“NAKAKAINIS talaga si Feb, Ate Elise. Nag-iinit ang ulo ko sa kanya! Napakayabang! Antipatiko pa.”
Patuloy lang na nakinig si Elise sa pagdaldal ni Rachel habang nagta-type siya sa netbook niya. Nasa isang café restaurant sila nang mga sandaling iyon. Day-off kasi nito at malamang ay wala na namang makausap sa bahay kaya niyaya siya nito.
Sampung taon na ang lumipas mula nang maka-graduate siya ng high school. Sampung taon niya naring hindi nakikita ang lalaking nangako sa kanyang pakakasalan siya nito. Mukhang masyado nga itong naging abala sa America. Mula nang lumipat ang pamilya Acuesta doon ay nawalan na sila ng komunikasyon sa isa’t-isa. Hindi ito nagpapadala sa kanya ng e-mails ni sulat man lang ay wala. Ang huli niyang balita rito ay mina-manage na nito ang advertising company ng pamilya nito. At sa daddy lang niya iyon nabalitaan. Naisip niyang busy lang siguro ito sa pagma-manage ng kompanya.
“Kung ang gaya niya ang papakasalan ko, siguradong divorced agad kami.”
“Walang divorce sa Pilipinas, Rachel. At wala naman siyang balak na pakasalan ka,” aniya.
“Ang sama mo, Ate Elise.” Sumimangot ito na agad din naman nawala nang salpakan nito ng chocolate cake ang sariling bibig. “Oo nga pala, Ate, nasaan na nga ba si Kuya Prince? Kailan ba siya babalik ng Pilipinas at nang maging flower girl ako sa kasal niyo?”
Hindi niya sinagot ang tanong ni Rachel at ipinagpatuloy lang ang pagtitig sa laptop. Wala na doon ang isip niya. Naalala niya na naman kasi ang lalaking dahilan kung bakit sa twenty-five years na existence niya ay wala pa siyang naging boyfriend. Wala naman kasi silang pormal na relasyon ni Prince kaya pwede sana siyang magkaroon ng boyfriend. Ang kaso, pinanghawakan niya ang pangako nitong pakakasalan siya nito. Kaya heto siyang ngayon, single but not available.
She was now a famous romance novelist. Natupad din niya ang pangarap niya. May nangyari din sa pagti-tyaga niya. Nakapundar na siya ng sarili niyang bahay na nasa loob lang din ng village nila. Sinadya niya iyon para narin nadadalaw niya ang mga magulang niya palagi.
Hindi na rin siya ang nerd na kilala ng iba noong high school pa sila. Nang mag-college siya ay natuto siyang mag-ayos ng sarili. Naisip niyang para din sa sarili niya rin iyon. She didn’t wear her large eye-glasses anymore dahil nagamot na ang mga mata niya. Kumapal na din ang mukha niya ngayon. Dahil narin sa kurso niyang Bachelor of Secondary Education ay nasanay na siyang makiharap sa tao. Mas pinili niya nga lang maging writer dahil iyon ang talagang pangarap niya.
“Hoy, Ate. Hindi ka naman ata nakikinig.”
“Napansin mo pala?” Nginisian niya ito at isinara ang netbook niya. Pinagdiskitahan niya namang kainin ang slice ng cake na nasa mesa nila. “Ginagawa ko kasi ang outline ng next novel ko. Kailangan ko na ulit ng pera.”
“Gawin mo akong heroine. Yayaman ka.”
“Sagutin mo muna si Dwight. Gagawan kita ng nobela.”
Natawa siya nang umasim ang mukha nito. Si Dwight na dating miyembro ng Red Wolves ang tinutukoy nitong ‘Feb’ kanina. ‘Feb’ ang tawag nito sa lalaki dahil daw February ang kaarawan nito. Lagi nalang nag-aaway ang dalawa tuwing nagkakasalubong ang mga ito ng landas. Nagtataka nga siya dahil ang pagkakaalam niya ay isa si Dwight sa pinakamabait na miyembro ng Red Wolves.
“Huwag mo na lang akong gawan ng nobela kung siya lang din naman ang magiging hero ko.” Sumipsip ito ng shake mula sa baso. “Teka nga, ikaw ang topic dito eh. Huwag mong inilalayo. So, kailan na nga babalik ang fiancé mo?”
“Ang sarap talaga ng cake dito, ano?”
“Ate Elise naman, wala ka talagang balak sagutin ang tanong ko?”
BINABASA MO ANG
My Love Wish List (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)
ChickLitI'm still waiting na ipublish to ng LIB pero for now free to read muna sya. Tbh sa tagal ng panahon hindi ko na matandaan ang inspirasyon ko para sa nobela na 'to. Pero alam ko pa kung saan galing ang pangalan ng mga bida. Gusto ko sana palitan kasi...