094

275 19 1
                                    

nasa pinakadulo ako ng farm nina lola dahil gusto kung mapag-isa. gusto kong mag-isip na walang nakakakita sa'kin. naguguluhan talaga ako. di ko alam ang gagawin ko. di ko alam kung kakausapin ko sya o hindi. di ko alam kung naniniwala ako o hindi. kelangan kong linawin ang isip ko. baka pag nakapag-isip na 'ko, handa na akong kausapin sya. ang hirap kasi. it took five months bago nya ipapaliwanag sa'kin. nagmakaawa ako noon para kausapin nya. ang dali sa kanyang itapon nalang ako basta-basta tapos ngayon gusto nila na kausapin ko sya na parang di ako nasaktan noon. kahit na ano pang paliwanag ang sabihin nya di na mababago na nasaktan nya 'ko.

napahinto ako sa paglalakad ng mapansin kong di na mga bulaklak ang nakikita ko. medyo kinabahan ako ng makitang mga puno na ang nasa paligid ko. mariin akong napapikit at mapahilamos sa mukha.

sh*t! nasa kagubatan na 'ko sa dulo ng farm nina lola. di ko man lang namalayan na sobrang layo na pala ng inabot ko. ang tanga ko talaga. bumalik ako sa dinadaanan ko pero napahinto ako at natuod sa aking kinatatayuan ng may makita akong ahas. sobrang dumagundong ang puso ko sa kaba. di ko alam kung ano ang aking gagawin. wala namng ahas kanina ah.

no! no! no! ayoko sa ahas. ayoko sa ahas. ayoko, ayoko, ayoko.

nang gumalaw ito ay napatili ako at nagtatakbo nalang sa di ko alam na direksyon. napahawak naman ako sa balikat ko dahil kumirot ito. sh*t! ang malas-malas ko talaga. una na sprain balikat ko. ngayon naman, ahas. may ikakamalas pa ba--

"ahhhhhh!"

pakiramdam ko ang gumalaw ang paligid ko ng bumagsak ako. parang mawawala ako ng ulirat. napasigaw ako ng malakas dahil sa sakit ng pagkabagsak ko. pakiramdam ko nabali ang aking paa. mabilis na naglandas ang luha sa aking mga mata.

"kuya--" tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mata. "kuya, tulong."

dahan-dahan akong bumangon pero napahiyaw ako ng sumigid ang kirot sa paa ko. dagdag pa ang balikat ko. ba't ba ako minamalas ng ganito.

"kuya!" napahagulhol nalamg ako. paano ba ako maririnig nya eh nasa kagubatan ako. sinong tutulong sa'kin? ni wala akong dalang cellphone.

pinilit kong gumalaw at gumapang palapit sa malaking puno. kagat-kagat ko ang aing ibabang labo dahil sa kumikirot ng matindi ang paa ko. bahagya ko itong itinuwid at nakikita kong namamaga na ito at dumudugo ang sugat. paano pa ako makakabalik nito sa kubo?

tumingala ako sa langit at mas nabahala ako ng makitang dumidilim na. and then the rain started pouring. unti-unti akong nababasa and i'm starting to get cold. unti-unting nanlalabo ang paningin ko.

siguro, baka dito nalang. katapusan ko na yata.

*

a/n: few more chapters to go.

Three Sixty FiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon