CHAPTER 4

56 5 0
                                    

CHAPTER 4

ISANG beses pang sinulyapan ni Elise ang sarili sa salamin. Hindi siya makapaniwalang ang sariling repleksiyon niya ang kaharap niya sa salamin. Hindi sa pagyayabang pero masasabing napakaganda niya ngayong gabi.

It was their Prom Night. Inayusan siya ng Mommy niya at ng pinsan niyang si Rachel para maging napakaganda ngayong gabi. Kinailangan niya ang tulong ng mga ito dahil wala siyang kaalam-alam sa pag-aayos ng sarili. At mukhang nagtagumpay ang dalawa. She couldn’t even recognize herself in the mirror.

Inalis ng mga ito ang salamin niya at pinalitan iyon ng contact lenses. Ang buhok niyang lagpas balikat na karaniwang nakapusod lamang ay hinayaang nakalugay lang. It was not flowing beautifully on her shoulders. Nilagyan siya ng bahagyang make-up at na-emphasize niyon ang mga mata niyang dati ay hindi niya napapansin ang ganda. Her lips looked fuller. Bumagay rin sa kanya ang suot niyang blue cocktail dress. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa ngayong gabi.

“Ako ba talaga ‘to?” ‘di parin makapaniwalang tanong niya sa kanyang Mommy at pinsan.

“Sa maniwala ka’t sa hindi, ikaw talaga ‘yan, Ate Max,” sambit ni Rachel.

“Napakaganda mo, anak. Sabagay, kanino ka pa nga ba magmamana kundi sa Mommy mong maganda,” may pagmamalaking wika ng kanyang ina.

“Sigurado ba kayong okay lang ang itsura ko?”

“One hundred percent sure, Ate Max. I’m sure maglalaway sa’yo si Kuya Prince.” Nilaro pa ni Rachel ang buhok niya.

“Ang laswa talaga ng bibig mo, Rachel,” reklamo niya.

“Oo na, sige na. Ako na ang malaswa. Basta sigurado akong magagandahan siya sa’yo. Di’ba, Tita Elize?”

“Oo, Elise. Kaya ‘wag ka nang mag-alala diyan at bumaba ka na. Naghihintay na sa’yo ang Prince Charming mo.”

Humugot siya ng malalim na hininga. Kinakabahan talaga siya sa magiging reaksiyon ni Prince sa itsura niya. Ito lang naman ang dahilan kung bakit siya nagpaganda ng husto.

Pigil ang hininga ay dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan nila. Tumayo si Prince mula sa pagkakaupo habang kausap ang Daddy niya nang makita siya. Nakita niya ang pag-awang ng bibig nito. Base narin sa pagkakatingin nito sa kanya ngayon, nagagandahan ito sa kanya. Mukhang tagumpay nga ang Mommy at pinsan niya.

Nagkatitigan lang sila ni Prince habang pababa siya ng hagdan. He looked handsome in his three-piece black suit. Hindi niya mapigilang humanga rito. Hindi kataka-taka kung mga babae pa ang magyaya dito ng sayaw mamaya. Pero hindi yata siya papayag na may ibang babaeng magsayaw sa date niya.

“Kuya, ang laway mo tumutulo na,” kantiyaw dito ni Rachel na nasa likuran niya.

Itinikom nito ang bibig at umayos ng tayo. Hindi na nito pinansin ang pang-aasar ni Rachel at nakangiting lumapit sa kanya. Sinalubong niya rin ito ng ngiti.

“Hindi ko alam na tao ka pala, Elise,” pabirong sabi nito.

She wasn’t expecting him to say that. Akala pa naman niya ay pupurihin nito ang itsura niya ngayon. Nakaramdam siya ng bahagyang inis.

“Hindi kaya ako tao. Elyen po ako,” puno ng sarkasmong sabi niya.

Iniipit nito sa tainga niya ang ilang hibla ng buhok niyang tumabing sa kanyang mukha.

“Pero sa lahat ng elyen na kakilala ko, ikaw ang pinakamaganda.”

Nilipad ang lahat ng inis niya sa sinabi nito.

Maganda ka daw, Elise! Sinabihan ka niyang maganda!

Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Salamat na nga lang sa blush on na iniligay ni Rachel kanina, hindi iyon mahahalata.

My Love Wish List (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon