"Seryoso? Pati ba naman prenup photos nila beach just like yours?"
"Oo Carry, hindi na nga ako nagtaka e, buti nalang hindi na ako required sumama"
"Naku sumama ka, tas umeksena ka dun isuot mo yun binili kong swimsuit mo pak na pak ka ateng luluwa mata ni papa Mark"
"Sira, e mukha naman sexy at maganda katawan ni Ellaine, mayaman yun kaya for sure maalaga sa katawan"
"O bat ikaw din naman. Flawless ang legs"
"Naku wala akong balak sumama"
"Ikaw bahala, o sya tara mag uwian na tayo"
"Uwi? Wala kang date?"
"Ay nako te ewan ko sa mga bebeboys ko mga hindi na nagsisitext"
"Mag sleeping beauty ka nalang"
"True tara na tara"
.. .. ..
"Good morning" nakangiting bati ni Dylan pagpasok ni Czar sa trabaho"Oh may shoot kayo ngayon ah, sabi ni sir Ram sa venue na kitaan nyo"
"Oo nga."
"Bakit nandito ka?"
"Sasama kita, nag reserve daw mg room si Ellaine para sa atin"
"Ha? No no no. I'm not coming"
"Please. Nalaman ni Ellaine na kasama ako team kaya tumawag sya at isama daw kita"
"Dylan"
"You need to come"
"Bakit?"
"Kasi pupunta ako"
"And?"
"Diba girlfriend kita"
"So?"
"Czar, please sumama ka na. Mas komportable ako pag nandun ka"
"Dylan naman sige na umalis ka na baka ma-late ka"
"Please"
"Kung sumama ako wala din akong gamit"
"Ay sis" si Carry hawak ang isang bag pack "ito o niready ko na ang gamit mo"
"Carry?"
"Sige na go na"
"Kayong dalawa sinet-up nyo nanaman ako"
"Halika na male-late na ako"
"Saan ba?"
"Batangas"
"Bakit ba nagtanong pa ako for sure doon yun"
"Halika na?"
"Hindi mo naman ako titigilan kung sabihin kong hindi, sana lang desente naman ang mga damit sa bag mo Carry"
Ngumiti lang si Carry
.. .. ..
"Nasa room na sila Ellaine nag aayos, tara ilagay muna natin ang gamit natin sa room"Sa room ng dalawa
Binuksan ni Czar ang bag at inilabas ang mga laman.
"Sabi na e"
Inilagay nya sa kama ang dalawang set ng two piece swimsuit at cover up
"Pati sa pagtulog naka two piece lang ako?"
"May kumot naman hindi ka giginawin" natatawang sabi ni Dylan.
Ibinato nito sa kama ang isang tshirt.
"Bago yan use it muna para kumportable kaysa dyan sa longsleeves polo mo"
"Thanks" kinuha niya ang tshirt "magpapalit muna ako"
YOU ARE READING
P-wedding OO, P-wedding Hindi
RomanceA single wedding planner with bad past of her own wedding planning