Simpleng Usapan, Maraming Kahulugan

188 0 0
                                    

Araw araw ilang daang personalidad ang aking nakakaututang dila. Ibat ibang ugali at kultura, ibat ibang usapan na kung minsay may kahulugan at madalas ay wala namang laman. Iilan lang ang mga paksa na kapupulutan ng aral at mayroon din namang nagbibigay palaisipan sa akin. Isang hapon, habang busy ang lahat ng aking kasamahan, tiyempong sa akin napatapat ang customer na arabo. Kadalasan, ang tanging takbo lang ng aking pakikipagusap sa isang customer ay mga bagay na may kinalaman lamang sa aming itinitindang sweets. Pero nagulat ako ng simulang magtanong ng arabong customer sa akin ng walang kinalaman sa aming negosyo. At ang simpleng usapang ito ang nagbigay palaisipan sa akin.......

Arab : Are you Filipino?

Ako : Yes Sir.

Arab : So you are from Mindanao?

Ako : No Sir, I grew up in Manila. Do you have friends in Mindanao Sir?

Arab : No, I thought all Filipinos are from Mindanao.

Ako : Philippines has 7,107 island and Mindanao is part of it.

Arab : Do you think all Filipinos are nice?

Ako : It depend sir.

Arab : Depend on their location?

Ako : It depends on a person.

Arab : Ah ok, nice meeting you my friend.(Sabay abot ng kanyang kamay upang makipag daupan)

Ako : Thank you sir, and hope to see you again.(ang aking pagsasara sa aming usapan)

Pagkatapos ng usapan namin napaisip ako, bakit iniisip nya na lahat ng Filipino ay nanggaling sa Mindanao?

Dalawang kasagutan ang pumasok sa aking isipan kung bakit sa palagay nya ay lahat ng Filipino ay nanggaling sa Mindanao.Una (ang pinakasimpleng kasagutan), dahil Islam ang kaniyang relihiyon, alam at kilala nya ang Mindanao dahil karamihan sa ating mga kapatid na Muslim ay doon naninirahan.Ikalawa (komplikadong eksplenasyon), naalala ko na ilang buwan na ang nakakalipas ay may naging customer ako na bukod kay Manny Pacquiao ay Mindanao lang din ang alam niya tungkol sa Pilipinas. Bakit? Ilang beses na bang na Headline hindi lang sa local news kung hindi pati sa International News Channel ang Pilipinas dahil sa kaguluhan sa Mindanao. Nakamulatan ko na ang mga teroristang pilit na nag aaklas laban sa ating gobyerno at tama ka, alam ko na alam mo na ang nais kong tukuyin ay ang Abu Sayaff. Ang grupong ito rin ang nagbigay pagkakakilanlan sa aking customer tungkol sa Mindanao. Hindi man sila kasing aktibo gaya ng mga ilang taon na ang nakakalipas ay hindi naman na mabubura sa isipan ng bawat indibidwal na nakakakilala sa kanila ang pilat ng karahasan na kanilang iniwan sa kasaysayan ng ating bansa partikular sa Mindanao.Ayokong isipin na kaya ang pagkakaalam ng nakausap kong customer na lahat ng Filipino ay nanggaling sa Mindanao ay baka iniisip nya na tayo ay may dugong terorista (huwag naman sana).Sa kabilang banda, nais kong tignan ang isyung ito sa positibong pamamaraan. Maraming nakakakilala kay Manny Pacquiao dahil sa kanyang galing sa larangan ng palakasan. At dahil sikat siya, ay nakilala rin ang kanyang tinubuang lupa, ang General Santos City na bahagi ng Mindanao. Sana ay ito at ang unang kasagulatan ang dahilan kung bakit Mindanao lang ang alam niya sa mga Filipino. Huwag naman sana na kilala nya ang mga Filipino bilang mga terorista na nagkukuta sa Mindanao.Wala sa atin ang may kagustuhang mabansagan bilang mga terorista. Mga masasama ang loob na ano mang oras ay handang umatake ng patalikod at makapaghagisk ng lagim. Subalit nakakalungkot isipin na may mga kababayan tayong asal terorista. Balikan natin ang huli nyang katanungan na "Do you think all Filipinos are nice?". Sa tanong niyang ito ay hindi ko alam ang tumatakbo sa kanyang isipan. Kaya ipinagpalagay ko na lang na ang tanong nyang ito ay tumutukoy sa mabuting pakikitungo ko sa kanya sa mga sandali na kami ay magkausap. Maari din naman nating isipin na ang taong ito ay may karanasan o may nabalitaan sa maling gawa ng mga kababayan natin na nagbigay dungis at masamang impresyon sa ating lahi.Huwag na nating itanggi, ilang Filipino na ba dito sa Dubai ang nasangkot sa mga eskandalo? Maaring ito ay sa loob at labas ng kanilang kumpanyang pinapasukan. Ilang Filipino na ba ang nakulong at tumakas pauwi ng Pilipinas dahil sa pagkakabaon sa utang dahil sa hindi kontroladong pag gamit ng credit card? Ilang Filipino na ba ang sumira sa kanilang pangalan dahil sa pag despalto sa pondo o pera ng kanilang kumpanya? Ilang Filipino ba dito sa Dubai na ikinakalakal ang kanilang katawan upang kumita ng katiting na pera? Hindi ba't maikukumpara natin ang ganitong gawain sa isang terorista?Sa mga maling gawi na ito, hindi lang ang sariling pangalan ng mga indibidwal na ito ang nasisira. Kung may mababalitaan akong ganito hindi naman pangalan ng mga sangkot ang itinatanong, kung hindi, "Anong lahi?"Ang resulta, nasisira ang tiwala ng mga employer sa mga Filipino dahil nagegeneralize na lahat ng Filipino ay ganito. Ang kahahantungan nito, nagkakaroon ng discrimination at bumababa ang tingin nila sa mga manggagawang Filipino. Bumababa ang tingin ng ibang lahi sa atin dahil sa dungis na gawa ng iba nating kababayan na nagpapadala sa temtasyon.Mabuti na lamang ay napapalibutan ako ng mga taong pilit na itinataas ang antas ng pagkatao ng ating lahi dito sa UAE. Mga tao na matapat sa kanilang bawat gawain at hindi gumagawa o gagawa ng maling hakbang upang ikasira ng ating pagkatao at sa tiwala na ibinigay ng kanilang mga amo. Malaki rin ang aking pasasalamat na kahit kahirapan ang aking kinagisnan, ako ay nagabayan ng aking mga magulang upang malaman ang tamang landas na aking tatahakin sa lahat ng oras. Hindi naman nasusukat ang katapatan tuwing may mga matang nakatingin sa iyong bawat kilos. Bagkus, ito ay mapapatunayan kahit walang nakatingin sa iyong ginagawa. Naniniwala ako na ito ang isa sa mga susi upang mapanatili natin ang pagiging magiliw ng mga banyaga sa atin. Kung lahat tayo ay ganito ang pananaw, hindi malabong mabubura sa isipan ng mga banyaga ang maduming pilat na pagkakakilanlan sa ating mga Filipino.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paglalayag ni PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon