"Ano ba Czarene? Ano bang balak mo? Mag iilang linggo ka nang hindi nagpapakita sa trabaho"
Sa condo ni Czarene.
Walang imik si Czarene. Hinahayaan lang niya na magtalak si Carry
"Naku Czarene kahit bestfriend kita hindi ko hahayaan malugi negosyo natin. Pinaghirapan natin to, pangarap natin to"
Naupos si Carry sa tabi ni Czarene.
"Bakit ka ba nagkakaganyan, si Mark ba o si Dylan?"
Nagkatitigan ang magkaibigan.
"Sorry Carry. Gusto ko umalis, lumayo. Kung, kung papalitan mo ako sa trabaho at kukuha ka ng iba ok lang sa akin naiintindihan kita"
"Czarene? Naririnig mo ba ang sarili mo?"
"Carry, right now I feel like a puzzle, an unfinished puzzle, and i don't know where to find every piece. Sumabog, nagkalat kalat, hindi ko alam."
"Czarene, naiintindihan naman kita e. Ayoko lang na pabayaan mo sarili mo, ang trabaho mo, pangarap mo to e. Hihintayin kita"
"Salamat Carry and Im sorry"
Nagyakapan ang dalawang magkaibigan.
"Thanks Carry"
Nang maghiwalay ang dalawa, umayos sila ng upo.
"Ano bang balak mo?"
"Gusto kong umalis kaso hindi ko alam kung saan ako pupunta, sa canada o sa states"
"Kung may mas makakaintindi sa iyo, mama mo yun"
"Sana nga"
Inasikaso agad ni Czar ang paglipad papunta sa states.
Masaya siyang sinalubong ng kanyang ina sa airport at dumiretso sa tinitirhan nito.
Isang gabi matapos kumain ay niyaya ni Salve ang anak na maglakad sa park
"Anak, naiintindihan kita, tulad mo ako rin ang umalis at nangiwan sa ama mo, at tulad mo matagal din ako nagtiis bago ako nag desisyon na iwan siya at tama ka hindi naman dahil tayo ang umalis at nangiwan tayo na yung masama. Mas matalino lang tayo at mas matapang. Mas pinili natin na tama na, na wag na pahirapan ang sarili natin, alam natin na hindi na tayo masaya, mas pinili lang natin respetuhin ang sarili natin. At dyan anak nag sisimula ang lahat sa sarili, sino ang rerespeto at magmamahal sa atin kung di natin yun magawa sa sarili natin. Kung hahayaan ko lang na mawalan ako ng respeto sa sarili ko edi hanggang ngayon niloloko parin ako ng ama mo, hanggang ngayon baka hindi parin ako masaya. Anak wala kang kasalanan kay Mark, kay Dylan."
"Pero nasaktan ko sila'
"At nasasaktan ka din, kasi natural lang na yan ang maramdaman natin."
"Anong gagawin ko?"
"Mahalin mo muna ang sarili mo, gawin mo ang gusto mo sa buhay mo at kung sino ang dadating at rerespeto sa gusto mo at mamahalin ang lahat lahat sa iyo syempre kaya ibigay ang buong oras nya at handa kang paligayahin sya na yun."
"Si Mark at si Dylan?"
"Anak nasabi mo na ang lahat kay Mark, kung galit parin siya sa iyo wala na tayong magagawa anak doon. Nasa tao na ang choice kung paano sila mag rereact sa bawat sitwasyon ng buhay. Si Dylan anak kung mahal ka padin nya at kaya ka nyang tanggapin ng buo, malay natin siya na ang para sa iyo, pero anak mag desisyon ka pag buo na uli ang puso mo."
Niyakap ni Czar ang ina.
"Mahal na mahal kita anak. Kung pwede lang na dito ka nalang sa akin. Pero alam ko malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo"
YOU ARE READING
P-wedding OO, P-wedding Hindi
RomansaA single wedding planner with bad past of her own wedding planning