"Mientras se gana algo no se pierde nada."Hawak-hawak pa rin ni Himaya ang sulat ni Jacinta para sa kanyang sarili. Palaisipan pa rin sa kanya kung paano ito umalis kung pagbabasehan niya ang sulat tila sinasabi niya lang ang kanyang saloobin pero hindi pa rin sapat para malaman ang bigla nitong paglisan.
Sa tingin niya, si Jacinta ang tipo ng tao na hindi nagdedesisyon ng pagbugso-bugso na basi lang sa kanyang nararamdaman.
Hindi pa rin siya makapaniwala kanina na naglakbay siya sa nakaraan kanina pakiramdam niya ay para siyang dinadaya ng kanyang isipan. Nang makabalik siya kanina tila ilang minuto lang ang lumipas nang makabalik siya sa kasalukuyan. Malaking katanungan pa rin sa kanya kung papaano siya napunta sa nakaraan.
Hindi kaya ang purselas na suot- suot niya? Habang sinusulyapan niya ang alahas na pagmamay-ari ni Jacinta. Nagsimula lang naman na nakikita si Jacinta at ang nakaraan nito nang napasakamay niya ito. Naisip niya din ang possibilidad paano kung may natitira pang bakas si Jacinta sa Iloilo at hindi niya lang alam kung saan hahanapin malaking posibilidad iyon.
Naghanap na siya ng mahahalungkat nng tungkol kay Jacinta sa lumang bahay ngunit bigo pa rin siyang malaman ang lihim nito at maliban pa dito mukhang naiwaksi na ng mga kaanak niya kahit anong bagay may kinalaman sa binibini. Sinubukan niyang pumunta sa isa sa mga lumang bahay ng Ledesma na malapit sa Plaza Libertad baka sakaling merong kahit anong bagay na magkokonekta sa kanya sa nakaraan pero wala siyang makita.
Kailangan pag-igihan niya pa lalo ang pagsiyasat sa katotohanan. Pwede siguro magsimula mula maghanap sa mga art gallery at museo. Sinubukan niya na rin maghanap sa internet ngunit walang resulta lumabas.
"Jacinta, bigyan mo naman ako ng clue kung paano malalaman ang lihim mo." daing niya dito kahit hindi siya sigurado kung naririnig siya nito.
Tinitignan niya ang kwaderno niya laman ang mga bagay na may kinalaman kay Jacinta. Dapat pala tinanong niya kung ano ang apelyido ni Mateo at ng mga taong naroon sa pagtitipon kahit doon pa lang may patutunguhan ang paghahanap niya. Masyado siyang nawili sa nakaraan at nawala ang tunay niyang pakay sa simula pa lang.
Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang tumunog ang selpon niya maagap niyang tinignan kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Hello Mayumi, bakit?" sagot niya sa kanyang pinsan.
"Pwede ka ba pumunta dito sa cake shop? Hindi naman ako pwedeng umalis tapos si Malaya hindi naman pwede dahil may gala siya sa Concepcion. Save me from boredom please." ramdam niya ang bagot at inip ni Mayumi. Kilala niya ang pinsan niya na hindi mapirmi sa isang tabi kaya magkasundo ito ni Malaya.
"Sigurado ka bang ako ang tamang taong tawagan?" hirit niya sa pinsan niya.
"Himaya, kadto na di. Maluoy ka man sa akun." naiisip na niya ang nagmamakaawang mukha ni Mayumi habang kinukulit na puntahan siya.
"Oo na. Kadto ko da dugay-dugay." pangako niya sa pinsan at naramdaman niya na kumalma na ito.
"Hulton ta ka di. Wala nga daan diri si Mama."
Tulad ng napag-usapan ng pinsan niya ay pumunta siya sa cake shop nito. Nawili siya sa kakasulat sa kanyang kwardeno ng mga palatandaan tungkol kay Jacinta nang hindi niya namalayan si Mayumi ay nasa likuran niya.
"Who's Jacinta Ledesma?" pamumuna sa kanya ni Mayumi na mabilis niyang kinubli ang kwaderno at sinulyapan niya ito.
"She's no one," iyon lang ang tanging tugon niya sa tanong nito. Hindi naman niya masabi sa kanyang pinsan ang tungkol kay Jacinta mas mainam na huwag siyang idamay sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa nawawalang binibini.
"If you need someone to talk to, I'm here for you. You know that right?" tumango siya at kinain ang ube roll na nasa harapan niya.
Kailangan na niya gawin ang susunod na hakbang sa paghahanap ng bakas ni Jacinta. Saan pa ba siya makakahanap ng mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan? Kahit suntok sa buwan na papatusin na niya para magkaroon ng direksyon ang paghahanap niya.
"May alam ka ba na art gallery dito?" naisipan niyang itanong kay Mayumi kumunot ang ni nito at napaisip.
"Oo, meron. May bagong bukas na contemporary arts na gallery sa business district. Gusto mo bisitahin?"
Kailangan niya lumang galleriya tulad ng mga makikita sa pambansang museo. Ang tanong saan siya pwedeng pumunta?
"No, I need a private art gallery with old paintings and memorabilia. Baka may kilala ka sa mga founding families dito." paliwanag niya sa kanyang pinsan.
"We have one in Santa Barbara. You can visit anytime to check our collections," nakangising tugon ni Sam sa kanya.
Saka niya naalala pwede siyang humingi ng tulong kay Sam ang kababata nila. Umupo ito sa harapan niya ngunit ramdam niya ang gigil ni Mayumi.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya na aso't pusa ang relasyon ni Sam at Mayumi.
"That's awesome!" hindi niya mailihim ang kagalakan niya at sana may patutunguhan ang pagpunta niya.
"You can bring Mayumi with you if you're going to visit the house." dagdag na sabi ni Sam.
"Hindi ba nakakahiya? I'm doing it for research," nag-aalangan na wika niya.
"No, I insist. My mom will appreciate someone visiting the house. Malaya told me you're into history so she'll appreciate someone like you. Mom is a history professor." paliwanag ni Sam.
Hindi niya inasahan naikwento siya ni Malaya kay Sam. Sa totoo lang, hindi naman sila malapit na magkaibigan tulad ni Malaya. Mukhang hindi inaasahan ng pinsan niya na malapit ito kay Malaya.
"Cool! I can't wait. Sasamahan mo ako, Mayumi right?" nagsusumamong pahayag niya ngunit hindi siya pinansin dahil sinita ka agad nito si Sam.
Hindi niya maintindihan kung bakit may hidwaan pa rin sa pagitan ni Mayumi at Sam hindi na sila bata para mag-away marahil mahirap na buwagin ang nakasanayan. Hindi siguro mababago ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa.
"I want to see you. Am I committing a crime for seeing you? Don't you miss me, Yumi?" sabay kindat nito sa pinsan niya.
Napataas ang kilay niya sa pahayag ni Sam hindi niya maipaliwanag ngunit parang may naalala siyang kakilala dahil sa inaasal ni Sam.
Is it deja vu? Or he did remind me of someone? sa isip-isip niya. Biglang pumasok sa isipan si Mateo ang kababata ni Jacinta. Napangiwi at nailing siya sa kanyang sarili.
Nawala siya sa kanyang malalim na iniisip nang napansin niya tumaas ang boses ng pinsan niya kaya pumagitna na siya sa dalawa lalong-lalo napupuna sila ng mga tao na nandoon sa shop.
Laking pasalamat niya na nadala niya ang dalawa sa pakiusap pagkatapos noon ay dumating din ang Mama ni Mayumi kaya pinaalam niya din ito para sa lakad niya sa bahay nina Samuel. Kaya niya naisipang isama ito para hindi ito maburyon sa panaderya ng Mama nito.
Kita niya sa mukha ng kanyang pinsan na gusto nitong tumanggi ngunit pinili nitong manahimik at hindi kumibo.
BINABASA MO ANG
Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)
Historical FictionSa pag-iikot ni Himaya sa lumang bahay ng lola niya sa Iloilo hindi niya inaasahan na mapapagawi siya sa bahagi ng bahay na tila hindi pinupuntahan ng sino man. Dala ng kuryosidad ay inikot niya ang silid at dalawang bagay ang naka agaw ng atensyo...