VII: Kalayaan

222 16 0
                                    

Yuki Yna's Note:

Short update for now.  I'm going home by the end of the month to my hometown. Bigger chances, I'll visit Iloilo soon and continue writing the following chapters.  Can't wait for you to know about Himaya and Jacinta's Adventure!  💕😍

"Dame pan y dime tonto."

Hindi makapaghintay si Himaya na makitang muli si Jacinta sa pagtitipon. Alam niya sa sarili niya na para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan na makita ang taong hinahanap ang tanging problema niya ngayon kung papaano kikilalanin ang binibini at alamin ang lihim sa likod ng paglisan nito.

"Binibini, nandito na tayo," pahayag ni Mateo agad siya inalalayan nito makababa sa kalesa na sinasakyan nila.

Kumikislap ang kanyang mga mata sa tuwing nakakakita ng lumang gusali o mga lumang bahay.
Humahanga si Himaya na pagmasdan ang naging pangalawang bahay niya simula noong bata pa siya.

Kitang-kita ang karangyaan na angkin ng bahay mula sa kung paano inukit ang mga palamuti sa kisame at dingding ng mansyon.

Alam niya hindi biro ang paglilok ng mga desinyo na iyon umaabot ito ng ilang buwan bago matapos. Hindi na nakakapagtataka dahil pagmamay ari ng gobernadorcillo ng Jaro ito.

Hindi niya namalayan na tinatawag na ni Mateo ang atensyon niya kanina pa.

"Binibining Himaya?"

Napalingon siya sa ginoo at sinundan na niya papasok ng bahay. Ramdam na ramdam niya ang kasiyahan naririnig niya ang tawanan at masayang kwnetuhan ng mga bisita. Buhay na buhay ang bahay ng mga oras na iyon dahil na rin ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng ina ni Jacinta.

Kita niya kung paano ng pabonggahan ng mga suot ang kababaihan at kalalakihan sa kanilang mga suot. Pasalamat na lang siya kay Señora Isabel hindi siya nagmukhang pulubi sa pagtitipon.

"Himaya,  salamat at  nakapunta ka ngayon sa pagtitipon," may halong kagalakan sa tinig ni Jacinta.

"Ako dapat ang magpasalamat sayo.  Ngayon lang ang nakakadalo sa ganitong pagtitipon," mabilis niyang tugon kay Jacinta.

"Asahan mo simula ngayon ay parati na kitang papadalhan ng imbistasyon sa bahay. Hali na kayo pasok kayo sa loob. " agad silang iginaya sa loob ng bahay.

Bago pa siya makapagsalita ay sumingit sa usapan si Mateo. Napangiti na lang siya pakiramdam niya ay nakalimutan nilang kasama nila ang binata.

"Paano naman ako, Binibining Jacinta? " Ramdam niyang lumukot ang mukha ng lalaki para itong bata na pinagkaitan ng paborito niyang laruan.

"Hindi na kailangan, Mateo. Alam mo namang nakukumbida ka sa mga pagtitipon namin kahit hindi ako magsabi sa'yo," tugon ng dalaga kay Mateo. 

Hindi pa rin nawala ang lungkot sa expresiyon ng binata. Pakiramdam niya hindi naman manhid si Jacinta para hindi mapansin ang espesyal na pagtingin ng kanyang kababata o ayaw niya lang ito bigyan ng pansin.

Sa saglit niyang nakasama ang dalawa may napansin siyang iba sa pagtitinginan ng dalawa ayaw niyang mag isip ng kung ano pa man dahil wala siya sa lugar para pangunahan ang dalawa.

"Iba pa rin kapag sa'yo ng galing ang imbitasyon." paliwanag nito kay Jacinta. Natahimik si Jacinta at napatingin sa kanilang dalawa ni Mateo.

Napatikhim siya at pilit burahin ang ilangan sa kanilang tatlo.

"Pwede kumain muna tayo? Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom." bigla niyang pumagitna kina Jacinta at Mateo.  Tumango na lang si Mateo at nauna sa kanilang dalawa ni Jacinta.

************************************

"Anong kahulugan ng malaya para sayo, Himaya?" biglang na tanong sa kanya ni Jacinta. Kasalukuyang nasa balkonahe sila ng bahay habang nakatanaw sa mga bituin sa langit.

Napadako ang tingin niya sa kaibigan at saglit napaisip sa tanong nito.

"Depende sa kung paano titignan ang kahulugan ng salita. Marami pwedeng ibig sabihin ng malaya. Malaya sa ano? Sarili? Ilahad ang totoong damdamin? Mga masakit na alaala? Bakit mo na tanong, Jacinta?"

Napalingon siya sa tabi niya at hinihintay na sagutin ni Jacinta ang tanong. Napangiti ito sa kanya sabay nakatingin sa kalangitan.

"Kung maari lang sana ang puso ko'y parang ibong may layang lumipad sa kung saang lugar nanainisin sana'y nagawa ko ring  ipabatid ang nilalaman ng puso't isip ko ng hindi pagtataasan ng kilay ng iba." pagtatapat ni Jacinta sa kanya.

Doon napagtanto ni Himaya na masyadong liberal ang pananaw ni Jacinta sa karamihan ng mga babae sa panahon nito.

Lihim siyang humahanga dito sa maikling oras na kasama niya ito ay maraming bagay siya natutuhan dito. Hindi pa naman niya nauungkat ang malalim na dahilan ng paglisan nito. Alam niya sa sarili niya malalaman niya rin sa takdang panahon.

"Bakit hindi mo sabihin sa iba para gumaan ang pakiramdam mo? O hindi kaya sa malapit na kaibigan mo tulad ni Mateo? Mahirap ang maraming dinaramdam sa puso."

"Masyado ng madaming iniisip si Mateo para makinig sa mga hinaing ko. Ayaw ko siyang bigyan alalahanin, Binibining Himaya. Huwag kang mag-alala ayos lang ako kahit papaano nakakagaan sa kalooban maglahad ng saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat doon ko nailalabas lahat ng saya at lumbay na nadarama ko." nakangiting pahayag ni Jacinta sa kanya.

"Kita mo iyong punong iyon," sabay turo ni Jacinta sa puno ng acacia sa gilid ng mansyon nila. "Doon nakabaon lahat ng sinusulat ko."

"Hindi ka ba natatakot na maari kong isiwalat ang lihim mo?" pabirong tugon niya dito.

"May tiwala ako sayo, Binibining Himaya na gagawin mo ang nararapat at hindi ka nagpapadikta kanino man." nakaramdam si Himaya ng kaba sa sinabi ng binibini tila bang may malalim pang kahulugan sa sinabi nito.


Jacinta's Conspiracy (WattysPH Breakthroughs Winner 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon