Pangatlo

4 0 0
                                    

  Mylene

ang aga naman! Bat kasi kailangan pa ng maintenance na yan? Di naman ako pwedeng magpalate kasi class president. Duhh. "nakita nyo ba si mae?" Tanong ko sa mga kaklase kong nakaupo sa bleachers, may iniwan kasi ako dun na documents importante pa naman yun. "Hindi e. Baka late yun dumating" sagot naman ni keysh "okay pasabi na lang hinahanap ko siya" saad ko at Pumasok na ko sa room, nakita kong mag-isang nakaupo si abelando sa likod. Nginisihan pa ako pagkakita sakin. Tsk may iba sa lalaking to, at aalamin ko yan.

"AHHHHH!!" napatingin ako kay prilisa na nagtatatalon at sigaw ng sigaw. "Ano bang kaartehan yan?" Inis na tanong ko sakanya "m-may gumagapang sa likod ko! Ahhhhhh!" Pilit niyang pinapagpag ang sarili niya at may nakita akong lumabas sa likod niya gumapang ito papunta sa batok niya at palapit sa tenga niya. "AHHHH! ALISIN NYO NAMAN PLEASE" naiiyak na sigaw niya habang di malaman kubg anong gagawin niya.

"Yan lang takot ka na" sabi ni abelando sabay kuha nung alupihan sakanya at tinapon ito at tinapakan. Napatakip sa tenga si prilisa. "A-ay-yoko na" takot na saad nya sabay tingin kay abelando ng naluluha "tapusin mo na ang larong to, di ako natutuwa. Di 'to magandang laro" ano bang meron? Bat may mga laman ang mga salitang sinasabi nila? Kailangan kong malaman ang nagaganap.

"Wala ka ng takas" saad ni abelando at tinap ang ulo niya sabay balik sa upuan niya. Napaiyak naman lalo si prilisa "p-plea---"

"MYLENE! SI MAEE! NAKITA DAW SA I.T LAB!" Hinihingal na saad ni keysh "oh? Papuntahin mo siya sakin. Yung docu--- hoy ano ba! Dahan dahan naman!" Hinila kasi ako bigla.

Pagdating namin sa lab, umiiyak yung ilan naming kaklase. Anong meron? "M-my, pinatay siya di alam kung sino ang gumawa." Nagulantang ako sa sinabi niya, dali-dali akong pumasok sa room at nagulat sa aking nakita..

  Nagkalat na tuyong dugo ang bumugad sakin sa sahig, sinundan ko ito at nakita ko si mae na nakabulagta malapit sa teachers table. Nakahawak ang isa nyang kamay malapit sa leeg at ang isa'y tila nakaturo sakin? Gago ang may gawa nito. Bakit kailangang patayin siya ng ganto? Bakas sa mukha ni mae ang paghihirap bago siya nalagutan ng hininga. Iniwas ko ang tingin ko pagkat di ko matagalan tignan ang itsura niya lalo na ang leeg niyang enikisan at lalamunan niyang sumisilip.

"Mae!" May tumulak sakin at nakita kong tumakbo si prilisa kay mae, inalog-alog niya to "mae? Gising na please?" Tinapik-tapik pa niya ang pisnge nito "mae? Tayo ka na jan please?" Umiiyak na saad niya at niyakap ng mahigpit si mae, kinakausap niya to na kala mo ay sasagot pa to sakanya "mae? Please? Pati ba naman ikaw?" Paulit-ulit niya tong ginawa

"tama na! Patay na siya! At alam ko, isa sainyo ang may gawa nito, at aalamin ko kung sino" babalang saad ko sakanya. Ramdam ko, mga demonyo sila.

  Dumating na ang mga pulis na inimbestigahan kami. Ang lupet nila. Napaka lupet. "M-mae. Bakit pati ikaw? *hik" umiiyak na saad ni harmy sinabunutan nya pa ang buhok at tumingala, bumuntong hininga pa sya ng malakas.

"Sino ba kasi ang may gawa nito?" Tanong ko sakanya. "D-di ko alam my--" naputol ang kanyang sinabi nung sumabat ako "tngn! Akala mo di ko alam? Sino sainyo?" Usisa ko pa. Napaatras siya halatang nagulat sa sinabi ko. "Sino sainyo? Sino sainyo ang mamamatay tao? Sino sainyo ang may halang na kaluluwa para gawin to sa barkada niya?" Sinuri ko ang ekspresyon na dumaan sa kanyang mata. Ano yun? Lungkot? Takot? Pagkabahala? "

Bakit nga ba nangyayari to samin?" Nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. "Bakit kailangang masira kami ng ganto?" Pagpapatuloy pa ni henary "kayo lang naman ang sumisira sa sarili niyo. Kasi kung gugustuhin nyong maayos yan, dapat matagal nyo ng ginawa. Di yung umabot pa kayo sa puntong ganito." Saad ko at tinignan sila pareho "ngayon, alam kong di pinatay si cristine. Ang talino nyo talaga no? Hahaha pinalabas pa talagang suicide para di lang mahuli sabagay, kayo-kayo lang din naman ang magkakasama nun" sabi ko pa sakanila at bakas ang gulat sa mata nila.

PRETENDERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon