CHAPTER 7

35 5 0
                                    

KUMAKAIN ng pinya si Elise habang nanunuod ng TV sa sala. Ayaw niya ng pinya at ayaw niya ng palabas sa TV nang oras na iyon pero tiniis nalang niya. Wala na kasi siyang ibang makain sa refrigerator niya at wala narin siyang ibang mapanood. It was a Friday night and she had been sulking all day in her house.

Gabi na at paubos na ang mga pwede niyang kainin sa refrigerator niya. Kaya nang matapos siya sa pagkain ng pinya ay nagdesisyon siyang lumabas para makabili ng makukukot.

Kinuha niya ang wallet niya sa cabinet nang makarinig siya ng tunog ng gitara. Sa pagkakaalam niya ay napatay niya ang TV bago siya pumunta sa kwarto kaya imposible naman na iyon ang tumutunog. Mukhang nanggagaling sa ibaba ng bahay niya ang tugtog. Masyado pang maaga kung may mga nangangaluluwa. Mas lalo namang maaga kung nagka-carolling. Nakinig siya nang pumailanlang ang isang pamilyar na kanta.

“Sorry na, kung nagalit ka. 'Di naman sinasadya. Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo. Pipilitin kong magbago. Pangako sa iyo.”

Kusang naglakad ang mga paa niya papunta sa terrace ng kwarto niya. Namalayan na lang niyang tinatanaw niya sa baba si Prince na may bitbit na gitara habang nakatingala at kumakanta. He was singing that song to her again. Paanong hindi niya ito mapapatawad?

“Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na sa ugali kong ito na ayaw magpatalo at parang sirang tambutso na hindi humihinto.”

Umiling siya. Nangako siya sa sariling hindi na magpapakatanga para dito.

“Sorry na talaga sa aking nagawa. Tanggap ko na mali ako. 'Wag sanang magtampo. Sorry na.”

Umalis siya sa terrace at naupo kama niya. She was moving on now. Not because he was singing that song to her means she should forgive him now. Sinubukan niyang maglakad pabalik ng kwarto.

“Sorry na, saan ka pupunta? Please naman, ‘wag kang mawawala. Kapag ako ay iwan mo, mamamatay ako. Pagka’t hawak mo sa iyong kamay ang puso ko.”

But what the heck. She knew to herself she wanted to forgive him. After all, they were friends. Not only friends, but best friends. Bumaba siya at sinalubong ito.

“Mahal kita. Sobrang mahal kita. Wala na akong pwedeng sabihin pang iba. Kundi sorry talaga ‘di ko sinasadya. Talagang sobrang mahal kita. 'Wag kang mawawala. Sorry na.”

Habang nakatingin siya dito nakikita niyang ang sinseridad sa mga mata nito. She couldn’t help believe that he really loved her. Hindi niya mapigilang maniwala na ayaw talaga siya nitong mawala sa buhay nito. Na iyon ang dahilan kung bakit mukha itong tanga sa harap ng bahay niya habng kumakanta kahit nabubulabog nito ang mga kapitbahay niya.

“Baliw ka,” were the only words that she could utter. She was too overwhelmed.

“I know.”

“Tanga ka.”

“That too.”

“Pero mas tanga ako dahil minahal kita.” Tears started to fall from her eyes. Nagiging iyakin na siya ngayon at sumasakit na ang mga mata niya sa kakaiyak. “I have waited for you to come back, Prince. I’ve waited ten years. Kahit hindi ako sigurado kung babalik ka pa. Kahit ni hindi ka man lang nagte-text o tumatawag habang nandoon ka. I tried to change myself. Nag-ayos ako, naging mas confident na ako sa sarili ko. Sinikap ko ring tuparin ang mga pangarap ko. Para pagbalik mo ng Pilipinas, hindi ka magsisisi na ako ang pakakasalan mo. Pinanghawakan ko ang pangako mo, Prince. Kahit ngayon umaasa parin ako kahit alam kong imposible na.”

Inilapag nito ang gitara at lumapit sa kanya. He gathered her into his arms. She felt safe in his arms. She felt that it is where she really belonged. The heat coming from his body was comforting. But he felt too hot. Kumalas siya sa yakap nito.

My Love Wish List (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon