Two year ago
Phone call
Czar: hun where are you na ba?
Mark: office pa hun sorry paalis na ako kaso may mga aberya lang
Czar: hun
Mark: ito na po tinatapos ko na gawain ko. Promise dadating ako hindi ako papayag na hindi ko matikman ang chocolate cake na niyayabang mo sa akin.Mag iisang oras na naghihintay si Czar bago dumating ang binata.
"Sorry hun" humalik ang lalaki sa noo ng dalaga.
"Pasalamat ka kakain tayo ng cakes kaya good mood ako"
"Sorry sorry"
Tinawag ni Czar ang waiter para sabihin na ilabas na ang sampler.
"Ok hun so ito yung mga cakes, nakahiwalay pa yung fillings so tayo bahala mag match sakanila"
"Wow ok so unahin ko na itong triple chocolate cake" kinuha ni Mark ang tinidor at agad ng tinikman ang cake. "Uhhhmmm wow"
"Hun dahan dahan" natatawang sabi ng dalaga "so?"
"Grabe hun pwede ba mag uwi nito?"
"Basta share tayo. Ikaw talaga basta cake. Uhm try mo to masarap din to" kinuha ng dalaga ang tinidor at sinubuan ng cake ang lalaki
"Wow what's this?"
"Vanilla bean cake and hun ito daw best seller nila have some" muli ay sinubuan ni Czar ang lalaki ng isa pang cake.
"Uhmm that cake looks cute akala ko dahil pink sweet lang sya pero just like you may angas, may dating cute pero matapang, may something?"
"Pink champagne cake"
"Chocolate is my favorite but itong dalawa, bago to ah. Hmmm mukhang mahihirapan ako dito. Pwede bang three cakes nalang?"
Natawa ang dalaga
"Ang cute mo talaga hun basta sweets naku. Here uminom ka ng tubig"
Uminom ang lalaki.
"Ikaw hun ano gusto mo? Well you can pick any basta mag uuwi ako ng chocolate cake"
"Lets try something new, itong pink cake, tingin mo"
"Kahit ano hun basta cake"
"Ok so next sa fillings tayo."
"It should match the cake"
"Off course"
Isa isa nilang tinikman ang vanilla mousse, decadent chocolate hazelnut at strawberry cheesecake.
"Im not a vanilla fan but this is good hun" si Mark.
"But hun this one is cheesecake" hawak pa niya ang kutsarita
"Hmmm" malalim na nag iisip ang binata
"Well, ako namili ng cake sige ikaw na bahala sa filling"
"Ok sa strawberry cheesecake tayo"
"Yey thanks hun"
"No problem."
"Ok now we need to decorate our cake."
"Well thats your forte"
"Ok I am thinking of a simple cake, traditional 3 layered cake with beaded frosting pearls around each layer"
"Simple and classy just like you"
"And yun isa namang naiisip ko kaysa pearls uhm icing pink flowers. Kaso masyadong girly uhm. Sa una nalang tayo kasi dapat unisex ang design so?"
YOU ARE READING
P-wedding OO, P-wedding Hindi
RomanceA single wedding planner with bad past of her own wedding planning