CHAPTER 1

124 6 2
                                    

CHAPTER 1

NAKATUTUTOK ang mata ni Elise sa isinusulat niya nang marinig niya ang impit na tilian ng mga babae sa kalapit niyang upuan. Nakaupo siya noon sa isang bench sa tabi ng soccer field sa eskwelahan nila. Inayos niya ang pagkaka-pusod ng buhok niya. She adjusted her thick-rimmed eye glasses to see what the commotion was about.

It was Prince Kimuel Acuesta. Isa sa mga miyembro ng Red Wolves, ang soccer club ng school nila, na sikat na heartthrob sa school dahil sa pagiging gwapo at palakaibigan. Naglalakad ito patungo sa direksyon nila kaya hindi magkamayaw ang mga babae sa pagpapa-cute dito.

Ibinalik niya ang tingin sa sinusulatang notebook. Sanay na siya sa ganoong eksena. Araw-araw kasi ay doon siya tumatambay para hintayin ang best friend niya.

Alam na niya ang mangyayari. Prince would smile and wink at the girls’ direction, and then he would continue walking to her direction with a wider smile showing those fair white teeth.

“Kanina pa tapos ang practice niyo, ah. Kanina pa ako naghihintay dito,” reklamo niya nang makalapit na ito sa kanya.

Yes. Prince was her best friend. Best friend ng isang school nerd na tulad niya ang isang school heartthrob na si Prince.  Pareho silang nasa ika-apat na taon. It had been 3 years since they first met and they’ve been inseparable.

Nagkakilala sila nang minsang maimbitahan ang mga magulang niya sa isang party na idinaos ng pamilya Acuesta. Business partners kasi ang mga magulang nila. Isinama siya ng mga ito para daw makalabas naman siya ng bahay nila. Kung hindi kasi siya pumapasok ng paaralan ay hindi siya lumalabas ng bahay nila. Nasa unang taon palang siya noon sa mataas na paaralan. Kilala niya na si Prince bago pa man niya ito makilala sa party na iyon. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa lalaking gusto ng lahat? Even she wasn’t immune to his charms. Sa lahat ng lalaking nakilala niya ay ito lang ang nakaagaw ng atensyon niya sa papel at ballpen na lagi niyang hawak.

Nasa buffet table siya noon at kumukuha ng makakain niya nang mabangga siya ng kaklase niyang si Sharina na naimbitahan din sa salu-salong iyon. Halata namang sinadya lang nito ang pagkakabangga sa kanya para matapunan siya ng pagkain sa damit. Nang makita naman ni Prince ang nangyari ay sinamahan siya nito sa loob ng bahay upang mapalitan ang nadumihan niyang damit. Inihanap pa siya nito ng maiisusuot sa damit ng Mama nito. Doon niya napatunayan na tama nga ang hinala niyang hindi lang ito basta gwapo kundi mabait din.

Nanatili nalang sila sa loob ng bahay dahil pareho rin naman silang nababagot sa party. Nagsasawa na raw kasi ito sa pagpapakilala ng mga magulang nito dito sa mga dalagang anak ng mga amigo ng mga ito.  At siya naman ay walang hilig sa pakikihalubilo sa mga tao.

May kakulitan itong taglay kaya nahuli agad nito ang loob niya. Marami itong naikwento sa kanya. Nagyayabang ito pero natatawa lang siya sa mga iyon. Totoo naman kasi ang mga iniyayabang nito. Lagi siya nitong sinasabayan sa pagpasok at nagpapahintay naman sa pag-uwi. Since then, they became best of friends.

Pero hindi siya naging handa sa konsekwensya ng pagkakalapit nilang dalawa. Ang simpleng paghanga niya rito ay yumabong. Hindi nalang simpleng crush ang nararamdaman niya dito. She fell for him really hard. Kaya ngayon ay napilitan siyang sarilinin ang nararamdaman para dito. He would never fall for someone like her. Friendship lang ang meron sila at iyon lang ang makukuha niya.

Katulad ng palaging eksena, narinig na naman niya ang bulungan ng mga babae sa kabilang bench. Hanggang ngayon kasi ay hindi matanggap ng mga ito kung bakit ang isang tulad niya pa ang naging best friend ng lalaking kinakikiligan ng mga kababaihan sa eskwelahang iyon. Siya na hindi malalaman ng iba ang existence kung hindi lang dahil sa best friend niyang sikat.

“Napag-trip-an pa kasi ako nina Cedric.” anito na ang tinutukoy ay ang kasama nito sa soccer team.  Umakbay ito sa kanya. “They keep pushing me to court the captain of the cheerleading club. Halata naman daw na may gusto rin sakin kaya hindi ako mahihirapang pasagutin siya.”

My Love Wish List (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon