CHAPTER 3
VALENTINE’S DAY. At isang araw nalang din bago ang JS Prom nila. Kaya abala ang mga kaklaseng lalaki ni Elise sa paghahanap ng makaka-date para sa prom. Ang mga babae naman ay abala sa paghihintay ng magyayaya sa mga ito.
And for her, it was a normal day at wala siyang balak umasa na may magyayaya pa sa kanya. Last year, she didn’t attend their prom kahit pa pinilit siya ni Prince na pumunta. Ayaw niya sa mga parties at ayaw rin niyang makasamang pumunta roon si Prince kasama ang girlfriend nito noon na si Galatea. Ayaw niyang mapahiya lang dahil ‘di hamak na mas maganda sa kanya si Galatea at magmumukha lang siyang basahan sa tabi nito at ni Prince. So she just stayed at home—writing as usual.
At mukhang ganoon na naman ang gagawin niya bukas.
Inayos niya ang pagkakapusod ng buhok niya at pinunasan ang kanyang salamin. Malapit nang dumating ang teacher nila sa subject na Social Studies na napakasungit. But she liked her dahil madami siyang natutunan dito kahit nuknukan pa ito ng kasungitan.
Nanahimik ang buong klase nang pumasok na si Bb. Gracia sa silid-aralan nila. Ipinagpasalamat niya rin ang pagdating nito dahil natigil rin sa pagbi-bida si Sharina kung gaano karaming tsokolate at bulaklak ang nakuha nito mula sa mga heartthrob ng school nila. She even heard her saying she’s expecting chocolates coming from Prince. Hindi nalang niya ito pinansin.
Bago pa makapagsalita si Bb. Gracia ay may kumatok sa pinto ng classroom nila. Nagtilian ang mga classmates niyang babae nang makitang si Prince ang nasa pinto.
“Quiet!” Natahimik ang classmates niya nang sumigaw ang guro. Binuksan nito ang pinto at hinarap si Prince. “What do you want, Mr. Acuesta? You’re disturbing our class,” masungit na saad nito.
Hindi naman nasindak si Prince at nginitian pa nito ang guro nila. “Pasensya na po. I was just hoping kung pwede po ba akong pumasok para maibigay ang mga bulaklak na ito sa isang espesyal na dalaga?” He showed her a boquet of roses which looked rather odd because of their brown color.
“Sharina, ang haba na talaga ng hair mo! Hinarap pa ni Prince si Ma’am Gracia para lang mabigyan ka ng mga bulaklak,” wika ng isa nilang kaklase kay Sharina.
Tumingin naman ang katabi niyang si Sharina sa kanya ng may pagmamayabang sa mga mata. Itinuon nalang niya ang mata sa best friend niyang kumag. Was he really going to give the flowers to Sharina? But he knew how much she unliked Sharina. Bakit naman ito pa ang yayayain nito para sa Prom nila? Nasasaktan na naman ang puso niya. Well, nothings new anyway.
Nagsimulang maglakad si Prince patungo sa kinauupuan ni Sharina nang payagan na ito ni Ms. Gracia. She just can’t look. It was pure torture. Yumuko siya at nagkunwaring may hinahalungkat sa kanyang bag. Through her peripherical vision she saw how excited Sharina was.
“Will you be my date for our Prom tomorrow night?”
Wala ang inaabangan niyang kantiyawan at palakpakan. Ang narinig niya ay singhap ng mga kaklase niya.
“Answer his question already, Ms. Mendoza. So we could go on with our lesson and go on with our lives,” sambit ng guro nila na nakapagpaangat ng ulo niya.
Nagulat siya sa nakita niya. Prince was kneeling in front of her offering those odd looking flowers and not in front of Sharina!
Hindi siya makapagsalita. Nalunok yata niya ang dila niya.
“Will you be my date for our Prom tomorrow, Elise?” ulit nito sa tanong. Nang marinig niya ang pangalan niya ay saka lang siya naniwala na siya nga ang kinakausap nito.
“What…what are you doing?” Naguguluhan parin siya.
“I’m asking you to be my date for the Prom,” tugon nito habang nakangiti pa sa kanya. Habang tinitingnan niya ito, parang gusto niyang maniwala na nasisiraan na ito ng bait.
BINABASA MO ANG
My Love Wish List (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)
ChickLitI'm still waiting na ipublish to ng LIB pero for now free to read muna sya. Tbh sa tagal ng panahon hindi ko na matandaan ang inspirasyon ko para sa nobela na 'to. Pero alam ko pa kung saan galing ang pangalan ng mga bida. Gusto ko sana palitan kasi...