075

256 15 3
                                    

5 months later...

"lil' sis, tapos ka na ba dyan?" tinigil ko ang pamimitas ko ng mga bulaklak at nilingon si kuya. nakatayo sya di gaanong malayo sa'kin.

"yes, i'm done." sagot ko at nginitian sya saka ako lumapit sa kanya. kinuha naman nya ang mga bulaklak na napitas ko.

nasa malawak na flower farm kami ng grandparents namin. naisip ko kasing palitan ang mga bulaklak sa bahay kaya pumunta ako dito para mamitas. gusto kong ako mismo ang mamili ng mga bulaklak na ipapalit ko mga papalanta ng bulaklak sa vases sa bahay nina lolo at lola. sinamahan ako ni kuya kasi sya ang personal driver ko. para naman kahit papaano may silbi sya. tsk!

"ang tagal mo naman natapos." aniyang parang bagot na bagot. tinaasan ko naman sya ng kilay.

"ba't atat ka? wala ka namang ginagawa. nagpapalaki ka lang ng tyan." asar ko sa kanya.

"anong malaki ang tyan. may abs ako noh. kita mo to?" tinaas pa nya ang shirt nya para ipakita ang abs nya. malakas ko namang tinampal ang tyan nya.

"what the hell, lil' sis?" reklamo nya.

"wala kang abs. wag kang mayabang." pang-aasar ko pa sa kanya. meron naman talaga syang abs. gustong-gusto ko lang syang asarin kasi ang bilis nyang mainis pag abs na nya pinag-uusapan. tatawa-tawang inunahan ko sya sa paglalakad.

"hindi ako nagmamayabang noh. talagang may abs ako. kita mo nga. ang dami ngang babaeng nahihimatay pag nagpaparactice kami ng basketball. inaabangan ako sa lockers. kulang nalang gahasain nila ako..."

naparolyo nalang ako ng mata sa kahanginan nya. mula ng sa lolo at lola na namin kami tumira, napansin ko kay kuya na mas lalo syang yumabang. dahil siguro sa sariwang hangin na nasisinghot nya dito.

"bye the way lil' sis, tumawag si amanda." huminto ako sa paglalakad at hinarap sya.

"kelan? ba't di mo sinabi agad?"

"kani-kanina lang. she said she contacted you but you weren't answering kaya sa'kin sya tumawag. kunyari pa yon. namiss lang ako non at gusto lang akong makausap."

binigyan ko naman sya ng matalim na tingin. malala na talaga ang kuya ko. if i know, yang asaran nila ni amanda may something.

"ano sabi?" tanong ko sa kanya. ngumisi naman sya na parang sinaniban.

"bibisitahin daw nya ako. tsk! namimiss na talaga ako ng babaeng yon. ang gwapo ko kasi." ngali-ngaling batuhin ko sya. kung may maibabato lang sana ako. ang tino nyang kausap, grabe.

"ano ngang sinabi, kuya?" may himig pagbabantang tanong ko sa kanya.

"pupunta nga sila dito. this weekend daw." napatango naman ako saka pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa kotse nya.

namiss ko na din ang mga babaeng yon. for five months na pagsi-stay namin sa lolo at lola ko, dalawang beses palang nila akong nabisita. busy kasi sila sa pag-aaral nila. ganon din naman ako. pero nag-uusap naman kami tru chat o minsan ay tumatawag sila ni treasure.

i missed them. buti nalang naaliw ako dito sa probinsya ng lolo at lola ko. makakapagpasaya sa'kin ang pagtulong-tulong sa flower farm pag di ako busy. i'm enjoying my stay here kaya okay lang sa'kin na dito nalang ako. seems like ganon din si kuya.

"lil' sis, may darating nga pala mamaya na bisita." ani kuya ng sakay na kami ng kotse nya. di naman ganon kalayo ang bahay ng lolo at lola ko. nasa bungad lang nito farm pero dahil napakalawak at lilibutin mo pa.

"sino naman? bisita mo ba? o nila lola?"

"mine." psh! bisita naman pala nya.

"sino?" napansin kong parang nag-aalangan syang sabihin kung sino.

"sina lance."

lance? bakit naman bibisita sina lance? at sinu-sino?

"don't worry lil' sis. di sya kasama." kumunot naman ang noo ko. sinong di kasama? wala naman akong pakialam kung sino ang bumisita sa kanya. "okay lang ba?"

"ewan ko sayo, kuya. bahala ka." nakita kong ngumisi sya. ngising kakaiba.

psh! weird.

Three Sixty FiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon