CHAPTER 6

41 5 0
                                    

NAGLALAKAD siya sa mall habang naghahanap ng makakainan bago pumunta sa book signing event nang masalubong niya si Ted. Isa sa mga masusugid niyang manliligaw na kalaunan ay sumuko narin dahil mas pinagtuunan niya ng pansin ang paghihintay kay Prince. Nakaramdam tuloy siya ng panghihinayang. Bukod kasi sa nagmamay-ari ito ng sariling architectural firm ay mabait din ito. Kung ito na lang sana ang binigyan niya ng pansin noon…

Well, it’s never too late.

“Hi, Ted! How are you? Ang tagal nating hindi nagkita,” aniya sa masayang tinig. Masaya siyang nakita ulit ito. Matagal din silang hindi nagkita nito pagkatapos nitong ma-basted ito sa kanya. Naging abala kasi ito sa negosyong sinisimulan pa lang.

“Elise, look at you. Gumanda ka lalo,” komento nito.

She smiled. “You still have a sweet tongue, Ted.”

“I’m just stating the truth.”

“Hey, wanna grab lunch with me? Nagugutom na ako,” wika niya.

He was just about to say ‘yes’ when a man bump him from his back. Humarap ang lalaki sa kanila para humingi ng tawad. But to her surprise, it was Prince!

“What a coincidence, dito pa tayo nagkita, Elise,” nakangiting turan nito.

There was something she could sense in his eyes that she just couldn’t point out when he glanced at Ted. Hindi nalang niya pinansin iyon. Mas nahihirapan kasi siyang pakalmahin ang puso niyang triple na ang tibok.

“Nagpapalipas lang ako ng oras,” simpleng sagot niya.

Paano ba siya makakatakas dito?

An idea lit in her mind. Umangkla siya sa braso ni Ted. Halatang nagtaka ito pero mamaya nalang siya magpapaliwanag dito.

“Pasensya na, Prince. Aalis na kami ni Ted, nagugutom na kasi ako,” pagdadahilan niya.

“You’ll be having lunch? Well what do you know, magla-lunch narin ako. Sasabay na ako sa inyo,” wika ni Prince. “Saan ba tayo kakain?”

“Pero—

“It’s okay with you, Ted?” tanong nito.

“Sure, no problem.”

Gusto niyang mapailing. Ito ang pinakahuling taong gusto niyang makita ngayon at lalong pinakaayaw niyang makasama. Pero ngayon ay makakasama niya pa itong mananghalian. Matunawan pa kaya siya?

“So saan tayo kakain?” tanong ni Ted.

Sasagot na sana siya nang maunahan siya ni Prince.

“Sa Mc Donald’s tayo. Hindi makakain ng maayos sa mga mamahalin restaurants si Elise. Pakiramdam niya hindi siya matutunawan.” Binuntunan pa nito ng tawa ang sinabi.

Hindi nalang siya umimik nang pumasok sila sa fastfood chain. Hindi nga lang niya mapigilan ang naramdaman niya. Naalala parin nito ang gusto niya.

Inisip niyang magiging maayos na pagdating nila doon. Kakain nalang siya ng tahimik at aalis kaagad para mawala na ito sa paningin niya. Pero nagkamali pala siya.

Namimili pa sila ng kakainin nang ito na ang nag-order para sa kanya. Nahihiya tuloy siya kay Ted. Parang ipinapamukha nitong mas madami itong alam tungkol sa kanya kaysa kay Ted. Bad mood na tuloy siya hanggang sa matapos silang kumain. Nagpaalam na siya at humingi ng paumanhin kay Ted bago niya hinarap si Prince.

“Why did u do that?”

“Did what?” animo ay inosenteng tanong nito.

Kilala niya ito. Hindi agad ito umaaming gumawa ito ng kalokohan. He would just pretend he didn’t do anything wrong.

My Love Wish List (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon