aligaga na ang magkakaklase. Hinahanap nila si romer kanina pa. Ito na lang ang kulang para tapusin na ang huling scene. Inakala nilang umuwi na ito, pero nakita nila ang gamit nitong nakalagay lang sa gilid. "San ba nagpunta yun?" Inis na saad ni mylene. Imikot ang mata nya sa paligid at nakitang wala din si harmy, henary at abelando. 'May nangyare nanaman Kaya?' Isip ng dalaga.
"Guys! Hanapin na natin! Anong oras na o! Bukas na lang natin to ituloy, nawawala din kasi yung isang lights. Lagot tayo sa theater club nito" sabi niya sa mga kasama, tumango naman ang mga ito at nag-asikaso na.
"Wait. Walang aaalis hangga't di tayo kompleto" pahabol pa nito. Nakita nya naman si henary sa senior building. Nagmasid pa siya sa paligid at nakitang lumabas si abelando galing sa likod ng faculty. 'Anong ginawa niya dun?' Nagtatakang tanong nito sa sarili.
"Harmy! Halika na!" Narinig niya namang sigaw ni prilisa. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang nakaupo sa isa sa mga bench si harmy. Malalim ang iniisip at nakatulala. "Guys! Sino pang wala?" Tanong nito. "Si romer. San ba nagpunta yun?" Inis na tanong ni glyda. Malapit na kasing mag-alas nwebe, delikado pa naman ngayon at sunod-sunod ang namatay sa klase nila.
"Hanapin natin" sabi ni mylene at naglakad na. Dinaanan niya si prilisa at harmy "sumama kayo. Hahanapin natin si romer." Si abelando naman ay kusang sumunod sa kanila. Napatingin si mylene sa may forest ng makita na may ilaw dito.
"Ano yun?" Tanong niya sa mga kasama. Humakbang na siya papunta doon ng sundan sila ni henary.
"Restricted area jan mylene" saad ng binata at inayos ang salamin. "Wala akong pake. Tignan mo, bat may ilaw?" Sagot naman nito at tinahak ang daan sa kagubatan. Di na yun sakop ng school premises at delikado sa lugar na yun. Lalo na pag gabi. Wala namang nagawa ag mga kasama niya't sinundan na lang siya.
Napaatras si mylene at napatili "ROMERR!" takot na sigaw nito habang nakatakip sa tenga niya't nakapikit.
"HINDI! ROMER! ROMER!" hagulhol na sabi ni harmy. Napaiyak na lang ng tahimik si prilisa habang malungkot siyang napatingin kay romer ngunit napaiwas agad ng tingin ng di niya kinaya ang itsura nito.
Nakabitin ito sa puno ng acacia, nakatutok ang ilaw sakanya. Namumuti ang mata nito at may mga dugong tumutulo sa paligid nito. May nakasaksak din sa bandang puso nito at nakasilip na ang bituka nito sa malaking ekis na ginawa sakanyang tyan.
"Anong meron?" Tanong ng hinihingal na si glyda pagdating sa kinaroroonan nila. "Sh*t! AHHHHH!" napatakbo agad ito palabas ng dumako ang mata niya sa taong nakabitin sa acacia.
Walang imik si henary at abelando "wag nyong sabihin na porket lalaki kayo, di na kayo iiyak?" Mapanuring tanong ni mylene sa kanila.
"Bakit kailangan bang umiyak?" Pabalang na sagot ni abelando. Nakatulala lang si henary na tila may malalim na iniisip.
"UMAMIN NA KAYO! SINO SAINYO?!" inis at ubos ang pasensyang sigaw nito sa mga kasama. Isa-isa nya itong tinignan "lahat kayo ang may kahihina-hinalang kilos kanina. Bat lumayo kayo sa set? Bat nandito ang isang ilaw? Bat kailangan nyo pang magpatayan?" Naguguluhan na saad nito.
Masyado na siyang naiipit sa gulo ng magkakaibigan. Na dapat nung una pa lang e hindi niya na hinimasukan pa. "Abelando. Ikaw ang pinaka may chansang gumawa nito kay romer. Nakita kitang lumabas mula sa likod ng faculty building. at yun lang ang daan papunta dito sa gubat" desperada na talaga siyang malaman kung sino ang pumapatay sa kanila.
"MAMAMATAY TAO KAYO! WALA KAYONG AWA! MGA DEMONYO KAYO!" sigaw ni mylene at umiyak. Ayaw din naman nitong makigulo pero napasok niya na to, nasimulan niya na at dapat niyang tapusin to.
"Labas muna kayo sa crime scene" saad ng pulis pagdating sa lugar. Walang katapusang imbestigasyon ang magaganap. Di to matatapos hanggat di pa sila nauubos na lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/126497091-288-k473569.jpg)
BINABASA MO ANG
PRETENDERS (Completed)
Mystery / ThrillerPRETENDERS SINO ANG TOTOO? SINO ANG TRAYDOR? SINO? SINO ANG PUMAPATAY?