Pang-anim

3 0 0
                                    

 third person's POV

Kinaumagahan, napansin ng iba na wala si mylene. nataranta sila. Nagtaka at naghinala. Lalo na ang roomates niya.

"Guys, ang dami nyong sinasabi. Manahimik nga kayo jan" naiiritang saad ni harmy sa mga natatarantang kasama, ang dami nilang iniisip. Napairap na lang ang dalaga.
"Nawawala si mylene, sinong di kakalma?" Inis na sagot ni glyda sa huli. "Ikaw. OA ka kasi" irap ni harmy at pumasok sa CR.

Naghilamos si harmy at tumingin sa salamin. Ang daming bumuhos sa isio nya ng matitigan ang sarili. Bumuntong hininga siya at lumabas.

"Uuwi na daw tayo. Paki-ayos na ng gamit nyo" sabi ni keysh sa mga kasama. Habang nag-aayos si harmy, tumunog ang cellphone niya

'Kita tayo.' Maikli lang ngunit napangiti ang dalaga. Umiling-uling siya at halos mapunit na ang labi sa sobrang lapad ng ngiti.

"Bakit ka nakipagkita?" Nakangiting tanong ng dalaga. "Namiss lang kita" ngiti naman nito. Di maitago ang kilig ni harmy. Nag-usap pa sila habang hinihintay ang pag-alis.

"Wag kang mag-alala. Matatapos na din to" napatingin dito si harmy. Dumaan ang lungkot sa mata nito ngunit ngumiti pa din.

"Sino ang mananalo?" Tanong bigla ni harmy. Di nakasagot ang binatang kausap. "Di ko alam. Sino nga kaya?" Tinignan siya ng huli at ngumiti. Tinitigan niya lang ito at Inabot naman nito ang ulo nya't ginulo ang buhok niya.

Habang nasa daan pauwi, di maiwasan isipin ni harmy lahat ng nangyare. kailan kaya 'to matatapos? Hiling niya ng simula pa lang na matapos na ang bangungunot na kanilang nararanasan.  

Nahanap ang walang buhay na katawan ni mylene sa kabilang isla. Kinagulat at kinatakot ng mga kaklase niya ang nalaman. Baka sila na ang sumunod ang nasa isip ng mga ito.

Habang kumakain mag-isa si harmy ay nilapitan siya ni abelando. "Makikiupo" tinanguan niya lang ito at nagpatuloy. "Pwedeng sumalo?" Tanong ni henary at inayos ang salamin.

Puno ang cafe. Maingay ngunit may napakalaking katahimikan ang namagitan sa tatlo. Tanging tunog lang mga kubyertos ang maririnig sakanila.

"Pag-usapan natin 'to. Di ko na kayang manahimik" saad ni harmy at tinignan sila pareho. Kahit pa mahal niya ang isa sa kanila, malaki ang posibilidad na pati ito ang pumatay at sumira sa kanila.

"Pag-usapan? Anong magagawa niyan?" Napangisi si abelando at umiling. "Marami. Maraming magagawa yun bel!" Tagis bagang na sagot ng dalaga.

"Wag tayo dito gumawa ng gulo, mamaya na natin problemahin yan" sabat ni henary at inayos muli ang salamin.

"Sa casa de blanca, yung park na paborito natin, magkita tayo dun." Saad ng dalaga at iniwan ang dalawa. Kailangan ng matapos 'to at gagawin niya lahat ng paraan para maisalba man lang kahit ang buhay niya.  

  Alas sais y media. Di pa din dumadating si harmy sa tagpuan. Nagkakainitan na ang dalawang binata. Isa sa kanila ang may gawa nito at kailangan mag-ingat ng isa sa kanila.

"Pasensya na natagalan." Hinihingal na saad ni harmy dahil di sya makaalis sa eskwelahan dahil sa pinagawa sakanya. Di niya alam, sinadya yun para abutin sila ng dilim. Dilim. Sa dilim na perpekto para sa gagawin ng killer.

"Ngayon. Magkaalaman na tayo" aniya at tinitigan ang dalawa sa mata. Napabali naman ng leeg si abelando, inayos ni henary ang salamin. Kita niya ang pagtaas baba ng adams apple ng dalawa. Nagmasid siyang maigi.

"Tayo na lang ang natitira. Ano pa bang hinihintay niya?" Tanong nito. Sumisikip ang dibdib niya sa naiisip. Bumuhos lahat ng emosyong pilit niyang tinatago. Nagkunwari siyang malakas pero di niya na kaya.

"Ano? Tutunganga na lang kayo jan? Tapusin na natin to" nanggigil na hamon nito. Nagkatinginan ang dalawang binata. Tila may pinapahiwatig ang bawat tingin.

"Umuwi na tayo. Gabi na. Sarado ang park na to ngayon. Walang nag-aalaga dito." Ani ni abelando at nauna ng maglakad palabas. Ng makarating sila sa labas, hinintay nilang makasakay ang dalaga at nagtinginan.

Alam na nila ang gustong sabihin ng tingin ng bawat isa. Sabay silang naglakad pabalik sa parke at nakikiramdam lang sa kanilang galaw.

Narating nila ang tagong parte ng park na puno ng mga puno. Naunang lumapit si abelando at nangigil na sumuntok sa mukha ni henary. Di naman nagpatalo ang huli at gumati ng mas malakas na suntok. Kwinelyuhan siya ni abelando at sinuntok ang panga niya. Napatalsik ang salamin ni henary.

Ngumisi sila pareho at nagpatunog ng leeg. "Alam ko at alam mo rin kung sino ang puno't dulo nito"  

  nagkasukatan ng tingin ang dalawa. Isa lang ang dapat na magwagi. Sino sakanila? Ang biktima? O ang salarin?

"Dapat sa demonyong gaya mo, binabalik sa impyerno" ngumisi ito at sumuntok. Ngumisi lang ang killer at hinayaang paniwalain ito na matatalo siya. 'May plano pa ako' saad nito sa kanyang isip.

Tumakbo ang killer. Sinundan siya ng isa. "Wag ka ng umatras! Ako na ang tatapos nito!" Galit na saad nito sa killer. Gusto niya na lang na matapos ito. Gusto niyang maiganti man lang ang mga kaibigan niyang nawala. Nawala dahil sa walang kwentang taong ito. Dahil sa demonyong to.

Tumigil ito. May ngising nakadikit sakanyang labi. Naabutan niya ito at sinuntok ng buong lakas. Humalakhak lang ang killer at tinignan siya.

Sinugod niya ito ngunit humakbang ito patagilid. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa madahon na sahig. Bigla itong gumuho. Nahulog sa ilalim ng lupa. Lupang punong-puno ng uod at iba't-ibang insekto.

Napangisay siya at pilit tinatanggal ang mga gumagapang sakanya na napapalitan din naman ng bago dahil sa dami ng nakapalibot sakanya.

Napatingin siya sa taas. "Demonyo ka!" Sigaw nito. Ngumisi lang ang killer at isinuot ang salamin. "Mas maganda sana kung ililibing kitang walang buhay" humalakhak ito "kaso naisip ko, bakit di na lang kita ilibing ng buhay?"

Akmang aakyat si abelando ngunit inapakan ni henary ang kamay nito at napabitaw. "Wala ka na ding takas." Saad nito at ngumisi. "Magsasama-sama na kayo. Di ka ba natutuwa?" Mapang-uyam na tanong nito. "Magkakasama na kayo at magiging larawan kayo ng masayang barkada ay pamilya pala kayo diba? WHAHAHAHA! Inayos nito ang salamin.

Nakatingin sa kanya si abelando. Di niya lubos maisip kung bakit ito ginagawa ng binata. Di siya ganyan. Di siya ang henary na kilala niya. Di sya ang henary na tinuturing niyang kapatid. Demonyo ang kaharap niya.

  Sumipol si henary at kinuha ang mga lupang nakasako sa gilid. Ibinuhos niya 'to sa hukay. Nakangisi lang siya kay abelando.

Sa di malamang dahilan biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Sakto ang panahon para sa patayan" halakhak nito.

Napaupo si abelando at pilit inaalis ang mga nakakadiring nilalang na kumakapit sakanya. Unti-unti natatabunan na siya ng lupa. May ahas na sumulpot malapit sakanya. Dahan-dahan itong lumalapit. Napaatras naman siya ngunit naabot niya na ang dulo. Napapikit na lang siya ng mabilis itong lumapit at tinuklaw siya.

Kumapit naman ang mga uod sa paa niyang natuklaw. Humalakhak si henary at pinagpatuloy ang pagbuhos ng mga lupa. Itinapon niya ito eksakto sa mga paa ni abelando upang madaganan. Hindi na makaahon ang katawan ni abelando. Napapikit na lang siya. Dumadami ang mga uod na gumagapang sa katawan niya.

May pumasok na uod sa tenga at ilong niya. Nandidiri na napasigaw siya. Pumasok na din ang mga uod sa bibig at mata niya. "Di ka pa man patay, nadedecompose ka na." Halakhak ni henary. Kumulog at kumidlat. Bakas sa mukha nito ang galak sa nangyayari kay abelando.

Inayos niya ang salamin ang napangiti. Isang ngiting tagumpay. Naibaon niya na si abelando sa 6ft na hukay. Tila inilaan pa dito ang sukat ng libingan. Ano mang oras mamamatay na sya at mabilis na mabubulok. Napahalakhak siya sa naisip.

Bago siya umalis ay tinapunan niya ng tingin ang lugar at napangisi. Tumalikod na ito at lumakad. Humalakhak ito muli na sinabayan ng pagkulog at pagkidlat.

  

PRETENDERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon