097

289 15 0
                                    

"baby--- i mean. i-i'll explain to you."

bumaling ako sa kanya. napansin kong kabado sya. yong parang magnanakaw na nahuli sa akto. parang ganon na rin. cause he stole a kiss from me habang natutulog ako.

"di na kailangan. i heard everything." mahina kong sabi pero alam kong narinig nya. lumarawan ang pagkagulat sa kanyang mukha.

narinig ko lahat ng sinabi nya. nong maramdaman ko ang paghalik nya sa aking noo ay nagising ako. i wanted to open my eyes but something's stopping me. and then he started talking. may nag-udyok sa'kin na pakinggan sya. and i heard everything that he said.

"narinig mo? kanina ka pa gising?" hindi ako umimik. nakatingin lang ako sa kawalan. "kamusta na ang pakiramdam mo." biglang natataranta nyang sabi. ngayon ko lang nakita ang natatarantang pierre. something new to me. "may kailangan ka ba? wait, i'll call the doctor--"

"no need. i'm okay. i--- just need some water."

babangon sana ako ng mabilis syang umalalay sa'kin. kaya ko namang gawin mag-isa. nagmamadali syang kumuha ng tubig saka binigay sa'kin at pinainom ako. di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kasi halatang kinakabahan sya. bakit ba sya kinakabahan?

"may iba ka pa bang kailangan?"

umiling ako bilang tugon.

"uhm! kanina nandito ang kuya mo, pati sina amanda at treasure. you're parents are here too pero nauna silang umuwi kasi sabi ni uno sya ang magbabantay sayo. but-- i asked him na ako na ang magbabantay sayo."

"thank you." i said almost a whisper enough for him to hear it.

"it's okay."

napayuko naman ako. "and i'm sorry." parang tumahimik ang buong paligid. walang nagsalita sa'ming dalawa.

"for---for what?"

"sa hindi agad pakikinig sayo. and i'm sorry, agad kitang hinusgahan."

nagulat ako ng bigla nalang nya akong niyakap. mahigpit na mahigpit.

"you don't have to be sorry, wala kang kasalanan. it was my fault dahil hindi kita naprotektahan. i'm sorry nasaktan kita."

"hindi mo naman sinasadya yon eh."

"yeah, but still. pero ang mahalaga ngayon. naniniwala ka na sa'kin. pinapatawad mo na ba ako?"

kumalas ako ng yakap sa kanya. umiling-iling ako. muli na namang lumarawan ang pagkabahala sa kanyang mukha.

"w-why?"

"wala ka namang kasalanan eh. kaya di mo kailangan humingi ng tawad." sumilay ang ngiti sa kanyang labi. i can't help but stare at him. ang tagal ko ding di nakita ang ngiti nya. nakakamiss. napansin ko namang mataman syang nakatitig sa'kin.

"why are you looking at me like that?" bahagya syang ngumiti saka kinuha ang aking mga kamay.

"okay na ba tayo?"

"i guess. malinaw na sa'kin ngayon ang nangyari."

"it's not what i mean. ang ibig kong sabihin ay kung okay na ba tayo? kung tayo pa rin ba?" natigilan naman ako sa tanong nya. 5 months we've been away from each other. ano na nga ba kami? "do you still love me, mariah?"

sobrang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa tanong nya. may nagbago ba?

marahan akong tumango. "i--- still love you, pierre. di naman nagbago yon kahit na akala ko---"

di ko natapos ang aking sasabihin ng bigla na lang nya akong siniil ng halik. parang naghuramentado na ang puso ko sa saya. it was a very passionate kiss. it's like my first kiss. kasi nong una ay di naman ganito. light lang yon. ngayon ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sa lalim ng halik na binibigay nya. walang kasing-tamis. at ang sarap sa pakiramdam. parang may kumikiliti sa puso ko. parang may nagliliparang paru-paro sa tyan ko.

gumalaw ang labi nya at parang naghahanap ng katugon. at buong puso kong ibinigay sa kanya yon. kung sa tuwing natutulog ako at at ganito ang magigisnan ko at gugustuhin ko ng laging matulog.

pareho kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. pinagdikit nya ang aming noo habang nangingiti. napangiti naman ako ng maramdaman ko sa palad ko ang malakas na tibok ng kanyang puso.

"marunong ka ng humalik, mhie. gawa na tayong baby."

namilog ang aking mata sa kanyang sinabi. mabilis ko syang tinulak.

"gumawa ka mag-isa mo." pinukol ko sya ng matalim na tingin. tumawa naman sya ng tumawa. aba! ang saya nya.

"i was just joking. ang saya ko lang na okay na tayo." lumapit sya muli sa'kin at niyakap ako. "i love you so much, mhie." umangat ang aking isang kilay. i missed his endearment for me. "i love you so much. and you don't know how you made me so happy right now."

ang sweet-sweet nya yata ngayon and i like it.

"i love you too, pierre. so much. pero--- sabihin mo muna sa'kin kung bakit nyo kasama dito si georgina?"

kumalas sya sa'kin at nagkamot ng ulo.

"okay, i'll explain."

psh! he better should be.

Three Sixty FiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon