Paglalayag ni Pagibig

121 1 0
                                    

On My Way To Dubai.....

habang nasa biyahe ako kanina naghahanap ako ng pinoy na makakasabay ko...kaso karamihan ng pinoy dinededma ang kapwa nila pinoy...hanggang sa nakasakay na ako ng eroplano at sakto na pinoy din ang nakatabi ko...south africa ang destinasyon nya...syempre simpleng tanungan kung san ka pupunta? anong trabaho mo don? yun naman ang karaniwang pinaguusapan...hanggang sa tinanong nya ako pang ilang alis ko na ba to? sabi ko "first time po, kaya nga po ako naghahanap kanina ng makakasabay kasi first time ko lang din po malalaman procedures dito sa airport"At syempre, bilang sya na pang apat na balik na sa pupuntahan nya binigyan nya ako ng payo, "naku mag-ingat ka sa pupuntahan mo...mas magingat ka sa mga kababayan mo dahil sila rin ang sisira at magpapahamak sayo".ngiti ang unang isinagot ko sa kanya at sabay sabing "salamat po sa payo", pero sa isip ko may mga salitang tumatakbo na hindi ko na sinabi sa kanya. sabi ko sa aking sariki, "kahit saang gubat ka naman mapunta ay may mga ahas na makamandag na basta basta na lang nanunuklaw." kahit naman saang kumpanya may mga tao na sabihin na nating plastik. crab mentality...yun naman karaniwan ang nagiging problema sa samahan ng magkakatrabaho. kasi may mga empleyado na hindi makapaghintay na umangat kaya di bale ng makasagasa at makasira ng pagkatao basta makuha lang ang gusto nya. mga tao na kumakapit sa may posisyon dahil umaasang baka maambunan sila ng grasya.

pag dating sa hong kong kung saan ulit ako sasakay ng eroplano papunta sa destinasyon ko, ganun ulit ang eksena, maraming pinoy ang walang pakialam sa mga pinoy na nangangailangan ng tulong. aaminin ko hindi ko alam kung saan ako pupunta sa hong kong airport para sa connecting flight ko, pero nagtyaga na lang ako maglakad lakad at tumingin sa paligid..kasi paulit ulit pag pinoy ang tatanungin ko di talaga welcome ang pagtulong sa kanila.marahil, nagiingat lang din naman ang mga kababayan natin kasi nga di ba mahirap magtiwala sa hindi mo kakilala kaya hindi ko rin sila masisisi.hanggang sa narating ko ang gate 23 at naghintay ng halos dalawang oras bago makaalis ng hong kong. at swerte, pinoy ulit ang nakatabi ko..

gaya ng nauna ganun na naman ang usapan namin. mga tanong na akma sa dalawang taong sa unang pagkakataon lang nagkaharap. ate rhodora ang pangalan nya, sa pagkakataong ito mas dinamihan ko na ang tanong ko sa kanya para magkakilala kami. pero sobra sobra ang mahigit walong oras na byahe para makapagkwentuhan kami ng husto. kailangan din naming matulog dahil hindi biro ang ganun kahabang byahe.

at sa wakas nakarating na kami ng dubai airport. bago bumaba ng eroplano nilakasan ko na ang loob ko at sinabi ko sa kanya na baka pwedeng sabay na kami palabas at magprocess ng documents sa immigration. maliban pala kay ate rhodora ay may kasabay pa sya, si ate christine. habang naglalakd ay nagkwentuhan kaming tatlo kanya kanyang pagbabahagi ng aming karanasan sa airport at dun ko nalaman na hindi pala yun ang unang pagkakataon na pupunta si ate christine dito sa dubai. nagbigay din sya ng payo dahil naranasan nya rin ang hindi pansinin ng mga kababayan nung una nyang punta dito. sya ang sinundan namin ni ate rhodora kung saan kami magpaprocess ng documents. at dun na kami nagkahiwalay na tatlo sa immigration. si ate christine kasi ay napunta sa ibang linya dahil may residence visa na sya, habang si ate rhodora sa ibang pila ang pagprocess nya. nauna akong nakatapos kay ate rhodora at sinabihan ko sya na hihintayin ko sya sa claiming of baggage area.pag dating ko sa baggage area, andun si ate christine, hinihintay nya pala kami ni ate rhodora kaya ayun sabay sabay ulit kaming tatlo. nang malapit na kami sa exit ay nag offer si ate christine na tawagan ko ang susundo sa akin para malaman nila na palabas na kami. nagulat ako nun kasi hindi ko talaga alam kung saan kami magkikita ng kapatid ko dahil hindi rin ako makapagsend ng message gamit ang roaming sim. hindi na ako nahiya at tinanggap ko ang alok ni ate christine. nakausap ko ang kapatid ko at nalamang wala pa pala sila sa airport. ganun din ang ginawa nya para kay ate rhodora at parehas kami na hindi pa rin dumarating ang sundo. at dahil ok na kami ni ate rhodora na nakausap ang mga sundo ay nagpaalam na si ate christine, wala naman kasi syang sundo at alam naman nya ang kanyang pupuntahan . naauna na syang umalis, pero syempre hindi namin kinalimutang magpasalamat sa kanya. umupo kami ni ate rhodora sa waiting area, at duon pinagsaluhan namin ang sky flakes na pinabaon ni mama sa akin. maya maya ay nag text na ang kapatid ko. nagpaalam na rin ako kay ate rhodora. naiwan syang magisa sa waiting area pero parating na rin naman ang susundo sa kanya.malaki ang pasasalamat ko kay ate christine at kay ate rhodora dahil sa lahat ng nilapitan ko hindi sila nagdalawang isip na i-entertain ang mga tanong ko. patunay lang yon na likas sa loob ng mga pinoy ang tumulong, marahil dahil sa karanasan ng iba nating kababayan ay mas pinipili na lang ang hindi umimik o hindi magbigay tulong dahil ayaw nilang maloko ng mga taong mapagsamantala. ay, pasalamatan ko rin yung una kong nakatabi sa eroplano papuntang hong kong kaso hindi ko nakuha ang pangalan nya..ate christine at ate rhodora, salamat po ulit....

Paglalayag ni PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon