Una

5 1 0
                                    

  Henary's POV

Bumalik ako sa campus. Naiwan ko kasi yung payong ko. Mag-aalas-sais na pala. Kokonti na lang ang tao halos nasa covered court sila. Limiko ako papunta sa classroom. Ang tahimik. Nakakakilabot talaga dito. Kunware wala akong nararamdamang takot. Malakas ata ako;) gwapo pa hahaha. Nakita ko na yung payong. Andun lang sa may bleachers sa tapat ng classroom.

Dali dali ko itong kinuha ng may narinig akong nag-sasalita. Parang kilala ko yun? Sinundan ko yung boses at nakita ko ang dalawang tao na nag-uusap sa likod ng building. Di ko maaninag kung sino. Malabo na kasi ang mata ko. Lalapit pa sana ako pero

"PAG AKO NAGDESISYON, LAHAT KAYO MABUBURA. LAHAT KAYO MAWAWALA"

Sabi ng pamilyar na boses lalapitan ko sana ng magvibrate ang cellphone ko. S*it hanap na ko samin. Malapit na pala mag-7. Uuwi na nga lang ako.
Naglakad na ko palabas, nung sinalubong ako ni guard. "Pres, ingat ka" tumango lang ako at dumiretso na sa pag lakad.

"Henary!" May tumabi sakin at pagtingin ko, si harmy pala.
"Oh? Di ka pa umuuwi?" Tanong ko. E maggagabi na. Babae pa naman siya. "Haha. Brad. Kaya ko naman ang sarili ko" tumawa na lang ako at sabay na kaming naglakad. Ihahatid ko na lang siya delikado pa naman.

"Ay nga pala. Sasama ka?" Tanong nya bigla. "Saan?" "Mag-sswimming tayo sa martes. Tutal sembreak naman na next week." Tsk. Eto nanamn tayo. "Alam mo namang di ako pinapayagan. Kalalaki kong tao, over protective sila sakin masyado" tinawanan niya lang ako.

Huminto kami sa tapat ng bahay niya at nagpaalam na ko, habang papalayo ako may sinabi siya "Sana payagan ka naman. Ngayon na lang to."

Di na ko lumingon pero naguluhan ako sa sinabi niya. Madami pa namang next time ah? "Ngayon na lang to" paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang huling sinabi niya.  

 ---

Papunta na ko sa school. Last day of exam namin ngayon. Tatlong araw na yung lumipas simula nung ginulo ako ng sinabi ni harmy. Lilipat na kaya siya? May nangyare kaya? Nagmasid ako sakanya. Pero wala naman siyang kahinahinalang kilos. Parang wala lang. Ano kayang nangyare nun?

"WHAHAHAHA! Hoy! Ang dadaya nyo!"
"Sus! Talo ka lang e!"

Sumalubong sakin ang nagtatawan kong barkada. Hays ang sarap sa feeling na nagkakasama-sama ulit kami. Naging busy kasi kami sa kanya-kanyang activities this school year. Lumapit ako sakanila at kagaya ng dati. Napuno kami ng asaran at tawanan.

"Hanggang kailan kaya tayo ganito?" Napatigil kami sa tawanan ng magtanong si Prilisa. oo nga naman? Hanggang kailan ba? Ngayon na nga lang ulit kami nakumpleto e. Di malabong magkahiwa-hiwalay kami.
"Di magtatagal, ang saya na 'to mapapalitan ng lungkot." Sabi naman ni romer. "Sana wag kayong magalit" ani naman ni abelando.

Magsasalita na sana ako kaso dumating na si ma'am. Mag-eexam pa pala kami. Hays. Di ko na lang iisipin yun masyado.

Alam ko, maayos din to. Maayos din ang lahat. Pero, maaayos nga ba?  

PRETENDERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon