CHAPTER 04

2.7K 49 0
                                    

UNIQUEEN FREYA'S POV

Pumasok sa classroom ang isang babaeng sa tingin ko ay guro kaya umayos ng upo ang mga kaklase ko.

Lumakad siya papunta sa table na nasa harapan. Ipinatong niya ang parehong kamay sa ibabaw ng mesa at tiningnan kami isa-isa.

"Good day, class. I'm Yosh Menri, ako ang susunod na guro niyo pagkatapos ni Ms. Reon. Ngunit dahil absent siya ngayong araw ay napagpasyahan kong isabay nalang ang klase niyo sa section 4-1, makakasama niyo roon ang mga Hari at Reyna, pati ang mga candidate na susunod sa mga yapak nila."

Nasa tono ng pananalita niya ang awtoridad kaya kahit gusto ng mga kaklase ko ang sumigaw dahil makakasama namin ang Kings at Queens aymas pinili nilang manahimik nalang dahil sa nakakatakot na presensya ng gurong ito na nasa aming harapan.

"Leave this classroom quietly. Pumila nang maayos sa labas at sumunod sa akin."

Pagkalabas niya ng classroom ay siya ring pagsunod ng mga kaklase ko. Pumila kami nang maayos katulad ng sinabi niya at sumunod sa kaniya.

Pumasok kami sa isang malaking classroom. May mga estudyante na rito sa loob na sa tingin ko ay mga section 4-1 kaya humilera kami sa likuran nila. Lahat kami ay nakatayo, ganoon din si Ma'am Yosh na nasa harapan. Nakapatong ang kamay niya sa ibabaw ng sandalan ng upuan na nasa tabi niya habang nakatingin sa aming lahat.

Nang masigurong maayos na ang paghilera ng mga estudyante ay saka siya nagsalita.

"Ako ang magtuturo sa inyo kung paano lumaban gamit ang espada. Ngunit bago 'yon ay nais kong gumawa muna kayo ng espada." Nag-umpisa ang mahihinang bulungan nang banggitin 'yon ng guro.

"Dalawang section ang narito sa loob, ang section 4-1 at section 4-2. Gusto kong makilala niyo ang isa't isa kaya ang naisip ko ay magpapartner ang isang lalaki at isang babae na mula sa magkaibang section."

"Hala, kinakabahan ako."

"Cool, gusto ko ito."

"Ayos! Hahaha, baka ang maka-partner ko rito ay siya ring maging asawa ko sa future!"

"Sus, ang landi mo, hahaha!"

"Paano 'yan? Wala akong kilala sa section 4-1, huhuhu."

"Tangek! Kaya nga pagpa-partnerin ang dalawang tao na magkaiba ang section para makilala nila ang isa't isa."

"Please be quiet while I am speaking," pagpapatahimik ng guro dahilan para manahimik ang mga kaklase ko. Sila lang kasi ang nagbubulunga, samantalang ang mga nasa section 4-1 ay tahimik na nakikinig.

"Ma'am Yosh, kayo po ba ang pipili ng magpa-partner?" taas kamay na tanong ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

"Hmmm. Tutal second day palang naman ng pasukan, bibigyan ko kayo ng kalayaang pumili ng gusto niyong maging partner, pero dapat ay pumayag ang kung sinumang mapili niyo. Hindi pwede ang sapilitan," sagot ni Ma'am Yosh.

"Thank you, Ma'am!" sambit ng kaklase ko.

"Kung wala na kayong katanungan pa ay maaari niyo nang umpisahan ang paghahanap ng makaka-partner."

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now