CHAPTER 33

860 21 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Ang totoo niyan, pinaghihinalaan ko na noon pa si Hairel na isa siya sa mga human host ng parasite."

Natigilan naman sila Theon at Soren dahil sa sinabi ni Raye. Nasa kwarto silang lahat ng Reyna ng Planet Blaker at kasalukuyang ikinukwento ni Soren ang lahat ng nangyari sa planeta nila.

"Kung ganoon, kaya ka pumayag na makipagrelasyon kay Hairel dahil alam mong may makukuha kang impormasyon dito?" diretsong tanong ni Theon kay Raye.

"Nakipagrelasyon ako sa kaniya upang makontrol ko ang kapangyarihan ko, maliban doon ay para mapag-aralan ko kung paano kumilos at mag-isip ang mga nag-evolve na parasite." Napadako ang paningin ni Raye sa natutulog na Reyna bago muling bumaling kay Soren. "Sa tingin ko ay si Hairel ang dahilan kung bakit ang lahat ng nakatira sa kabilang parte ng gate sa Planet Blaker ay host na ng parasite. Maaaring hindi niyo lang napapansin noon na parasite na pala ang nakatira sa kabilang gate dahil madalang kayo magpunta roon, pero matagal nang kinokonrol ng mga parasite ang mamamayan doon."

Huminga ng malalim si Soren. "Ang pinoproblema ko lang naman ay si Veisha, natatakot ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman ang nangyari kay Hairel," problemadong usal niya habang nakatingin sa natutulog na Reyna.

Ang tatlong magkakaibigan na sila Soren, Veisha at Hairel ay pare-parehong wala ng magulang. Magkakakilala na sila noon pa man kaya sila-sila lang ang magkakasama sa kabilang parte ng gate kung nasaan ang Blaker Palace.

"Makakagising ba siya bukas?" tanong ni Theon kay Soren na ang tinutukoy ay si Veisha.

Tumango naman si Soren. "Kailangan niya lang talaga ng pahinga upang bumalik ang mana niya, sigurado akong bago pa man tayo makaalis bukas ay gising na siya."

"Maiwan na namin kayo, magpahinga ka na rin," pagsasalita ni Raye habang nakatingin kay Soren.

Nagpaalam na silang lahat sa isa't isa at sabay na bumaba papuntang sala ang magkaibigang sila Raye at Theon.

"Tulog?" Tinuro ni Theon si Darius.

"Hindi kami makakasama sa ekspedisyon niyo bukas." Nangunot naman ang noong tiningnan ni Theon si Dior nang ito ay magsalita. "Mahigpit na ipinagbabawal sa amin ang tumulong sa inyo."

"Naiintindihan ko," usal ni Raye at naupo sa isa sa mga sofa saka nagpandekwatrong pwesto habang hinahawakan ang kaniyang sentido. "Balak sana naming umalis ni Theon ngayong gabi, 'yon ay kung papayagan mo kami."

"Saan niyo naman balak magpunta?"

"Lilibot lang kami rito sa siyudad. Nais naming malaman kung gaano na ba karami ang naapektuhan ng mga parasite."

"Gabi na, kaya niyo ba ng kayong dalawa lang?" may pag-aalinlangan pang tanong ni Dior.

"Oo naman, kami pa ba!" malakas na sagot ni Theon at sinipa naman siya ni Raye saka sinenyasang huwag mag-ingay dahil natutulog si Darius.

LDWCB1: A Princess Power [COMPLETED]Where stories live. Discover now