Third person's POV
Sabado. Tatlong araw na ang lumipas. Wala pa ring kamuwang-muwang ang kawawang dalaga. Nagtataka siya kung bakit di pumapasok si abelando. Bumalik naman ang dating sigla ni henary. Habang siya gulong-gulo pa din ang isipan.
Nagjojogging siya ng mapadaan siya sa bahay ni Henary. Nakasanayan na niyang magjogging ng alas singko ng hapon sa araw ng sabado.
Napagpasyahan niyang puntahan ito. "TAO PO!" sigaw niya mula sa gate. Naghintay siya ng ilang minuto nang lumabas ang binata. Napangiti siya. "Napadaan ka? Pasok ka" alok sakanya ng binata.
Nag-uusap sila ng kung anu-ano. Masaya ang puso niya ngunit may iba siyang nararamdaman. Kakaibang pakiramdam na hanggang ngayo'y di nya mawari.
May tumawag sakanya nagpaalam siya saglit at lumabas. Nagtungo siya sa garden at doon sinagot ang tawag. Habang may kausap siya, nakarinig siya ng kalampag sa bodega. Napatingin siya dun. Pinatay niya ang tawag at lumapit doon.
Kinakabahan siya. Di dapat siya mangealam ngunit parang tinatawag siya ng pintuan. Humakbang siya at hinawakan ang doorknob. Iniikot niya ito.. napapikit siya sa di malamang dahilan. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya.
Pagbukas niya ng pinto, bumungad sakanya ang masangsang na amoy. Napatakip siya sa ilong at napaubo.
Pumasok siya at inilibot niya ang tingin at nakita ang naaagnas na katawan ng mga magulang ni henary.Napaupo siya at napaatras. Gulat at takot ang una niyang naramdaman. Napatingin siya sa dingding at may mga nakadikit na litrato nilang magkakaibigan. May mga tuyong dugo sa dingding at may mga ekis ang litrato ng mga namatay na sakanila.
Nakangiti ang mga litratong nakadikit.. ngunit binahidan ito ng dugo at may nakadikit na di kalakihang litrato kung pano sila namatay. Di na niya kaya ang nakikita.
Napailing-iling siya at dumako ang mata sa litrato ni abelandong nakalibing ang kalahating katawan at puno ng oud at mga insekto ang katawan. "H-hindi" napatakbo siya palabas ng bodega. Napatigil siya ng may humarang sakanya
Humakbang palayo si harmy. Siya lang pala ang may gawa ng lahat. Siya lang pala ang matagal niya ng hinahanap. Siya lang pala ang nakikipaglaro sakanila. Si Henary lang pala na di mo aakalaing magagawa ang karumaldumal na krimen na 'to. Si Henary lang pala ang gumawa ng bangungot nila.
Naluluhang nakatingin ang dalaga sa binata. "Bakit mo 'to ginawa?" Malungkot na tanong nito. Di niya lubos maisip ang dahilan.
"Sila din naman ang nagudyok saking gawin yun." Ngumisi ito. "Halika na, pasok na tayo" parang wala lang na alok sakanya ng binata. Umiling siya.
Tinitigan ng taimtim ang binata "di sila ang nag-udyok sayo! Sarili mo ang may nagtulak sayong gawin yun. May choice ka naman! Pero bakit?" Nanginginig na tanong niya.
"Tapos na ang laro. nanalo na ako. Halika na, magsasama pa tayo ng walang hanggan diba?" Ngisi ng binata sakanya.
"HENARY! ANO BANG INIISIP MO?! BAKIT MO NAGAWA TO? OF ALL PEOPLE, IKAW PA?" sigaw niya dahil sa inis, galit at halo-halong emosyon na namuo sa puso niya. Sobra-sobra na ang nalaman niya. Ayaw tanggapin ng isip niya ang mga impormasyon.
"ALL MY LIFE LAGI NA LANG AKONG KINOKONTROL! ALL MY LIFE LAGI NA LANG AKONG HINUHUSGAHAN. ANG MALALA PA DUN, HINUHUSGAHAN AKONNG MGA TAONG DAPAT TINAYO AKO SA PAGKAKALUGMOK!" galit na sigaw nito. Napatigil siya sa nakitang emosyon sa mata nito.
"KAHIT KAILAN DI NYO KO SINUBUKANG INTINDIHIN! BALIW BA? HAHAHAHA! DI AKO BALIW! MGA INUTIL LANG TALAGA KAYO!" halos pumutok na ang ugat sa leeg nito. Napaiyak na lang ako habang pinagmamasdan siya. "DAPAT LANG NA MAMATAY LAHAT! DAPAT LANG NA PAGBAYARAN NIYO ANG KAHIBANGAN NIYO! DAPAT LANG NA DANASIN NATIN NG SAMA-SAMA ANG IMPYERNO" gigil na gigil 'to tatawa ito at biglang iiyak. Nakakaawa siyang pagmasdan
"ngayon, susunod tayo sakanila" nakangising saad nito at humakbang palapit kay harmy at agad namang tumakbo ang huli. Naabutan niya ang dalaga. Niyakap niya 'to mula sa likod. Ang mga hawak niya, nakakatakot. Tila may kuryente siyang nararamdama. Kuryente unti-unti pumapatay sa kanya.
"Wag ka namang lumayo, hindi kita pababayaan" anito at tumindig ang balahibo ng dalaga. Hinalikan niya ito sa ulo at naramdamang nanigas na tila natuod si harmy. Ngumisi siya "takot ka na ba sakin?" Bulong niya sa tenga nito.
Nangilabot si harmy sa asal ni henary. Hindi. Bumalik ang sakit niya at this this lalo itong lumala. Naalala niya ang kwinento ng mga magulang ng binata na may mental disorder ito dati.
"H-henary. I-iniinom mo ba yung ga-mot?" Takot na tanong nito. Humigpit ang pagkakayakap sakanya ng binata. Isinakal niya ang kamay niya palibot sa leeg ng dalaga "iniisip mo rin pala na baliw ako" may diin na sabi nito at humalakhak.
"Pati ikaw na akala ko ay nag-iisang taong iintindi sakin?" Nangigigil na sinakal siya ng bin ata. "Wag kang mag-alala. Mahal pa din kita" napahawak si harmy sa braso nitong nakasakal sakanya.
"H-hena-ry wag!" Pagpupumiglas niya pa. "S-sa-samaha-n ki-t-tang mag-pag-g-aling" hirap na sabi nito na lalong nagpaalab ng galit ng lalaki
Marahas na itinapon ni henary ang dalaga. Napatalsik ito at tumama ang likod sa pasa. Napapikit na lamang siya. Pinipigilan niyang lumabas ang luha sa mga mata.
"Magkukunwari akong di nakita ang lahat. Ayusin natin ang buhay mo hen" pumiyok ang boses nito. Napahagulhol na lang siya bigla.
Iba ang dating ng mga salita ni harmy sa binata. Lalong nag-aapoy sa galit ang isip nito."Kunwari wala kang nakita? HAHAHA! para sayo to mahal" anito at lumapit sa dalaga. Inabot nito ang ulo at inilapit ang kamay sa mata ni harmy. "A-an-ong-- AHHHHH! ARGGGH!" Sigaw ni harmy ng dukitin nito ang mata niya. Lumuha siya ng dugo. Di niya lubos maisip na ganito ang mangyayare.
"Yan. Wala ka ng makikita mahal ko" halakhak ni henary at dinala siya sa bodega. Tinitiis niya ang sakit at kirot ng mata niya. Kinuha naman ng binata ang karayom at sinulid na ginamit niya kay mylene. Napadaing nanaman ang dalaga ng maramdamang tinutusok ang mata niya. Tinatahi pala nito ang talukap ng kanyang mata
"a-yo-ko na" iyak niya. ang dilim ng paningin niya. Naramdaman niyang hinawakan ng binata ang magkabilang pisnge at may pinasok sa nakabukas niyang bibig.
"Kainin mo yan. Ayoko namang magutom ka" ginawang nag-aalala ni henary ang boses niya at tumawa. Pumalag ang dalaga ngunit pinanguya nya ito, walang nagawa si harmy kundi ang tumalima.
Naramdaman niyang bumulwak sa bibig niya ang pinakain sakanya. May tumulo pa sa gilid ng bibig niya. Di niya mawari ang lasa. Nasusuka siya. "Masarap yan. Wag mong iluwa." Galit na saad ni henary.
"Magaganda ang mata mo kaya alam kong masarap yan mahal" ngisi nito at tuluyan ng nilukob ng sakit ang kaloob-looban niya. Tila umikot abg sikmura ng dalaga sa barinig at napasuka.
"H.hkh-enary" hirap na tawag nito sa binata "sa-na m-a-lina-w-an ka n-a" buong lakas na sabi ni harmy. "Mahal di ko na gusto ang tabas ng dila mo" tumawa ang binata.
Kinuha nito ang kutsilyo at lumapit kay harmy. Hinila nito ang dila ang dalaga. Napadaing naman ang dalaga
BINABASA MO ANG
PRETENDERS (Completed)
Mystère / ThrillerPRETENDERS SINO ANG TOTOO? SINO ANG TRAYDOR? SINO? SINO ANG PUMAPATAY?