CHAPTER 30

961 19 0
                                    

KELSEY'S POV

"Hindi ko talaga siya mahanap kahit saan!" malakas na sigaw ni Kalene pagkapasok sa bahay na tinutuluyan namin ngayon. "Peste! Peste! Peste!"

"Wala rin siya roon sa pinuntahan ko," si Jay.

"I also can't find her," si Senray.

"Nawawala talaga siya," si Chase.

Magkakasama na kaming nakatira rito sa malaking bahay na pagmamay-ari ng magulang ni Kalene. Dito na kami pinatira ng mga magulang niya na tito at tita ko rin nang malaman nilang wala na ang mga magulang ko.

Hindi rin naman nagagamit ang bahay na ito dahil palagi silang umaalis kaya nanirahan kami dito nila Kalene at Aselyna. Isinama rin namin dito sila Jaysen, Senray at Chase dahil pare-pareho kaming apat na wala nang matutuluyang pamilya. Marami namang kwarto rito kaya walang problema.

"Nasaan naman kaya 'yon nagpunta?" nag-aalalang tanong ni Kalene sa sarili.

Lumapit sa akin si Chase. "I can't seem to locate her. I have already used the tracking spell, but I can't sense her magic energy."

"Jusko! Nasaan na kaya 'yon?!" problemadong sigaw ni Kalene.

"Nakausap ko si Axent at sinabi niyang nawawala rin si Zeff," pagsasalita bigla ni Senray.

"Hindi kaya... magkasama sila?" sabat naman ni Jay.

"Kailan nag-umpisang mawala si Zeff?" pagtatanong ko.

"Nung gabing umatake ang minotaur sa city nila," sagot ni Senray.

"Hindi ba't 'yon din ang gabi kung kailan nagsimulang hindi umuwi si Aselyna?" tanong ni Jay.

"Kung ganoon, posible kayang magkasama sila?" hindi siguradong saad ni Kalene.

"Hindi natin masasabing totoo 'yan, lalo na't wala tayong patunay. Isa pa, alam nating lahat na may girlfriend na si Zeff," pagsasalita ko pa.

"Oo! At si Ma'am Venice 'yon!" Pabagsak na naupo si Kalene sa malambot na sofa. "Kilala ko si Aselyna, alam kong hindi niya magagawang makipagrelasyon sa lalaking may girlfriend na!"

Natahimik naman ang lahat. "Kumain na muna tayo, nagluto ako," pang-aaya ko bigla sa kanila at nanguna sa dining area.

Tanghali na ngayon ng Biyernes at umalis sila kaninang umaga matapos naming mag-breakfast para hanapin si Aselyna. Ako naman ay naiwan dito sa bahay kaya nagluto na lang ako ng pananghalian.

"Hindi na nga tayo nakapasok kahapon ng school kakahanap sa kaniya tapos ngayon absent ulit tayo dahil na naman sa kaniya!" naiinis na sigaw ni Kalene habang kumakain.

"Mamaya ka na magsalita pagkatapos nating kumain," saway ko sa kaniya.

UNIQUEEN FREYA'S POV

"Where the hell is my fucking husband?!"

Pababa ako ng hagdan nang bumukas bigla ang pinto dito sa baba at nakita ko roon ang isang babae.

"Where is he?!" pasigaw na tanong sa akin ng hindi ko kilalang babae.

"Who?" takang tanong ko sa kaniya.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now