Una part II

4 1 0
                                    

  Henary

Di natuloy yung swimming namin. Kahit pinayagan na ko. Lately biglang iba na ang kinikilos nila. Ewan ko ba. Pero magbbirthday nako! And mag-ssleep over sila sa bahay. Sakto umalis sila mama eto bwelo kami.

November 2 ngayon. Bukas pa ang b-day ko pero eto yung usapan namin, hanggang bukas sila dito. Ang weird nga e. Ang lakas ng ulan, kumukulog at kumikidlat din. Di pa sila dumadating, wala pa namang akong kasama dito.

Nagluto nlang ako nung kakainin nila.. biglang may narinig akong kumalampag sa rooftop. Tumingin ako sa taas at iniwan ko muna yung niluluto ko. Ano yun? kinuha ko yung payong at Umakyat ako, may hawak akong flashlight wala pa namang ilaw dun. Pag-apak ko sa pinakahuling baitang may kumalampag nanaman. Inilibot ko yung flashlight.

Napatingin ako sa kasunod na bahay namin, abandunado na to pero may nag-aalagang baliw. Ewan ko kung bat napatingin ako dun. Kumulog at kumidlat nanaman. Naglakad pa ako palapit, para kasing may naaninag ako, malapit na ko sa may railings tinalasan ko yung paningin ko. Kumidlat nanaman.

"HENARY!" Sht! Nabitawan ko yung flashlight. napahawak ako sa puso ko. "Henary! Andito na kami!" Naglakad ako papuntang hagdan, sa di malamang dahilan, muli akong napalingon sa bahay at muling kumulog at kumidlat.

  Harmy

basang-basa kami. Agad kaming pinaligo ni henary baka magkasakit pa daw kami. Di niya ba alam? Matagal ng nagkakasakitan ang lahat. Matagal ng may nasasaktan. Matagal ng nasira 'to, pero pilit pa din nilang inaayos. Haha. Nakakatawa no? Inaayos nila yung bagay na sila mismo ang sumira. May mga sira ata sila sa ulo e. Bigla akong napatingin sa bintana. Tanaw dito yung abandunadong bahay sa kabila. Bigla akong kinabahan. Naglakad ako palapit sa bintana at bubuksan ito para makita kong mabuti yung nahagip ng mata ko kanina "harmy! Tara kain na!" Di ko na natuloy yung pagbukas ng bintana ng tawagin ako ni cristine. "Eto na!" Lumapit ako sakanila at napatingin ako kay abelando. Ngumiti siya---Hindi ngumisi siya. Umiwas na lang ako ng tingin at tumabi kay cristine. Nagkwentuhan kami habang kumakain, manonood daw kami ng movie. Ang lalakas ng loob, horror pa talaga. Sila lang din naman ang titili jan mamaya.

Nakadalawang movie na kami at kanina ko pa napapansin si mae. Lagi siyang lumilingon sa may bintana. Minsan natutulala pa sya dun. "Mae?" "AHHHHHHH!" nagtatakip at nagtitili siya nung kalabitin siya ni prilisa. nagulat naman yung iba naming kasama. "Anong nangyare sayo?" Tanong ni romer. "Y-yung bahay" nanginginig siya sa takot. "Sus! Nag-oover think ka lang! Epekto lang yan ng movie tas sakto maulan pa naku mae" di na lang siya nagsalita. Sumang-ayon naman yung iba at nagtawanan. Nawala yung tensyon na naramdaman namin pero di pa rin nawala yung takot sa mata ni mae.

"DEVIL'S HOUR" biglang sabi ni cristine. Napatingin naman kami sakanya. Sinasabi niya ba yung alas tres? "Ano?" Tanong ni abelando. "Matulog na tayo. Malapit na mag devil's hour" sagot naman ni cristine. "Naniniwala ka dun? Tinatakot mo lang ang sarili mo" sabay smirk niya at tumingin sakin. Nag-iwas naman agad ako ng tingin.

"Lahat mawawala Lahat mabubura" bigla kong sabi, nagtaka lalo ang ekspresyon nila. Nakita ko namang nag-iba ang tingin sakin ni henary, tila may malalim siyang naisip ..

 Henary

"Mag-iingat kayo. Di nyo kilala kung sinong kasama nyo" babala ni harmy sabay pasok sa kwartong nakalaan sakanila. Ano bang sinasabi niya? Anong nangyayare sakanya?

"Hayaan nyo muna sya" kalmadong sabi ni abelando pero iba ang tingin sa pinasukang pinto ng huli. Nagpatuloy na lang kami sa panonood. 2:30 am na pala. Di namin namamalayan yung oras, balak ata nilang wag matulog.

Tumayo si cristine, sinundan ko siya ng tingin. Mm. Ang weird ata nila? Sumunod naman si abelando. Matutulog na daw siya.
Naiwan kami dito ni prilisa, mae at romer. Napatingin ako ulit sa abandunadong bahay. Ano kayang nangyare jan? Katabing bahay lang namin to pero di ko alam kung anong history nyan.

Tumayo ako at nag-cr. Pagkabalik ko, nakatulog na si mae, nagkwentuhan kami ni romer at tumayo na si prilisa matutulog na daw siya. Habang nagtatawanan kami ni romer, nakarinig kami ng sigaw.
"WAAAAAAH! OMYGAD! AHHHH"

Napakalakas na sigaw ang gumulat samin. nagising si mae at agad kaming napatakbo sa kwarto nila, nakita kong pupungas-pungas si abelando ng buksan ang katabing kwarto jg mga girls. pagpasok namin sa kwarto nakaluhod si prilisa habang umiiyak at nanginginig. Nakatakip ang kamay niya at humahagulhol. Paglibot ko ng tingin...  

Nahimatay si mae sa nakita. Nagulantang naman si romer at di makapaniwalang nakatingin sa katawan ni cristine. Sa katawan ni cristine na puno ng dugo, may kutsilyo malapit sa paanan niya,dilat ang mata at tila nakangisi saamin. Di ko maatim ang itsura niya, nahismasmasan naman na si mae at medyo hinihingal, habang si prilisa naman ay di pa din matigil sa pag-iyak. May nakita akong papel, kinuha to ni romer at binasa.

"suicide note:
Mga kaibigan ko, paalam na sainyo.
Tatapusin ko na tong paghihirap na 'to.
Sana'y mahanap niyo ang kaligayahan na wala ako,
Di na 'to maaayos, sisirain tayo ng kasuklamang satin ay unti-unting bumabalot."

Binalot kami ng katahimikan. Nagpapakiramdaman.
"Hindi. Hindi. B-bakit nya papatayin ang sarili niya? Hindi nya yan magagawa!" Humagulhol si prilisa. Napayuko naman si romer at naluluha-luha.
"Ang ingay nyo naman" inis na sabi ni harmy na kakagising lang.
"Oh bat ang tahimik nyo?"
Tanong niya at tinignan kami. Napatingin kami kay cistine na nakasandal pa rin sa pader at naliligo sa sarili niya dugo. Sinundan niya ang tinitignan namin at napatili siya "s-sinong may gawa niyan? Cristine?" Naiiyak na sabi niya. "Pinatay niya ang sarili niya" ani ni romer.

Tulala lang si mae sa gilid at walang imik. "Tumawag na ko ng pulis" ani ni abelando, napatingin sa kanya si harmy at nakita ko ang takot sa mata niya, ngunit saglit lang yun at napalitan ng lungkot? Anong ibig sabihin nun?

Alas-5 na at nasa sala kami lahat. Nakaalis na ang pulis at nakuha na ang mga statement namin. Kinuha na din nila ang katawan ni Cristine at nalinis na ang crimescene. Tulala kaming lahat at nag-aantay lang kung sinong magsasalita. "Pinatay siya." Biglang sabi ni Prilisa napatingin kami sakanya "Anong pinagsasabi mo?" Tanong ni mae na naguguluhan. "Di siya nagpakamatay. Pinatay siya." Natatakot na sabi ni prilisa. "Pinatay siya. Pinatay si Cristine pinat---"

"TUMIGIL KA NGA! SINONG PAPATAY SAKANYA? NAHIHIBANG KA NA! NAGPAKAMATAY SIYA!" galit na sabi ni romer.  

PRETENDERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon