047 (d-52)

515 42 18
                                    

mariah's pov


kadadating ko lang at kasalukuyan akong naglalakad patungo sa aming classroom ng bigla nalang may humila sa'kin at kinalakad ako papasok sa isang walang taong room.

"bitiwan mo. sino ka ba? isusumbong kita sa kuya ko." sigaw ko sa kanya pero agad akong natigilan ng maisara ang pinto at humarap sya sa'kin.

natuod ako ay nanlalaki ang matang nakatulala sa kanya. my heart was beating so fast.

kumurap-kurap ako at pilit kinalma ang aking sarili.

"why did you drag me here? anong kailangan mo?" malamig kong tanong sa kanya.

i need to act like this. ayokong makita nya na apektado ako sa kanya. gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko syang kalimutan. kaya kong magmove on.

"what's with you and lance?"

i look at him. straight in the eye. at ayaw kong paniwalaan ang nakikita ko. his jealous? that's very imposible.

"anong pakialam mo?" matapang kong sabi. "wala ka namang pakialam sa'kin din ba. i'm just nothing to you." parang gusto kong maiyak sa sinabi ko. parang tinusok-tusok ang puso ko. it hurts. but it's the truth. wala syang pakialam sa'kin. ako lang naman tong nagpipilit sa sarili ko sa kanya. nagpipilit na bestfriend nya. naghahangad na magugustuhan nya. alam ko namang kahit kailan di yon mangyayari.

matiim ang tingin nya sa'kin. sinubukan kong tanggalin ang kamay nyang nakahawak sa'kin pero di ko magawa.

"pierre, ano ba? bitiwan mo 'ko."

"no. i won't let you go."

napuno akonng pagtataka. parang doble meaning ang sinabi nya.

"ano bang kailangan mo sa'kin huh? may treasure ka na di ba?"

"stay away from lance."

"sino ka ba para utusan ako?" irita kong sabi.

"just stay away from him. at kahit sa sinong lalaki." may himig pagbabanta sa tono nya. nakakakilabot ang paraan ng tingin nya. parang pinapahiwatig na patay ako pag di ko sinunod ang kanyang sinabi.

"bakit ko naman gagawin yon? wala kang karapatan para sabihin sa'kin kung sino ang pwede kong lapitan o hindi. kung sino ang pwede kung kaibiganin. you're not the boss of me kaya di ko susundin ang sinasabi mo."

"darn it! mariah, sundin mo nalang ang sinasabi ko. walang ibang lalaking pwedeng lumapit sayo. i could kill them." nahintakutan ako sa kanyang sinabi. dagdag pa ang pag-iigting ng panga nya at ang madilim nyang anyo. why would he do that? "akin ka lang mariah. akin ka lang. remember that."

with that ay iniwan nya akong nakatulala. ang tagal maprocess ng isip ko ang mga sinabi nya.

damn! anyare? is he playing games with me?

Three Sixty FiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon