CHAPTER 8

105 8 7
                                    

TUMUNOG ang message alert tone ng cellphone ni Elise.  Pang-limang na ata iyong mensahe na natanggap niya sa nakalipas na limang minuto. Kanina pa nagpapadala ng text messages sa kanya si Prince. Binasa niya ang bagong mensahe.

Kumain ka na ba? I love you.

Pangalawang beses na ata nitong tinanong iyon sa  kanya. Napangiti siya dahil sa tatlong huling salita sa text message nito. Lahat ng messages nito sa kanya ay may ‘I love you’ na nakasulat. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang high school stident na kinikilig sa crush niya. Ilang araw narin silang ‘nagkakaintindihan’ ni Prince. At kada araw na lumilipas ay nagiging malambing lalo ito sa kanya.

Pinatay muna niya ang computer at ni-replyan ang text ni Prince. Hindi na siya makakapagtrabaho lalo na at si Prince ang nakaistorbo sa kanya.

Opo. Tnanong nyo n po ‘yan knina skin. I love u dn po. ;)

Naka-receive agad siya ng reply mula dito.

Masyado ka atang magalang ngayon, honey?

Honey. Dati ay naiinis siya kapag ginagamit niton ang endearment na iyon sa kanya. Pero ngayon, pakiramdam niya ay para sa kanya talaga iyon.

Pra k kcng Papa ko kng makapgtanong. Wla k bng trbho? Bkt txt k ng txt?

Humiga siya sa kama at ipinatong ang cellphone sa bedside table. Agad din naman siyang napabangon nang tumunog ulit ang cellphone niya.

Meron. Ang dami ngang paper works ngayon, eh. Bakit? Ayaw mo bang tinetext kita? :( I just miss u so much, honey.

Bumagsak ang malakas na buhos ng ulan na nagpalamig sa paligid. Parang ang sarap ng may kayakap ngayon. Nag-reply siya.

E’di puntahan mo ko :))

Sinundan niya iyon ng isa pang text.

Joke lang. Mgtrabaho k n jan. Mgttrabho n dn ako d2. :*

Hinintay niyang mag-reply pa ito pero nang mainip siya ay binalikan niya na ang computer at binuksan iyon. Ginanahan na siyang magsulat pagkatapos siyang pakiligin ni Prince. Pakiramdam niya ay makakagawa siya ng ‘Reader’s Choice’ na nobela.

Lunod na siya na sa pagsusulat habang patuloy parin ang malakas na buhos ng ulan. Naapatigil lang siya sa pagsulat nang marinig niya ang sunud-sunod na tunog ng doorbell. Sino naman kaya ang pupunta roon habang tila bumabagyo sa labas?

Isi-nave niya muna ang ginagawa bago bumaba upang pagbuksan ang kung sino mang naroon. Napanganga siya nang makita ang nakatayo sa tapat ng pintuan niya. Standing in front of her door was Prince Kimuel Acuesta. His hair was wet. Senyales na sinugod nito ang malakas na ulan. Basa rin ang damit nito. He was soaking wet.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ito. Hindi niya makita ang kotse nito sa harap ng bakuran niya.

“Nasaan ang kotse mo? At bakit basang-basa ka?”

“Nasira ang kotse kopagdating ko sa gate ng village natin. So I decided to walk my way here. Ran, actually.”

“Ng walang payong? What were you thinking? Baka magkasakit ka! Sino ba kasi ang nagsabi sa’yong pumunta ka dito?” Nag-iinit na talaga ang ulo niya dito. Baka lagnatin na naman ito dahil sa pagpapaulan nito.

“You did,” sagot nito.

“What?”

Unti-unting luminaw sa kanya ang lahat. Sumugod ito agad papunta sa bahay niya dahil sa text niyang iyon? Hindi niya alam kung kikiligin siya o maiinbis dahil sa katangahang ginawa nito. Pero mas pinili niya ang kiligin. Hindi nga lang niya iyon ipapahalata dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love Wish List (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon