilala niya ang dalaga. Si Jacinta Ledesma ang anak na ni Don Mariano na biglang nawala na parang bula. Bakit hindi siya tinatantanan ng babae? Ano ba ang kailangan niya?
"Himaya, kasing puti mo na ang papel sa sobrang putla mo. Ayos ka lang ba?" natatarantang sambit ng pinsan niya.
"Hoy, magsalita ka naman." dagdag na wika nito. Hinawakan siya ni Mayumi sa kanyang balikat pero hindi siya makasagot nagkataon na nakatuon ang atensyon niya kay Jacinta.
Bakit siya lang nakakakita sa dalaga? Hindi ba siya nakikita ng pinsan niya?
Hindi niya maipaliwanag unting-unti niya naalala ang mga nangyari sa kanya kahapon. Nakaramdam siya ng takot sa kanyang dibdib. Kaya pala napakapamilyar ng mukha ng dalaga dahil nakita niya ang larawan nito sa lihim na silid ng silid aklatan ng Nana Imelda.
Gusto niyang tumakbo at lumayo ngunit hindi niya magawa dahil nangangatog ang tuhod niya.
"No tengas miedo, no voy a hacerle daño" sinabi ito ni Himaya sa mahinahon niyang tinig pero hindi pa rin maibsan ang kaba sa dibdib niya.
Kinakausap siya ng dalaga sa wikang Español. Laking pasalamat niya na lang na kahit papaano hindi niya tinulugan ang klase niya kay Mrs. Lizares.
"Por favor, dígame por qué mí?" pabulong na wika niya kay Jacinta ngunit hindi siya tinugunan ng dalaga.
"Himaya, venid a buscarme !" ang tanging sinabi nito sa kanya.
Yuki Yna's Talahuluganan:
Venid a buscarme - Come and Find Me
No tengas miedo, no voy a hacerle daño
- don't be afraid, I'm not going to hurt you.
por favor, dígame por qué mí - please tell me, why me?
BINABASA MO ANG
Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)
Historical FictionSa pag-iikot ni Himaya sa lumang bahay ng lola niya sa Iloilo hindi niya inaasahan na mapapagawi siya sa bahagi ng bahay na tila hindi pinupuntahan ng sino man. Dala ng kuryosidad ay inikot niya ang silid at dalawang bagay ang naka agaw ng atensyo...