II: Ang Naburang Alaala

707 36 6
                                    

You're a mystery that's about to be told.
~~~~~~~~~~~~~~


Napabalikwas siya ng bangon sa kama ngunit naramdaman niya ang biglang pag ikot ng paningin at mabilis naman siya inanalayan ng lola niya.

"Hija, are you okay?" bakas sa mukha ng Nana niya ang pag-aalala.

"Ang sakit ng ulo ko po," daing niya habang sapu-sapo ang noo niya.

Hindi niya maalala kung paano siya napunta sa silid. Ang huling na alaala niya ay hinahanap niya ang kanyang abuela ngunit parang may kulang sa nangyari. Pakiramdam niya may nangyari kaso hindi niya matanto kung ano iyon.

Marahan na hinaplos ng abuela niya ang kanyang ulo at nilagyan ang likod niya ng unan para maging komportable siya.

"Magpahinga ka ulit, Hija. May lagnat ka pa rin." nakangiting pahayag nito sa kanya.

"Anong nangyari, Nana? I was looking for you." Napakunot ang noo ng lola niya sa nasabi.

"I was at the library." tipid nitong tugon sa kanya.

Papaano nangyari iyon? Pumunta ako kahapon doon hindi kita nakita.

Naghihimutok na sabi ng isipan niya. Alam niya na hinanap niya sa bawat sulok ng lumang bahay ang lola niya at hindi niya ito nahagilap.

"Anong nangyari sayo? Nakita ka na lang naman nakahandusay sa labas ng silid aklatan."

Alam niya may nangyaring kakaiba kahapon. Nawawala na ba siya sa tuliro? Gulong gulo ang kanyang isip hindi niya mapagtanto ang eksaktong nangyari sa kanya.

"Nana, hindi ko po maalala ang tanging alam ko hinahanap po kita," paliwanag niya at napabuntong hininga siya sabay pangalumbaba.

"Himaya, diin ni halin ang pulseras mo?" bulalas na wika ni Nana Imelda habang hawak hawak ang pulsuhan niya. Nagulat siya sa naging reaksyon ng lola niya pero hindi niya pa rin mapagtanto ang emosyon nito.

( Himaya, saang galing ang pulseras mo?"

Napatingin siya sa pulseras na suot-suot niya. Isa itong manipis na bangle bracelet at hindi siya sigurado kung diamante ang mga nakapalamuti rito at higit sa lahat hindi kanya ito.

Nagpalitan sila ng tinginan ng abuela niya. Wala siyang kamuwang muwang paano napunta sa kanya ang alahas.

"Nga man ara sa imo ang pulseras ni Jacinta?" pabulong na pahayag sa kanya ng Nana Imelda niya.

(Bakit na sayo ang pulseras ni Jacinta?)

"Nana, honestly I didn't know but who's Jacinta?"

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi ito kumibo parang tinatantiya nito kung dapat ba sabihin sa kanya o hindi. Palaisipan sa kanya ang tungkol sa babaeng binanggit ng lola niya. Hindi man lang ito naikwento sa kanya.

Ang angkan ng mga Ledesma ay isa sa mga kilalang pamilya sa Iloilo. Naalala niya minsan na ang isa sa mga kapatid ng lolo ng lolo ng lola niya ay naging gobernadorcillo ng Jaro. Hindi na katakataka na may mga lihim na ang tanging pamilya lang ang nakakaalam.

Sino ba si Jacinta? sa loob-loob niyang sabi sa sarili.

Hinawakan ng kanyang lola ang dalawang kamay nito at pinisil ang kamay nito.

"Si Jacinta ang nag-iisang anak na babae at bunsong anak ni Don Mariano Ledesma," pagsisimula ng kwento ng Lola niya.

"Hindi po ba siya ang gobernadorcillo ng Jaro dati at may hacienda sa Negros noong panahon ng mga kastila?" Napatango ng ulo ang kanyang abuela. Alam niya ang kwentong iyon minsan na niya itong naikwento noong bata pa siya.

Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon