092

253 17 9
                                    

"ang pangit mo talaga."

nag-angat ako ng mukha sa nagsalita. si lance ang bumungad sa'kin na may halatang nandito na siguro para mang-inis. pinukol ko sya ng matalim na tingin. ano na naman bang problema nya't nangbibwisit na naman sya?

"pangit ka na nga, nakasimangot ka pa. mas lalo kang pumapangit."

"alam mo, kung wala kang magandang sasabihin. pwede umalis ka nalang. nakakahiya naman sayo. lumalapit ka sa pangit na gaya ko."

he emit a soft chuckle. "you never change. pinagtatabuyan mo pa rin ako." seryoso na ang anyo nyang nakatingin sa'kin at di maiwasang mailang. i used to him being annoying. yong binubully ako. hindi gaya ngayon na ang seryoso nya. "why mariah? bakit mo ba ako laging tinataboy? do you hate me that much?"

mag-iwas ako sa kanya ng tingin. anong bang nangyari sa kanya't ganyan sya ngayon.

"cause you always annoy me. ang sama mo sa'kin lagi. kaya bakit ko gugustuhin na lumapit ka eh lagi mo lang naman akong binibwisit?" nilingon ko sya at mataman pa rin syang nakatingin sa'kin. naiilang na talaga ako.

"pag di ko ginawa yon, di mo malalamang nag-i-exist ang kagwapuhan ko." agad akong napaismid. ang yabang. ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. "at kung masama ako, di sana gumawa na ako ng paraan para maagaw ka sa kanya."

natigilan ako sa sinabi nya. tama ba ako ng narinig o nabibingi lang ako.

"a-ano?"

"kahit na aminin ko ngayon wala pa rin namang magbabago. but i want you to know that." he paused for a moment.  "i--- i love you." napakurap-kurap ako. di ako makapaniwala sa kanyang sinabi. paano nangyari yon? imposible. "don't worry, di ko hihilingin sayo na magustuhan o mahalin mo rin ako. kaya lagi kitang iniinis para makuha ang pansin mo. and maybe i should have tried harder. kasi di ko pa rin nakuha ang atensyon mo. kay pierre. dati palang sa kanya na ang lahat ng atensyon mo. kaya di kami magkasundo kahit na parehong mga kaibigan ang meron kami. naiinggit ako sa kanya dahil kahit wala syang ginagawa napapansin mo sya."

"lance--"

"pero di ako nandito para sa nararamdaman ko para sayo. i'm here to help. so stupid of me, tutulungan ko pa ang gagong yon." bahagya syang tumawa at alam kong walang laman ang tawa nya.

"what do you mean?"

"talk to him. pakinggan mo sya. wag mong hayaang tuluyan kayong sirain ng maling akala mo." he slightly smiled bago sya tumalikod sa'kin.

"sandali lance. ano bang ibig mong sabihin?"

"just talk to pierre, mariah. and you'll know. and to inform you, sobra sya ngayong nag-aalala sayo."

geez! ano ba talaga? di ko na alam ang iisipin ko. naguguluhan ako.

Three Sixty FiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon