mae
ano ba tong nangyayare? bakit kailangang ganto? iyak pa din ng iyak si Prilisa. paulit-ulit din niyang sinasabi na pinatay si cristine. sinong papatay kay cristine? kami lang naman ang nandito?
"sino ang pumatay?" tanong ko at napatingin sila sakin. bakas sa mukha ni romer ang inis "tngn! sinong papatay? sino? walang mamamatay tao satin? magkakaibigan tayo dito o! please naman!" ani ni romer at ginulo-gulo niya pa ang buhok niya
"kahit sino satin ang pwdeng pumatay kay cristine. kaibagan romer? kaibigan ba talaga?" singit naman ni hermy. ano ba to? ano to? ayoko ng ganito. nakakatakot ang nangyayare samin. ayos lang sana yung magkahiwalay kami basta ba buhay lahat. "Ikaw harmy! Alam ko tulog mantika ka! Pero come on! Impossible namang di ka magising sa kalagitnaan ng krimen o talagang di ka magigising lasi gising ka na talaga" biglang bulalas ni prilisa na nanginginig sa galit.
"tignan nyo 'to" napatingin kami kay romer na may pinulot na papel. special paper? bat may dugo? napatingin siya samin isa-isa halata ang kaba sa mukha niya. nanginginig na binuksan niya ang nakatuping papel. lumapit kami sakanya at binasa ang nakasulat.
"HAHAHAHA! KUMUSTA KAYO? MASAYA BA? MASAYA BA ANG LARO NA 'TO? SORRY DI KAYO AWARE, NAGTATAGU-TAGUAN NGA PALA TAYO. HANAPIN NYO KO. HANAPIN NIYO KO AT TAPUSIN ANG BUHAY KO BAGO PA MAHULI ANG LAHAT AT MAGKAUBUSAN TAYO" ano? isa sa amin ang pumatay. "h-hindi." napahagulhol nanaman si prilisa "hindi to totoo! Nanaginip lang ako. Hindi. Hindi. Hindi" umiling-iling pa sya at umiyak "isa talaga satin ang pumatay. ang talino naman. sabagay lahat naman tayo dito matalino. ang galing. ang galing ng laro mo kung sino man sainyo. ang utak mo. napalabas mong nagpakamatay si cristine. nalusutan mo ang pulis." biglang sabi ni hermy at kita mo ang inis sa mukha niya. "WAG KANG UMASTANG INOSENTE!" sigaw ni prilisa kay harmy at tinitigan ito ng matalim. Tumawa lang ang dalaga sa inasta ni prilisa at umiling-iling ng mapang-uyam.
"bat kailangan pang humantong sa ganito?" oo bat kailangang ganito pa ang mangyare. bat kailangan pang buhay namin ang mawala?
"abelando." tawag ni henary "ikaw yun diba? ikaw yun." tulalang sabi niya. inis na binalingan siya ni abelando "ano? ako? tngn."
"ikaw at si harmy lang hinihinalaan ko" sabi ko. "kayo lang ang nasa kwarto nun. magkakasama kami dito sa sala. impossibleng isa samin ang pumatay" matapang na sabi ko.
oo nung mga oras na yun sila lang ang malapit kay cristine, Isa sa kanila ang nagkikipaglaro samin.
Si harmy? Tulog? Bat di man lang siya nagising nung pinatay si cris? Si abelando? Nasa kabilang kwarto tulog din? Masyadong impossible ang allibi nila
Ang talino talaga. Tipong pati yung binigay na sulat naka-computerized. Talagang gusto niyang maglaro. Ano bang kailangan niya? Bat gusto niyang mangyare to? Ayoko makipaglaro pero dito nakasalalay ang buhay namin. Tama ng isa lang ang mawala. Di ko hahayaang maubos kami.
"Mamamatay tayong lahat" nanginginig na sabi ni prilisa. "WAG KA NGANG PAINOSENTE! DON'T ACT LIKE A VICTIM! WE'RE ALL A SUSPECT HERE! LAHAT TAYO CRIMINAL!" inis na sabi n harmy "bakit? Umamin na kayo please. Pag-usapan natin to? Bakit? Anong kailangan mo?" Humihikbing sagot ni prilisa.
Ano Nga ba talagang kailangan nya? "Gusto niyang maglaro" sabi ni abelando sabay tawa "Ikaw! Ikaw yun abel! Ikaw ang gustong pumatay samin! Ano bang problema mo? ANONG KAILANGAN MO?" nangigigil na saad ni romer.
"Gaya ng sinabi ni harmy, lahat tayo dito criminal" sabay ngisi niya. "Tama na yan. Mabuti pa kalimutan na lang natin yan. Baka naman magbago pa isip niya kung sino ka man. M-ma-maawa ka naman. Parang wala naman tayong pinagsamahan" sabi ni prilisa sabay tayo at takbo palabas. Wala na kaming magagawa.

BINABASA MO ANG
PRETENDERS (Completed)
Mystery / ThrillerPRETENDERS SINO ANG TOTOO? SINO ANG TRAYDOR? SINO? SINO ANG PUMAPATAY?