CHAPTER 23

1K 24 0
                                    

RAYE WEST'S POV

Ilang linggo na akong nakakulong dito sa isang selda na nasa underground ng palace kung nasaan namamalagi ang aming Headmaster.

Hindi ko magawang makatakas dito dahil anti-magic ang jail na ito. Hindi ako makagamit ng anumang uri ng kapangyarihan.

Nang makarating kami rito ni Ksenia ay kinausap siya ng Headmaster at sinabi rito ang mga misyon na dapat niyang gawin. Bago pa bumalik si Ksenia sa Planet Tycon ay isinama sa kaniya ng Headmaster ang isang lalaking ibinalik nito sa pwesto bilang Sixth King.

May lumapit sa rehas ng selda ko, isa siya sa mga kawal dito sa palasyo, binuksan niya ang seradura nito.

Wala itong sinabi kaya lumabas na lang ako ng selda. Matapos niyang isarado ang selda kung saan ako nanggaling ay naglakad siya paakyat kaya sinundan ko siya.

Huminto siya sa isang malaki at mataas na pintuan. Tinulak niya 'yon at natagpuan ko sa kabilang dulo ang Headmaster naming nakaupo sa throne. Tinulak naman ako ng kawal papasok sa loob bago ko narinig ang pagsara niya ng malaking pinto. Kaming dalawa lamang ng Headmaster ang nandito ngayon sa loob.

Lumakad ako palapit sa kaniya habang nanatiling matalim ang tingin niya sa akin.

"Nagustuhan mo ba ang ilang linggo mong pagkakakulong?" sarkastiko nitong tanong sa akin. Hindi naman ako sumagot.

Binato niya papunta sa akin ang dagger na hawak niya na naiwasan ko naman agad dahil iginilid ko nang mabilis ang ulo ko. Nang maramdaman kong pabalik na muli sa pwesto ko ang dagger ay sinalo ko ito habang nakatalikod at nakaharap pa rin ako sa Headmaster.

"Ikinulong kita roon bilang kaparusahan," pagsasalita niya at madiing napahawak sa magkabilaang gilid ng inuupuan niya. "Ang parusa mo sa paglabag ng inyong batas!" parang batang sigaw nito sa akin.

Sabagay, ang pisikal na kaanyuan at boses niya ay pang-twelve years old. Hindi na nagbabago ang itsura niya kahit mahigit isang libo na itong nabubuhay sa mundo. He's an immortal.

"Akala mo hindi ko alam, 'no? Haha!" sarkastiko siyang tumawa. "Sa rami ng mga nakakakilala sa 'yo, sa tingin mo hindi ko malalaman ang tungkol doon? Ha?"

Gusto kong takpan ang tainga ko dahil sa lakas ng boses niya, pero hindi ko ginawa dahil baka mas lalo lamang siyang magwala.

"Nilabag mo ang kaisa-isang rule niyo, Raye West Quinnton!" sigaw pa ulit nito sa akin. "Ano? Hindi ka man lang ba magsasalita?"

Napabuntong-hininga ako. "Ano bang dapat kong sabihin?"

"Ganoon ka na ba kadesperadong magka-girlfriend?" mariin nitong tanong sa akin. "Ang tungkol kay Venice ay wala akong problema dahil alam naman halos ng karamihan na magkapatid talaga kayong dalawa. Ang iniiwasan lang natin ay lalo pang kumalat ang impormasyong 'yon dahil baka bumalik ang stalker niya. Wala akong problema padating sa pagpapanggap niyong dalawa dahil kayang-kaya ko namang ayusin lahat 'yon."

Nanatili naman akong tahimik habang nakikinig sa kaniya.

"Pumunta si Venice sa palasyo ng Planet Tycon at nagtanong sa amin kung nasaan ka, hinahanap ka niya sa amin. Nangyari ang pagkawala mo matapos niyong tapusin ang pagpapanggap niyong dalawa. Akala niya ay nagbibiro ka lang nang sabihin mong hindi na kayo magkikita pagkatapos ng pangyayaring 'yon, ngunit hindi niya inaasahang tototohanin mo pala ang sinabi mo! Hindi ka na niya nakita matapos nung araw na 'yon kaya nanghingi siya ng tulong sa amin upang tulungan siyang mahanap ka. May dalawang tao naman ang naglakas loob na lumapit at magsalita para sabihin sa aming nakita ka nila sa isang bakanteng lote na may kasamang babae." Ngumisi siya sa akin. "Ang huling pagkakakita nila sa 'yo ay may kasama kang babaeng hindi pamilyar ang itsura sa kanila. Hindi lang nila kayo naabutang magkasama, nakita rin mismo nila kung paano naglapat ang labi niyong dalawa, kung paano niyo hinalikan ang isa't isa!"

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now