079

284 17 8
                                    

"alis na ko lo, la." humalik ako sa kanilang mga pisngi. pupunta ako sa farm kasi wala lang. trip ko lang doon tumambay. may kubo naman doon na pwedeng pagpahingahan. ang sarap kasi pagmasdan doon ang malawak na hilera ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. nakakagaan sa pakiramdam. nagdala na din ako ng pagkain para sa mga tauhan doon. sa tuwing wala akong pasok ay ganito ang ginagawa ko. minsan, tumutulong din ako sa pagtatanim at pag-aalaga sa mga bulaklak. tinuruan ako ng isang kaibigan na pinakilala sa'kin ni lola. part time worker sya sa farm dahil isa din syang estudyante gaya ko at kaedad ko lang. sigurado nga ako na nagtatrabdo sya ngayon dahil walang pasok sa school.

di ko talaga inakala na magugustuhan ko pala ang simpleng buhay dito sa farm nina lolo at lola. ibang-iba sa buhay sa syudad.

paalis na sana ako ng makasalubong ko ang kuya ko. himala at ang aga nya yatang gumising ngayon.

"where are you going lil' sis?" aniya't umakbay pa sa'kin. inalis ko naman agad ang mga braso nya sa balikat ko. ang bigat kaya.

"sa lugar na di kita makikita." mataray kong sabi sa kanya. ginulo naman nya ang aking buhok. bwisit to! kung di lang matatapon ang pagkain sa paper bag na dala ko, hinampas ko na sa kanya.

"what's that?" sinilip nya ang laman ng papaer bag kaya iniwas ko ito sa kanya. "foods. pupunta ka na naman sa mga bulaklak. baka magmukha ka ng tinik ng bulaklak nyan." pinukol ko sya ng matalim na tingin. nang-iinis na naman ang siralo kong kapatid. "o si boy gardener ang pupuntahan mo." pinangunutan ko sya ng noo.

"kuya, kangjoon ang pangalan nya. may pangalan yong tao ba't ang hirap sayong bigkasin."

"ang pangit kasi ng pangalan nya. ano sya intsik napadpad sa probinsya." napairap ako sa kababawan ng kapatid ko.

"koreano ang tatay nya." nasabi ko na sa kanya dati pero binabalewala naman nya. wala.daw yang paikialam sa bago kong kaibigan. halata ko naman inis sya kay kangjoon. wala namang ginawang masama sa kanya.

"eh bakit sya nandito? di ba dapat nasa north korea sya?"

"ewan ko sayo kuya. at south yon. hindi north." nilayasan ko sya bago pa tuluyang mairita sa kanya. kung may nakakabwisit man sa pagtira ko dito kina lolo, yong kapatid ko lang. wala ng ibang ginawa kundi mambwisit. ang sarap nyang ipatapon sa north korea.

"may darating pala mamaya lil' sis." pahabol pa nya bago ako tuluyang nakaalis. wala akong pakialam kung sino man ang dumating. maliban nalang kung si mom and dad.

-

hapon na ng makauwi ako. kasabay ko si kangjoon dahil on the way din naman ang bahay nila.

"mukha yatang may bisita kayo." ani kangjoon sa'kin ng mapansin nya ang dalawang van na nakaparada sa harap ng bahay nina lolo at lola.

"mukha nga." ani ko. "hmm! tara pumasok ka muna para magmerienda. sabi ni lola kanina, magluluto syang espesyal na arrozcaldo."

lumarawan ang pag-aalangan sa kanyang mukha. umandar na naman ang pagkamahiyain nya. sa ilang buwan ko na din syang kilala, isa yon sa napansin ko sa kanya. sobrang mahiyain nya.

"ah! mukhang nakakahiya, may bisita pa naman kayo." sabi ko na nga ba.

"naku! bisita naman ni kuya yata yan eh. tsaka sinabi ko na kay lola na dadalhin kita. paborito mo yong arrozcaldo nya, di ba?" tumango naman sya pero halatang magdadalawang isip pa rin sa paanyaya ko. "sige na. sige ka, magagalit si lola sayo." natawan naman sya sa sinabi ko.

"okay!" napangiti ako sa tugon nya. saby kaming naglakad palapit sa bahay pero bago pa kami makapasok at bumungad si kuya sa may pinto.

"lil' sis, bakit nandito sya?" masama ang tinging pinukol ni kuya kay kangjoon.

"inimbitahan ko. bakit masama ba?" binigyan ko sya mg warning look. ayaw kung sinisindak ni kuya si kangjoon sa paraan ng tingin nya. lalo lang mahihiya yong tao.

"may bisita tayo."

"baka bisita mo lang." sagot ko sa kanya. bigla namang may mga sumulpot sa likuran nya.

"mariah went to town. kyah! namiss ka namin." bago pa ako makapagreact ay mabilis na nakalapit si treasure at amanda sa'kin at dinamba ako. muntik pa akong ma out of balance sa gulat. "gaga, bruha ka. di mo man lamg kami sinalubong."

"teka, teka. baka gusto nyo naman akong pahingahin." halos sabay silang kumawala sa pagkakayakap sa'kin.

"beshie, saan ka ba galing. kanina ka pa namin hinihintay."

"dyan lang." tamad kong sagot. binigyan naman nila ako ng naghihinalang tingin.

"dyan lang, eh sino sya?" tinuro ni treasure si kangjoon na nasa likuran ko. nginitian ko naman si kangjoon.

"uhm! kaibigan ko si sangjoon. nagtatrabaho sya sa farm. kangjoon, bestfriends ko. si amanda at treasure.

bumati naman si kangjoon sa kanila at bumati din sila kay kangjoon pero pansin kong may kakaiba sa reaksyon nila.

"boyfriend mo?" bulong sa'kin ni amanda. pinangunutan ko naman sya ng noo.

"hindi ah. kaibigan ko nga."

"nanliligaw."

"isa ka pa, tres. kaibigan nga."

"naniniguro lang kami." binigyan ko naman sila ng nawiwierduhang tingin. mga sira.

"pasok na tayo. kangjoon tara. wag mong masyadong pansinin ang dalawang to. may mga sapak ang mga yan." bahagyang natawa si kangjoon sa sinabi ko.

"grabe ka naman, besh. siniraan mo agad kami. paano na ako nakakapoints sa kanya." maarteng ani amanda. nakarinig naman ako ng tikihim kay kuya. sus! alam ko na ibig sabihin nyan.

mapahinto naman ako sa tuluyang pagpasok sa loob ng bahay ng makarinig ako ng maingay na pag-uusap at mapansin ko ang mga tao sa living room. ibig sabihin di lang sina treasure ang dumating.

"guys!" tawag pansin ni amanda sa kanila. lahat sila tumigil sa pagdadaldalan at tumingin sa gawi namin.

di ko inaasahan ang mga taong nasa harap ko ngayon. anong ginagawa nilang lahat dito? pero mabilis na bumangon ang galit sa puso ko ng magtama ang tingin namin ng isa sa kanila.

anong ginagawa nya dito?

*

special participation:
- seo kang joon as himself

Three Sixty FiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon