HULI

9 1 0
                                    

  "Puputulin ko lang mahal.." bulong nito at hiniwa ang dila ng dalaga. Sobra na ang sakit na nararamdaman niya't di na kaya ng kanyang katawan at nawalan ng ulirat.

Tumawa ang binata at humagulhol. Paulit-ulit niya tong ginawa. Tila nawawala pa lalo sa kanyang pag-iisip napatingin si sa dalaga at nilapitan ito. Hinalikan niya ito sa labi at may luhang pumatak galing sakanyang mata

Kinuha niya at kutsilyo at sinaksak ito ng ilang ulit. Ngayon nag-iisa na lang siya. Walang nakahuli sakanya. Siya ang nanalo sa larong siya lang ang nagsaya.

Dumating ang mga pulis sa bahay ni henary. Nagsumbong ang nangangalaga ng abandunadong bahay sa tabi nito. Narinig niya ang sigaw ng dalaga at matagal na nitong binabantayan ang kahina-hinalang kilos ng binata.

"HAHAHAHA! PALABASIN NYO KO DITO! YUNG KALULUWA SA KATABING BAHAY SUMUNOD SAKIN! DI AKO BALIW! DI AKO BALIW!" paulit-ulit na sigaw nito sa likod ng mga rehas. Lagi itong tumitingin sa paligid at biglang sisigaw na animo'y natatakot at biglabigla nanamang tatawa.

Dinala siya ng mga pulis sa isang mental institution at doon ay ginamot ang sira nito sa ulo.

  

  10 TAON ANG NAKALIPAS

"Sir, oras na po sa gamot niyo" kakapasok pa lang ni glyda bilang nurse at agad na inutusan siya alagaan si henary.

Inaayos nito ang iinumin at nakatalikod sa binata "kamusta po ang pakiramdam niyo?" Nakikisamang tanong ng dalaga. Ramdam niya ang titig ng binata sa likod niya.

"Di pa ako tapos sa laro ko" tawa ng binata at taimtim na nakatitig sakanya. "Ano po bang laro yan sir?" Tumawa ang dalaga. "Inom na po kayo." Lumingon ito at napaatras ng makita ang mukha ng pasyente.

"H-he-nary?" Nauutal na tanong ng dalaga. Napangisi naman ang binata. "Di ko pa kasi nauubos ang kalaro ko." Saad nito at kinindatan siya. Nanginginig ang dalaga.

"di ko natapos ang laro, at ngayon nasa harap ko ang makakatapos nito" lumapit siya sa dalaga nginit umatras ito, napangisi siya sa tinuran nito. Patuloy na umatras ang dalaga hanggang sa nasa likod niya na ang bintana.

"Di ako baliw" nagsigawan ang tao sa baba ng makita ang pagkahulog ng dalaga mula sa ika-anim na palapag.

Sumilip siya mula sa taas at nakitang basag ang ulo ng dalaga at kita ang bali-bali nitong buto buhat sa kanyang pagkakahulog. Nakadilat ang mata nito at sumisilip ang utak sa biyak kaniyang ulo.

Napahalakhak si henary at nagsusumigaw ng "DI AKO BALIW!"  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PRETENDERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon