043

416 38 16
                                    

day 050

mariah han

"ingat ha. wag mo ilalayo ang phone mo sayo. and don't forget your medicine. no junkfoods, no softdrinks. yong pinabaon ko lang ang kakainin mo."

di ko na mabilang kung ilang beses na akong pinaalalahan ni mommy. mula pa kahapon. she's being paranoid. naiintindigan ko naman. iningatan lang nilang wag bumalik ang sakit ko. ayaw ko din naman kaya mag-iingat talaga ako. i don't wanna stay in the hospital for ten days again and i don't want to be jailed in our house again. maloloka ang dyosa nyo.

"yes, mom. bye, alis na kami."

hinalikan ko sya sa pisngi saka ako mabilis na lumabas ng aming bahay. alam kong di pa matatapos sya pag di ako umalis.

sumakay agad ako sa kotse ni amanda na naghihintay sa'kin sa labas. binati ko ang kanyang driver at gumanti naman ito ng bati sa'kin.

"wow, besh. ganda-ganda, ah."

"gaga. hindi ako maganda dahil dyosa ako. kuya, larga na."

nagdaldalan lang kami ni amanda hanggang sa makarating kami sa school. huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kotse. it feels like first day of school lang. medyo kinakabahan ako na excited.

"let's go." aya ni amanda. tinanguan ko sya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom namin. marami nagulat ng makita ako. maraming bumati. at di mawawala ang bulungan. psh! bahala sila. basta ako dyosa.

"oh my gosh!" nilingon ko si amanda sa tabi ko. mukha syang kinikilig na ewan. bumaling naman ang tingin ko sa tinitingnan nya at di ko maiwasang magkunot ng noo.

it's lance coming on our way.

"hi! mariah." kumurap-kurap ako. magugunaw na ba ang mundo. isang himala. bumait yata ang impaktong kaharap ko. di ako inaasar o tinawag ng kung anu-ano. bumati tapos nakangiti pa. (watch the gif in the mm!)

sinaniban yata sya ng mabait na multo.

"hoy! tulala lang teh." bulong ni amanda sa'kin. siniko ko naman sya.

"hi!" pilit akong ngumiti. "tara na uy." aya ko kay amanda.

"sabay na tayo." dang! nakakapanibago talaga ang lance na to.

"sure, lance." pinandilatan ko si amanda. muli kaming naglakad patungong classroom. napahinto ako ng may makasalubong kami.

"mariah, si pierre." bulong ni amanda sa'kin. kita ko naman eh, di na nya kailangang sabihin.

"mariah, sabay tayong maglunch mamaya." nilingon ko si lance sa likod ko. ba't bigla-bigla syang nag-aaya? "my treat."

wow!

"sure." libre na yan no. tatanggi pa ba ako.

"awieee! date na 'to. tara na besh." parang sinadya yata ni amanda na lakasan ang boses nga. hinila nya ko at lumapas kami kay pierre. hindi ako tumingin sa kanya kahit gustong-gusto ko ng gawin.

hay! makaka-move on din ako.

Three Sixty FiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon