The truth

2 1 0
                                    

Tatlong magkakasunod na pindot sa doorbell ang ginawa ni Czar.

"Sana dito pa nakatira si Mark"

Nagmakita niyang bumukas ang pinto.

"Mark, Mark?"

Isang babae na naka uniform ang lumabas at binuksan ang gate

"Ano ho iyon?"

"Si Mark ate nasaan si Mark!?"

"Wala ho si Sir Mark nasa opisina"

"Ah ganun ba ah saan ba ang opisina niya?"

"Sino yan?" Isang boses ng matandang lalaki, palabas ito ng pinto.

"Tito? Tito Franco? Si Ellaine po ito, tito si Mark po?"

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tono nito

"Kailangan ko po makausap si Mark"

"Lumayas ka dito, paalisin yan"

"Tito sandali, nagkausap na po kami ni Mark nagkapatawaran"

"Patawad? Pano ka mapapatawad ng anak ko? Ikaw ang dahilan bakit namatay ang asawa ko, hindi ka mapapatawad ng anak ko, lumayas ka dito"

"Pero"

"Tumawag ka ng guard, police, kung hindi aalis ang babaeng yan"

"Pero po"

"Ate sige na po umalis na kayo, masama po magalit si Sir"

Agad naman ng sumakay sa sasakyan si Czar at kinuha ang telepono

Dylan: Czarene, nasaan ka na?
Czar: saan ang opisina ni Mark?
Dylan: bakit?
Czar: just please tell me

Pagkasabi ng address ay ibinaba niya ang telepono at nagmaneho ng matulin.

Sa opisina ni Mark

Sa isang table sa harap ng isang pintuan may babaeng naka upo

"Ikaw ang secretary ni Mark, Mark Rosales. Kailangan ko siya makausap"

"Maam, sorry may ka meeting pa po si sir, bilin po niya na wag magpapapasok na kahit na sino."

"Sige maghihintay ako"

Naupo si Czar sa upuan sa harap ng lamesa.

Saglit palang ito sa pagkakaupo ng umalis ang sekretarya.

Nang hindi na niya ito matanaw ay nag lakas loob siya na lumapit sa pinto

Kakaunti palang ang pagbukas niya ay rinig na niya ang mga boses sa loob.

Si Ellaine ang kasama ni Mark

Ellaine: its not my fault
Mark: I told you keep it a secret, tayong dalawa lang makakaalam, hindi ka na nga tumupad sa usapan napaka irresponsable mo pa, narinig lahat ni Czarene ang plano natin. Buti nalang at napaniwala ko siya sa mga pagsosorry ko

Nanlaki ang mata ng dalaga, napatakip ng bibig.

Nanginginig ang katawan.

Mark: but she's too smart, na-cancel nya agad lahat. Nabalewala lahat ng pinagplanuhan natin, ang daming oras na nasayang, I just hope na sumama sya sa akin sa Hongkong.

Ellaine: do you really think it will work, do you really think na sasama sya sa iyo

Mark: I have to try, I need to convince her.

Ellaine: tama na Mark, wala na naka move on na si Czar, araw araw ko pinakikita sa iyo ang mga picture nila ni Dylan. Umalis na tayo dito, magpakasal at mag move on!!

P-wedding OO, P-wedding HindiWhere stories live. Discover now