Malimtan ka man nila. Ikaw man gihapon ginahandom ko.
~~~~~~~~~~~~~~
"Nana Imelda?" tawag ni Himaya pagkababa na pagkababa niya ng sasakyan.
Pagkarating niya sa bahay ay ang Nana Imelda ang unang taong gustong niyang makita. Simula noong bata siya ay malapit na ang loob niya sa kanyang Nana kahit na ang mga pinsan niya ilag na ilag na makisalamuha dahil madalang lang itong ngumiti at likas sa kanyang Nana ang pagiging strikta dahil isa itong guro bago nag retiro sa pagtuturo. Nakasanayan na niyang tawagin na Nana ang kanyang lola dahil ito na kinamulatan niya simula pagkabata.
Ang tanging pinagkakaabalahan ng Nana Imelda niya ngayon ang pagpamahala at pangangalaga ng lumang bahay. Itinaguriang ang bahay na historical site dahil ang bahay ay itinayo pa noong panahon ng mga kastila.
Iniwan niya ang kanyang gamit sa sala maliban sa selpon niya. Nangako kasi siya sa Mama niya na tatawaging siya kapag dumating siya sa bahay ng lola niya sa Iloilo.
Hindi siya nag atubiling puntahan kung saan ito naroroon. Sabi kasi ng kasambahay nitong si Manang Meding ay nasa silid aklatan ito.
Kumatok siya sa silid ng tatlong beses ngunit walang sumagot sa kanya. Kaya binuksan niya ang pinto ngunit anino ng lola niya ay hindi niya natanaw.
Nahalughog na niya ang buong bahay ngunit hindi pa rin nasilayan ang kanyang abuela. Babalik na sana siya sa bakuran kung saan naroroon ang katiwala ni Nana Imelda nang napansin siyang nakaawang ang pinto ng silid aklatan na pinuntahan niya kanina.
Napadako ang tingin niya sa silid aklatan na pinuntahan niya kanina.
Napakunot ang noo niya sigurado siyang isinarado niya ang pinto bago umalis. Bakit nakabukas na naman ito?Hindi maintindihan ni Himaya ang sarili na tila may nag uudyok sa kanya na alamin sa likod ng nakaawang na pintuan at ang mga paa niya mismo ang kusang naglakad papunta roon.
Muntikan na siyang masubsob sa sahig ng pumasok siya ulit ng silid hindi niya napansin na may nakausling kahoy na hindi naman niya ito nakita kanina nang hinawi niya ang alpombra doon niya natuklasan isa itong lihim na lagusan. Kung para sa ano ito iyon ay aalamin niya.
Dahan dahan niyang inangat ang sikretong daanan ng naturang silid at ang unang bumungad sa kanya ay ang hagdan na pababa. Nag aalangan siyang bumaba dahil walang ilaw sa loob.
Pasalamat siya na dala-dala niya ang kanyang selpon at ginawa niya itong pang ilaw. Hindi siya sanay na hindi maaliwalas ang silid lalong lalo nakasanayan ng lola niya na bawat sulok ng bahay ay may ilaw.
Ang bahay na ito at parang pangalawang tahanan na niya. Hindi niya maintindihan bakit ngayon lang napansin ang bahaging parte ng bahay.
Ramdam ni Himaya ang pangangatog ng tuhod niya pero patuloy pa rin siya sa pagbaba. Ayaw niya mag-isip ng kung ano-anu pero nag-uumpisa na siyang kabahan at sa sobrang tahimik ng paligid ang tanging naririnig niya ang malakas na kalabog ng dibdib.
"Himaya, keep your cool." napabuntong hininga siya at sinusubukang inaaninag ang nakikita sa paligid niya.
Nang nilingon niya ang pintuan kung saan siya dumaan ay hindi na niya matanaw na parang bigla na lang naglaho na parang bula.
Iniisip pa lang niya na may multo sa bahay na ito ay nag sitayuan na ang mga balahibo niya sa batok niya.
Alam niya hindi malabong mangyari dahil ang bahay na kinakatuyuan niya ay may tanda ng higit pa sa dalawang daang taon.
Naglakas loob siyang pasukin ang masipot na silid hanggang marating niya ang looban. Namangha siya nang masilayan na may nakatagong silid pa sa kanilang lumang bahay. Lumapit siya sa istante at pinailawan ang mga libro.
Nakita ni Himaya ang mga titulo ng mga libro. Nanlaki ang kanyang mga mata niya sa natuklasan mga kopya ito ng mga libro na nalathala noong panahon ng mga kastila may kopya ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, at iba pang isinulat ng Filipinong manunulat.
Maari itong ituring na yamang literatura ng Pilipinas. Ang mga tipo ng mga artipakto na nilalagak sa museo pambansa. Kinuha niya sa istante ang Noli Me Tangere at nakasulat ito sa wikang espanyol.
Hindi siya bihasa sa paggamit ng lengguwahe pero naiintindihan niya ang nilalaman nito dahil kailangan sa kurso niya ang kumuha ng foreign language at pinili niya ang wikang espanyol sa kadahilanang ang Nana Imelda niya matatas sa pagsulat at pagsasalita ng wika.
Gustong gusto niya ang amoy ng mga libro lalong lalo na ang pinaglumaan.
Hinaplos niya ang mga pahina ng aklat. Hindi pa rin makapaniwala nakahawak siya isa sa mga unang bersyon ng Noli Me Tangere.Ilang beses na kinurot ni Himaya ang sarili baka sakaling nanaginip lang siya. Ang pinagtataka niya paanong napapanatiling maayos ang silid sa loob ng maraming taon at napaisip na baka alam ng lola niya ang tungkol dito pero bakit wala man lang siya nabanggit tungkol sa bahaging ito ng bahay?
Namangha siya sa mga muebles at adorno na nakalagay sa silid. Para sa kanya na mahilig sa libro at mga antigo ay isa itong munting paraiso. Higit na mas maganda ito sa mga lumang bahay na bisita niya noong nagkaroon ang unibersidad nila ng iskursyon pero isang bagay ang nakaagaw ng kanyang atensyon iyon ang isang ipinintang larawan ng magandang binibini.
She looked familiar.
Sa isip-isip niya saan niya kaya nakita ang larawan na ito. Impossible na makita niya ang babae ng personal dahil malaki ang possibilidad na patay na ito. Lumapit ito ng malapitan para makita ang detalye ng pagkakaguhit sa larawan. Ang galing ng pagkakaguhit ng imahe sadyang nakuha nito ang mga magagandang anggulo ng binibini at kung gaano ito ka detalyado hanggang sa desinyo ng damit at alahas na suot-suot nito.
Hindi nakawala sa kanyang paningin ang mga kataga na nasa bandang ilalim ng larawan na pangkaraniwan na nilalagay ay ang pangalan ng pintor.
"¿Dónde estás, Jacinta?"
Alam niya ang ibig sabihin ng mga katagang iyon. Anong nangyari sa babaeng nasa larawan? Nawala ba siya? Nagtanan ng kanyang katipan? O isa ito sa paraan ng pintor para suyuin ang dalaga?
Marami siyang mga haka haka sa posibleng nangyari pero walang nakakaalam sa tunay na naganap. Ang tanging nakakaalam lang ay ang babaeng na nasa larawan na nagngangalang Jacinta.
Na alarma si Himaya nang na malayan niya na masyadong siyang nawili sa munting silid na iyon baka hinahanap na siya ng lola niya. Mabilis niyang ibinalik sa istante ang libro at aalis nang maramdaman niya ang biglang pag-uga ng kinatatayuan niya sa sobrang lakas ay natumba siya
iyon ang huli niyang namataan at nawalan siya ng ulirat pagkatapos.Yuki's Notes:
Hi! Another story to share to all of you. Please give it a vote and a comment if you do like it.
It's my first time to write historical fiction with a hint of mystery. I'll give you a heads up that this is not a love story.
Thank you for reading this tale.
Adios!
Talahuluganan:
Alpombra - carpet
Muebles - furniture
Adorno - ornaments
Katipan - boyfriend/girlfriend"¿Dónde estás, Jacinta?" - Where are you, Jacinta?
BINABASA MO ANG
Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)
Historical FictionSa pag-iikot ni Himaya sa lumang bahay ng lola niya sa Iloilo hindi niya inaasahan na mapapagawi siya sa bahagi ng bahay na tila hindi pinupuntahan ng sino man. Dala ng kuryosidad ay inikot niya ang silid at dalawang bagay ang naka agaw ng atensyo...