CHAPTER 2

77 7 1
                                    

CHAPTER 2

NAKAPOSAS ang kanang kamay ni Elise sa kaliwang kamay ni Prince. Ayaw ibigay sa kanila ng soccer team ang susi hangga’t hindi natatapos ang mga events para sa araw na iyon. Dapat daw ay sulitin nila ang isa’t-isa ngayong kasal na sila. Mga ugok din talaga ang miyembro ng soccer team ng school.

Okay lang sana kung nakaposas lang sila. Ang kaso ay may nakatali pang mga lata sa posas at may ribbon na nakasulat na just got married na nakakaladkad nila habang naglalakad. Mukha tuloy silang baliw. But in a way, she silently thanked those crazy guys. Talaga kasing na-solo niya si Prince ngayong araw.

Taun-taon kasi ay palagi na lang itong nahuhuli sa mga wedding booths at kissing booths kasama ng ibang babae. Siya naman ay inaabala nalang ang sarili sa pagsusulat o ‘di kaya’y pagbabasa. Wala namang manghuhuli sa kanya dahil walang mag-aabala na ipalista siya sa mga booths.

“What now?” tanong nito.

“Gutom na’ko.”

Hinila niya ito sa mga food stand. Nakatayo sila sa tapat ng nagtitinda ng fried noodles. Inayos niya ang salamin niya gamit ang kaliwang kamay habang namimili ng flavor na bibilhin.

“Ikaw?  Anong gusto mong kainin?” tanong niya kay Prince nang balingan niya ito. Huling-huli niya ang pagtitig nito sa kanya na may kung anong emosyon sa mga mata na hindi niya mabasa.

“Share na lang tayo,” simpleng sagot nito.

Bumaling na siya sa nagtitinda bago pa siya matuksong itanong dito ang ibig sabihin ng titig nito. “Teriyaki flavor. Iyong pinakamalaking size po. Pakibalot nalang,” aniya sa tindera.

“Gusto mong kumain sa rooftop?” tanong nito sa kanya nang maiabot na ng tinder ang binili niya.

“At least that’s better than walking around the school dragging along these cans looking crazy.”

He chuckled. “I can only agree. But at least because of these handcuffs, hindi abala ‘yang mga kamay mo sa pagsusulat at sa akin lang ang atensiyon mo.”

Namula ang pisngi niya sa sinabi nito. Why was he saying that? Mukhang hindi pa nga niya lubos na kilala si Prince. Hindi kasi niya maintindihan ang mga sinasabi nito minsan.

Nang marating nila ang rooftop ay naupo sila sa lapag at sumandal sa pader. The sky was full of white fluffy clouds. Nakikisama ang panahon sa okasyon ng school nila. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. The sky always gave her mind time to think of a lot of things. She was thinking what a real wedding would be like. A real wedding where she was the bride and Prince was the groom.

“Kainin na natin itong tsibog. Nagugutom narin ako.” Nauna na itong sumubo ng noodles gamit ang chopped sticks na hiningi niya sa tindera.

Sinubukan niyang gamitin ang chopped sticks sa kaliwang kamay niyang hindi naka-posas pero dahil right-hander ay nahirapan siya. Dapat pala ay nanghingi nalang siya ng tinidor.

Inuumang ni Prince sa kanya ang chopped sticks na may noodles na. “Oh, kawawa ka naman. Hindi ka makakain. Ayoko namang mangayayat ka. Baka sabihin nila ginugutom ko ang asawa ko,” biro nito.

Sinimangutan niya ito pero tinanggap parin niya ang sinubo nito. Nagugutom narin kasi siya.

“Ito na ba ang reception ng kasal natin?” natatawang tanong nito at sinubuan ulit siya.

Tumawa lang din siya ngunit agad ding natahimik nang mapatulala sa asul na langit.

“Naglalakbay-diwa ka na naman. Tell me what you’re thinking.”

Nasanay na si Prince na tanungin ang nasa isip niya kapag napapansin nitong napapalayo na ang nilalakbay niyon. She liked sharing her thoughts with him. He always listens.

My Love Wish List (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon